"Baby ah? Wag lalabas ng bahay. Kakain ka okay? Sandali lang ako sa labas. Ill buy you your favorite okay?" Bilin ko kay Autumn at tumatango lang din ito sakin habang hawak niya yung laruan na binigay nila Rei.
Feeling ko talaga magiging tomboy tong batang to paglaki eh. Puro panlalaking laruan linalaro at di attracted sa barbie dolls.
Hindi nagtagal ay umalis na din ako. May aasikasuhin kasi akong business meeting tungkol dun sa pizza parlor na iniregalo sakin ni Daddy before. Kasi kalahati ng kita kasi nun ay ililipat ko sa account na nakapangalan kay Bella. May charity work kasing tinutugunan si Nanay ngayon at lagi niyang isinasama si Bella kaya naisip namin na parang magdonate din ng pera gamit ang pangalan ni Bella para kahit bata pa siya, nakakatulong na siya sa ibang tao.
At, mga batang nasa ampunan at may mga malulubhang sakit ang tinutulungan namin.
Medyo natagalan ako sa pag asikaso nun dahil dumiretso ako pa ng bangko para ipaasikaso yun. Nang matapos yun ay dumiretso ako sa isang grocery store at bumili ng strawberry goods para kay Autumn. Bumili din ako ng gatas nila ni Bella, at gatas para sakin na nagdadalang tao. Kailangan talaga yun para mamakesure na okay si baby.
Medyo nalungkot lang ako nang mapunta ako sa section dahil may nakita akong ilang buntis na kasama ang mga asawa nila. Samantalang ako walang kasama.
Naalala ko bigla si Jungwoo. I sighed afterwards.
Saka ko din naalala si Jeno.
Ano na kayang lagay ni Arielle?
Nang matapos na akong bumili ng dapat kong bilhin ay lumabas na ako ng store. Pagkalabas ko, someone grabbed me in my arm.
"A-arielle?" i was too surprised seeing her seriously staring at me.
"Let's talk. Just this time. Please?" she asked.
"Para saan?" tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko.
"Tungkol kay Jeno." she said at tiningnan ko lang siya.
"Nasayo na siya. Bakit hindi ka na lang manahimik?" medyo nataasan ko siya ng boses.
Yung inaakala kong magtataas din siya ng boses at gagawa siya ng eksena dito, di nangyari. Instead, lumuha siya sa harap ko.
"Kahit naman anong gawin ko, ikaw pa din ang mahal niya." she cried.
"Natatakot lang naman ako na iwan niya ako at ang baby namin." she continued.
Paano naman kaya ako at si Autumn diba?
"Hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko, Jaemin. Layuan niyo na siya please? Layuan mo na kami." she said.
"Ang kapal ng pagmumukha mong sabihin sakin yan matapos mong gawin ang lahat sakin?" hindi na ako nakapagpigil.
Naluha na din ako sa inis.
Pero lumuhod siya bigla sa harap ko na ikinagulat ko at nakaagaw ng pansin sa ibang tao.
YOU ARE READING
Overplay: The Last Season
Fanfiction"Prove to me that i was wrong, Jae." "And then what?" "Then, I'll let this game end."