Friends.

97 8 1
                                    

Nung malaman nila Renjun ang balita tungkol sakin, nakita ko sa kanila ang tuwa para sakin. Lalo na at si Renjun ay talagang kaibigan ko talaga simula pa nun. Kahit na nasa malayo sila ngayon, since nasa ibang bansa ang trabaho nila, ramdam na ramdam ko ang suporta nila sakin.








Pero diko aakalaing, sila Minhyung ay taliwas sa kanila.









"Jaemin, hindi sa ayaw namin pero-"

"Alam ko naman Minhyung. Alam ko, naiintindihan ko." i forced a smile pero alam kong alam niya na peke iyon.






"Sa tingin mo makakalimutan mo si Jeno sa mga ginagawa mo? Hindi yun mangyayari, Jaemin. Bakit ba hindi nalang natin sabihin ang totoo sa kanya?" sabi niya sakin.




"Para saan? Para sirain ang lahat? Minhyung, buntis si Arielle. Magkakaanak na sila." halos naiiyak kong sabi.






Natahimik lang siya.







"At kahit kailan di ako sinaktan ni Jungwoo. Alam kong di niya ako pababayaan." i said, already crying.







"Kapag lumbas ang katotohanang anak niya si Autumn, at may dating kami, masisira ang buhay at career niya. Pati ni Arie-"



"Could you stop thinking about him and his stuff? Pati na yung higad na Arielle na yun? Bakit hindi mo tingnan ang sarili mo, Jaemin. Ikaw ngayon ang nagdudusa dahil sa mga desisyon mo. Sa tingin mo, gusto namin to? Sa tingin mo, di totoong gusto ka ni Jeno? Look! Ibinabalik na ng tadhana si Jeno sayo. Wala ka bang gagawin para maayos ang lahat?" He said.




Umiiyak lang ako habang nagsasalita siya.







At nang hindi ako umimik ay naramdaman kong niyayakap na niya ako.






"I didn't mean to hurt you that way. You are my bestfriend. Pati din naman ako, bothered sa nangyayari sainyo." he said.





Tahimik lang akong tumatango sa kanya.









••••••
5pm. Dumating si Jungwoo sa bahay, sakto kakagising ko lang din. Galing sila sa labas nila Autumn. Ipinasyal na naman niya at bumili na naman siya ng pagkain. Ko, siyempre.





"Okay ka lang?" he kissed me in my forehead. Tumango lang ako.







"Kamusta ang lakad niyo?" i asked.



"Ayun. Makulit pa din talaga ang magtita." Jungwoo chuckled, referring to Bella and Autumn.






The rest of that night, wala naman masyadong nangyari. Sabay sabay lang kaming nagdinner nila Nanay at masayang masaya kami. Ewan pero it is just a simple dinner pero ang saya ng mood naming lahat.







Nakatulog din kaming maaga kasi si Autumn, dahil pagod ay maagang nakatulog.









Mahimbing naman ang tulog ko not until something shakes me out of my sleep. Napaupo ako at minulat ang aking mata.












Then, it gets wide when i saw myself alone, in this bed, with these sheets full of blood stains na ikinatakot ko.







"J-jungwoo?" Una kong hinanap si Jungwoo pero kahit anong gawin ko ay diko siya mahagilap.









And someone showed up in front of me.







"J-jeno?" I saw him, with his shirt full of blood stains too at may hawak siyang ....














Patalim.










"Jeno wag. WAG!" i shouted when he was about to stab me.










But then,








"Momma?" napamulat ang mata ko at may kaonting liwanag akong naaaninag mula sa lampshade sa malapit at ginigising pala ako nila Jungwoo at Autumn.






"Autumn!" I sat up abruptly at napayakap sa kanya. Tuloy tuloy ang agos ng luha ko habang nanginginig ako sa takot.











Buti nalng talaga at panaginip lang yun. Pero ano ang ibig sabihin nun?











"Momma, okay ka lang?" she asked.





"Momma is okay." i told her.






"Gusto mo ba ng tubig? Ikukuhanan kita sa baba." Jungwoo said. Tumango nalang ako at umalis na siya.









Nang makaalis siya ay nagsalita ulit si Autumn. "I heard you call me, Daddy woowoo and Jeno. What's wrong?" she asked.







"Did i, baby?" i asked her. Tumango lang siya.








"Wala lang yun, anak. Nakita ko lang kayo sa panaginip ko." i lied.







Nalipat ang tingin ko sa bedsheet. At napahinga ako ng malalim.








I took my phone at nagtype ng message.








"Sana okay ka lang." That is my message. And i send it. To Jeno.









Hindi ko alam kung bakit ko sinend yun sa kanya. Pero natatakot ako sa ibig sabihin ng panaginip ko.











Bumalik na si Jungwoo at ininom ko na iyong dala niyang tubig saka ko pinahiga na silang dalawa. Tiningnan ko muna iyong phone ko at nakita kong nagliwanag yun. And i saw a reply from him.















Nilingon ko muna si Autumn at Jungwoo bago ko binuksan iyong text niya na nagpakilabot ulit sakin.











"Sayo ako nag aalala. Okay ka lang ba? Nagising ako at ikaw una ko kaagad naalala."










Ayoko na sanang maniwala.










Pero nagsend siya ulit ng message sakin.







"Jaemin, mahal mo ba talaga si Jungwoo?"











Hindi na ako nagreply pa at nahiga nalang ako. Niyakap ko si Autumn na nasa gitna namin ni Jungwoo at tahimik na umiiyak.
















Sorry, Jeno. Pero mas mahal kita.

Overplay: The Last SeasonWhere stories live. Discover now