Hinatid pa ako ni Jeno pauwi pagkahapon nun dahil dumating iyong driver niya na dinadrive iyong kotse niya papunta sa resort. Dun ko lang narealize na dumoble lang ang yaman ng taong to ngayon kesa dati.
Parang iyong pagmamahal ko sa kanya.
Naaawa ako sa kanya honestly. Nararamdaman niya talagang may mali sa mga sinasabi ng lahat tungkol sa nakaraan niya.
Gustong gusto ko nang sabihing oo, mukha talaga akong pamilyar sa kanya kasi ....
Asawa ko siya dati.
Kaso ayokong magulo lang ang lahat.
Kapag nalaman ni Autumn din to ng ganito kaaga, baka isipin niyang may ibang mahal ang ama niya at hindi ako yun.
May nararamdaman ba si Jeno para sakin? Kasi hanggang ngayon, mahal ko pa din siya.
Pero paano si Jungwoo? Ikakasal na ako sa kanya.
Ayoko siyang iwan. Kaya hindi puwedeng malaman ni Jeno ang tungkol sa nakaraan namin.
Medyo madilim na nung makarating ako ng bahay. Sinalubong nga ako ni Autumn at Bella eh.
"I missed you. Where have you been?" Autumn asked me in her sulky tone.
"May pinuntahan lang na importante. May dala naman ako eh." i smiled at her as i showed her a strawberry pack at nanlaki ang mga singkit niyang mata saka siya nagtatalon sa saya.
Pagkakuha niya yun sakin, hindi ko maiwasang malungkot.
Galing yun kay Jeno. Binili niya kanina bago niya ako pinahatid dito sa bahay.
"Is everything okay?" i heard Jungwoo getting off the stairs kaya nilingon ko siya.
"Sorry medyo nalate ako ng uwi." i reached out and kissed him in his cheek.
"Okay lang. Pahinga ka muna." He smiled before kissing my forehead.
Dumiretso nga ako sa kuwarto at nagpalit ng damit bago dumiretso sa kama. I laid myself down at patuloy na inisip iyong tungkol kay Jeno.
Gulong gulo ako. Alam ko sa sarili kong mahal ko pa siya. Pero natatakot na ako sa susunod na mangyayari kapag sinabi ko ang totoo.
Dapat pa ba akong magpakasal kay Jungwoo? Sa mga nangyayari ngayon kasi, hindi lang sarili ko ang niloloko ko. Pati na din siya.
Bigla bigla pumasok si Autumn sa kuwarto kaya napabangon ako sa kama.
"Momma, are you okay?" sumalampak siya sa kama kaya hinila ko siya.
"Oo naman. Bakit?" i smiled at her.
"Para kang may sakit eh." simangot niya.
"Pagod lang ako, baby." i cupped her face and kissed his forehead.
"Momma, last night i dreamt about Jeno." she said kaya parang napalting ang tenga ko sa narinig ko.
YOU ARE READING
Overplay: The Last Season
Fanfiction"Prove to me that i was wrong, Jae." "And then what?" "Then, I'll let this game end."