"Uh .. kasi-"
"Jeno." in a sudden, Arielle came in at napalingon kami pareho ni Jeno sa kanya.
"Kailangan na ako sa studio. Tara na. Siguro naman nakapaglaro na kayo ng mga bata." she said sabay lakad sa harap ko at sinagi pa ako.
"Mauna ka n-"
"Jeno, kung inaalala mo ang mga bata, okay lang. Pauwi na din kasi kami." pagsingit ko sabay alis sa harap nilang dalawa.
Akala ko hahayaan na ako ni Jeno pero nakuha pa niya akong mahawakan sa braso ko. Napapikit ako habang humihinga ng malalim saka siya nilingon.
"Ayaw mo bang ihatid ko muna kayo? Wala pa naman iyong boyfriend mo." he said seriously.
Nakita ko kung paano ako inirapan ni Arielle sabay hila kay Jeno paalis.
"Tara na. Hindi mo na sila kargo." nagsusungit niyang sabi.
Tahimik lang akong tumalikod at sinalubong sila Bella na payakap sakin. Binuhat ko si Autumn saka ko nilingon ang paalis na sila Arielle at Jeno, at nakita kong nakalingon siya samin na parang may gustong sabihin.
O malaman.
"Babye." Autumn waved her hand to him at ngumiti ng panandalian si Jeno bago sumakay sa kotse nila at umalis.
"Tara na. Gusto niyo kumain tayo?" sabi ko sa dalawa at umuo naman sila kaya dinala ko sila sa gusto nilang restaurant saka ko sila pinakain. Tinext ko si Jungwoo kung nasaan kami at wala pang 5 minutes ay dumating na siya.
"Okay ka lang?" he asked as he sat beside Autumn.
I nodded.
"You looked bothered. May nangyari ba?" he asked, still worried.
Tiningnan ko lang siya saka ko tiningnan si Autumn na wiling wili sa pagkain ng pagkain niya.
"Iyong ama ng bata. May tanong siya kanina na halos nagpahina sa tuhod ko." i said trying to lower my voice, at mukhang nakuha na niya ang ibig kong mangyari.
"Sige sa bahay na natin pag usapan yan." he said saka niya hinarap si Autumn.
After namin dun ay dali dali na kaming umuwi. Sa kotse palang ay nakatulog na iyong mga bata kaya nasimulan ko na ang pagkuwento kay Jungwoo.
Nasa bahay na kami nang magsalita si Jungwoo. At talagang seryoso siya.
"Kung hindi ba umeksena si Arielle, sasabihin mo ang totoo?" he asked, cornering me.
Napalakad ako palayo sa kaniya saka ako napahinga ng malalim.
"Hindi ko alam." i said.
Naging tahimik nalang din siya pero naramdaman ko ang pagyakap niya sa braso ko sabay halik sa ulo ko.
"Puwede mo namang sabihin eh. Hindi naman ako ang totoong ama ni Autum diba?" he asked kaya nilingon ko siya.
"Hindi naman yun ang problema, Jungwoo." i said saka ko nilapitan ang kama, kung saan nakahiga si Autumn.
"Ayokong magkagulo. Ayokong masira ang buhay niya, bilang company holder at bilang fiancee ni Arielle. Kapag nalaman niya ang lahat, magugulo ang lahat. Di lang buhay niya, buhay ko kundi buhay nating lahat. Baka magalit siya kina Mark, sa pamilya niya at baka kung anong mangyari." i told him.
YOU ARE READING
Overplay: The Last Season
Fanfiction"Prove to me that i was wrong, Jae." "And then what?" "Then, I'll let this game end."