"Okay ka lang?" Jeno asked me as he took my hand. Napapunas ako ng luha ko habang tumatango.
Katatapos lang kasi ng last hearing sa may korte sa kasi ni Arielle. Napatunayan ngang guilty siya at habang buhay na pagkakakulong ang sentensiya sa kanya, pati dun sa mga part ng assasinations group.
Naiiyak ako kasi sa wakas nabigyan na ng hustisya ang pagkamatay ni Jungwoo at matatahimik na kaming lahat.
"Sandali!" somebody shouted kaya nilingon namin ito at napayakap si Jeno sakin habang nakatitig kami kay Arielle, kasama ang ilang female police officers, abogado niya at tatay niya.
"Tatandaan mo, Jaemin. Hinding hindi kita titigilan." she said blankly at lalo lang bumuhos ang emosyon ko.
"Wala ka nang magagawa. Hindi mo na kami masasaktan pa. Mabubulok ka na sa kulungan." i told her lowly but she smirked at me.
"Hintayin mo lang ako, Jaemin. Kukunin ko ulit ang meron say-"
"Tumigil ka na, Arielle! Hindi ka ba napapagod?" sumbat ni Jeno at nalipat ang tingin ko sa kanya. I saw his serious face before i decided to look at Arielle again.
"Ako pa ba? Tsk."she replied.
"Tumigil ka na." mahinahon kong wika.
"Andali mo lang sabihin yan kasi nakuha mo na ang lahat! Akala mo ang dali lang nito sakin? Nagsisisi naman ako sa nang-"
"Nagsisisi? Sa hitsura mong yan nagsisisi ka? Mabubulok ka na sa kulungan! Lumabas na ang katotohanan, Arielle. Alam na ng lahat na mamamatay tao ka. At pinatay mo ang mga taong wala namang ginagawang masama sayo? Mabuting tao sila lalo na si Jungwoo! Napakasama mo!" i cried.
"Tama na." Jeno whispered.
"Kulang na kulang pa yun." she said at napansin kong tumutulo na ang luha niya.
"Tara na." wika ng isang pulis at hinila na siya paalis at nagsimula na din kaming maglakad paalis sa korte ni Jeno.
Nasa labas na kami nang biglang humarang ang ilang press pero niyakap lang ako ni Jeno at pinalayo ang press nung ilang pulis na nakasama namin.
Nang makalayo na kami, saka naman may humarang samin ulit. Isang babaeng mukhang may edad na, at may pagkakahawig kay Arielle. She must be her mother.
"Jeno. Jaemin." she started.
Humigpit ang hawak sakin ni Jeno until this woman took my hands as she cried.
"Ako na ang hihingi ng tawad sa ginawa ng anak ko sainyo. Pinalaki ko naman siya ng mabuti pero diko alam kung bakit ganito na siya ngayon. Alam ko kahit hindi na siya mailalabas ng kulungan ay mapatawad mo pa din siya." she cried.
Tiningnan ko muna si Jeno at nilingon ulit ang ginang.
"Nay." i smiled at her at tiningnan niya din ako.
"Alam ko mabuti kayong ina. Walang ina ang nanaisin na maging masama ang anak. Alam ko yun kasi ina din ako. Pinapatawad ko na po siya sa lahat." i said and she hugged me.
YOU ARE READING
Overplay: The Last Season
Fanfiction"Prove to me that i was wrong, Jae." "And then what?" "Then, I'll let this game end."