Gaya ng ipinangako ko kay Autumn, makikipagkita kami kay Jeno ngayon. Kagabi lang naman ay kinuha ko ang number niya kay Koeun at tinext ko siya kung puwede siya bukas. Nung nalaman niyang gusto siyang makita ni Autumn, dali dali nga siyang nagreply na wala siyang gagawin eh kaya okay lang.
Siguro nga ay ito na yung lukso ng dugo na sinasabi ng lahat. Nararamdaman niya yun pero di niya alam lang dahil hindi naman niya alam na naging kami nun.
Nagpaalam ako kina Nanay at pati kay Jungwoo na din. May kikitain din si Jungwoo ngayon eh. Yung pinsan niyang recording artist na kilalang kakompetensiya ni Arielle, na fiancee ni Jeno. Luke ang stage name nga daw eh.
Hinatid naman kami muna ni Jungwoo sa may Park kung saan kami magkikita nila Jeno. Medyo kinakabahan pa din talaga ako pag expected na makikita ko siya.
Wala pang 5 minutes pagkarating namin ay dumating na si Jeno. Sinalubong siya ni Autumn na nagtatakbo, at nakasunod lang kami ni Bella.
Masaya na sana eh. Kaso kasama niya pala si Arielle na ang sama ng tingin sakin at sa anak ko.
"Namiss kita." Autumn told Jeno at napaluhod si Jeno sa harap niya sabay hawi sa buhok niyang napunta sa mukha niya.
"Namiss din kita. Laro tayo?" Jeno cheerfully said.
"Oo nga, Jeno. Laruin mo muna sila tapos yayayain ko lang muna saglit si Jaemin sa coffee shop." Arielle fakely smiled.
Tiningnan ako ni Jeno and our gazes met. "Okay lang ba?"
I nodded.
"Osige, tara na." Hinawakan ni Jeno pati kamay ni Bella at hinila sila palapit sa isang ticket booth, para sa carousel, at kitang kita ko kung paano nagtatalon yung dalawang bata sa sinabi niya.
"Tara na." Arielle said seriously at sumunod nalang ako sa kanya.
Pumasok kami sa isang coffee shop at nag order siya ng maiinum namin agad pagkaupo namin.
"Bakit moko niyaya dito?" i asked her while watching her sip on her coffee cup.
Ibinaba niya ang cup niya sa mesa sabay tingin sakin, "Hindi ba halata o nagbubulag bulagan ka lang?"
I found it rude kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Ikakasal na kami soon ni Jeno. Puwede ba dumistansya ka naman?" She said.
And it heated me up.
"Matagal na akong dumistansya sa kanya." i said.
"Talaga ba? Eh ano tong ginagawa mo ngayon?" she asked.
Natahimik ako at nilingon sila na nasa carousel area. Masaya silang tatlo habang nakasakay sila doon.
"Hindi ako ang humiling na magkita sila ngayon. Yung mismong anak niya ang humiling nun." i said sharply.
"Madali lang naman ang hinihingi ko sayo eh. Step out of his life. Dahil hindi ka naman niya maaalala na." she said.
Napuno na ako sa puntong iyon.
"Paano kaya kung sinabi ko sa kanyang anak niya si Autumn? Paano kung sinabi kong asawa ko siya dati at inagaw mo lang siya sakin? Paano kaya kung sinabi kong hindi naman talaga kayo noon?" I stood up from my seat at napatingala siya sakin na halatang gulat at natatakot sa sinasabi ko.
"Tsaka eto tatandaan mo, Arielle. Wala akong balak agawin si Jeno sayo. Pero pag bumalik siya sakin, wala na akong kasalanan doon." i said at iniwan ko na siya doon at dumiretso sa park.
Siya na nga iyong mang aagaw, ang kapal kapal pa ng mukha niyang sabihan ako ng ganun?
Napaisip tuloy ako. Paano kaya kung diko iniwan si Jeno nun? May possibility siguro na masaya na kami ngayon.
Kaya medyo nanghihinayang ako.
"Okay ka lang?" Hindi ko namalayang nakalapit na pala si Jeno sakin habang iyong mga bata ay nasa malapit, nasa may seesaw.
Naupo siya sa tabi ko kaya bahagyang umusod ako pero hinawakan niya ako sa braso ko.
"Wag kang lumayo sakin." He said so i just remained silent.
"Gusto mo ice cream? Cotton candy?" alok niya bigla at umiling ako.
"Mahal mo ba si Arielle?" i suddenly asked. Huli na ang lahat ng marealize ko ang tanong ko. Natigilan nga siya eh at unti unting tumingin sakin.
Gaga ka, Jaemin.
"Wag mo na nga pansinin." i fake a laugh but he didnt laughed with me.
"Why did you asked anyway?" he asked seriously at doon na ako kinabahan.
"Wala naman." i said.
Then, i remember something.
"Sabi mo nun, parang may mali. Parang may hindi ka nalalaman. Naisip ko lang, sa tagal niyo ng magkasama ni Arielle, nagdududa ka din ba sa kanya?" i asked. Galing ko mag isip ng rason ah.
I saw how he sighed deeply.
"Ewan. Siguro." He chuckled, still troubled.
"Mahal mo siya?" i asked. Nilingon niya ako and our eyes met again.
Nagkatinginan lang kami. Una akong nagtanggal ng tingin dahil di ko kaya.
"Im wondering why you can't stare at me that long just like how i did everytime im catching yours." sabi niya dahilan ng pagkakaba ko.
"Pasensiya na." i said not looking at me.
Silence again.
"Jaemin." he suddenly called me.
I earn all the courage inside me to look again at him pero na kay Autumn ang tingin niya.
Then, he looked at me.
I waited until he said something afterwards.
"Boyfriend mo lang ba si Jungwoo o siya rin ang ama ng anak mo?" he asked that froze me out from my seat.
Eto na ang kinakatakutan ko.
YOU ARE READING
Overplay: The Last Season
Fanfiction"Prove to me that i was wrong, Jae." "And then what?" "Then, I'll let this game end."