Jeno's:
Dumiretso talaga ako sa police station at nakatanggap ako ng tawag kay Arielle pero pinatay ko yun. Iistorbohin na naman niya ako.
Dumiretso ako sa desk at napansin kong tinitingnan ako ng ilang pulis na akala mo ay isa akong kriminal sa harap nila.
O dikaya ay nakikilala lang nila ako?
"Sir, puwede magtanong kung nagtatrabaho ba dito ang isang Lee Donghae?" tanong ko. Napatitig lang sakin iyong pulis bago siya nagkalkal sa mga record files yata nila.
"Actually sir, hindi. Pang national service po siya kaya wala din po dito ang office niya. Puwede po ba naming malaman kung bakit niyo siya hinahanap?" tanong nito sakin.
"Kailangan ko po siyang makausap." i lied.
Nagkatinginan na naman sila. Medyo nakakaano na ha.
"Puwede ko pong ibigay ang unit address niya." sabi nito at muli akong napatingin sa kanya. Tumango nalang ako.
At ayun, binigyan niya ako ng address.
Nagpasalamat nalang ako sabay alis dun at balik sa kotse ko. Binasa ko muna iyong address saka ako nagdrive papunta doon.
Pagkarating ko dun ay bumaba ako agad at pumasok sa isang unit ng condo at dumiretso sa 7th floor kung saan nakalocate iyong nasa address.
"number 35." i mumbled saka ko hinahanap ang door number na yun. Nang mahanap ko ay kumatok ako agad.
May narinig akong yapak sa loob hanggang sa nagbukas ito at tumambad sakin ang isang-
Wow. Isang magandang babae. Na nakabathrobe ng pink.
"Uh-" ewan ko pero napaiwas ako ng tingin kasi ang ikli nung robe niya plus exposed iyong dibdib niya. Ano ba yan.
"Babe, may tao!" sigaw nito bigla saka iniwan ako sa may pintuan. Hindi ako nginitian o pinapasok, tapos iniwan pa ako.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay bumalik iyong babae na may kasamang lalaki. Pero nadisappoint ako nung nakita kong hindi siya yun. Yung hinahanap ko.
"Ano yun, hijo?" tanong ng lalaki.
"Sorry po pero akala ko taga dito iyong hinahanap ko." i told them.
"Sino bang hinahanap mo?" tanong pa niya.
"Lee Donghae po." i said at halatang nagulat sila.
"Bakit mo hinahanap iyon? Ang alam namin nasa kabilang kuwarto siya." wika nung lalaki.
"Dito po ba?" tanong ko sabay turo sa may bandang kaliwang kuwarto pero biglang bumukas iyon kaya natigilan ako.
At nagkatinginan kami nung taong lumabas doon.
Siya na yun!
Hindi ko namalayan na pinagsarhan na ako ng pintuan nung lalaki at babae kaya lumapit ako sa lalaking kinikilala ko sa pangalang Donghae.
YOU ARE READING
Overplay: The Last Season
Fanfiction"Prove to me that i was wrong, Jae." "And then what?" "Then, I'll let this game end."