Pagkatapos ng araw na yun, halos lagi ng dumadalaw sa bahay si Jeno. Hindi lang para sakin kundi para kay Autumn. Gusto nga sana niyang matulog sa bahay para makasama niya kahit isang gabi si Autumn pero hindi puwede baka magwala sa kanila si Arielle.
Ang kuwento niya sakin ay nag away na naman daw sila ni Arielle dahil kay Autumn. Bakit daw ba binubuhos ni Jeno ang panahon niya kay Autumn eh malaki na ito. Nakakagigil talaga yung babae na yun. Buti nga si Autumn, talagang anak talaga ni Jeno kaya may karapatan ito sa kanya. Eh yong dinadala ba niya?
Hindi sa sinasabi kong hindi nga yun anak ni Jeno, pero bakit walang maramdaman yung tao sa pinagbubuntis niya.
Balak nga daw ni Jeno na ilabas sa publiko ang tungkol kay Autumn since isa din siya sikat na personalidad sa bansa pero sinabi kong wag. Pati din daw si Arielle umayaw. Lalo lang kasing gugulo ang buhay namin. At baka kung anong mangyari pa kay Autumn.
"Jeno, aalis ako. Dito ka lang ba muna?" i told Jeno habang kumakain sila nila Bella at Autumn sa hapag. Ang aga pa kasi nandito na siya.
Pero dahil naman sa kanya ay bumabalik na din ang dating sigla ni Autumn kaya okay lang na magdusa muna ako.
"Momma, aalis ka na naman?" Autumn asked. Na parang against sa gagawing kong lakad na naman.
"Baby, kasama ko si Tita Herin okay? Sasamahan ko lang siya. Uuwi din ako agad." i kissed her in her forehead pero di nalang ito umimik.
"Ayaw mo bang samahan ka na din namin?" Jeno said.
"Dito nalang muna kayo sa bahay. Baka may makakita satin sa labas at lumabas lang ang isyu tungkol sa inyo ni Autumn." i told him.
Tumango nalang ito. "Uwi ka kaagad, Momma ha?" Autumn said.
Tinanguan ko lang siya saka na ako lumabas. Sakto na din ang pagdating ni Herin, sakay ng isang cab kaya sumakay na din ako.
"Nasaan ang mag ama mo?" i asked her.
"Kina Mark." she smiled.
Nginitian ko lang siya.
"Balita ko, nandyan kadalasan sainyo si Jeno. Alam na ba ni Autumn ang tungkol sa tatay niya?" she asked.
"Oo, sinabi ko na noon pa. Nung paalis na nga sana kami papuntang airport ay nagkaiyakan kami dyan sa bahay. Kaya hindi kami natuloy dahil sa kanila." i smiled.
"Ano bang plano niyo ni Jeno?" she asked.
Isang malalim na paghinga ang nagawa ko. "Wala kaming plano. Basta pananagutan niya iyong anak niya kay Arielle, at magiging ama din siya kay Autumn."
"Bakit ba di nalang niya iwan si Arielle diba? Tutal pareho naman kayong may anak sa kanya, ni Arielle, edi dapat mapunta nalang si Jeno sa totoong mahal niya. Which is you." sabi nito.
"Gustuhin ko man pero mahirap. Yung Arielle kasi na yun di natin alam ang nasa isip niya. Mamaya gumawa siya ng kasamaan tapos madamay pa si Autumn. Kaya ko nga nilayo nun ang bata kay Jeno dahil ayokong madamay ito diba?" i explained. Napahinga din ito ng malalim.
"Ang hirap ng sitwasyon mo." she said pero nginitian ko lang siya.
Dahil puro stress nalang nakukuha namin these days, kaya nagpasyang lumabas kami ni Herin ngayon. We talked a lot about the kids, the city, at yung trabaho din namin. Siyempre nakaleave ako sa main job ko kaya hindi ako masyadong nagkuwento.
YOU ARE READING
Overplay: The Last Season
Fanfiction"Prove to me that i was wrong, Jae." "And then what?" "Then, I'll let this game end."