Jeno's:
"May kaunting injury po tayong nakita sa back area niya at yun po ang isang dahilan kung bakit po siya dinugo. Pero good news, okay na po si baby pati si Mommy kasi makapit naman po siya. Ingatan nalang po natin siya kasi baka next time, hindi na kayanin ng bata yung nangyayari." the in-charge nurse said bago ito nagpaalam at umalis.
Isinugod ko kasi agad si Jaemin sa hospital matapos naming mapagtantong dinudugo na siya sa diko malamang dahilan.
Tiningnan ko siya mula sa may pinto at nakita kong gising na ito mula sa pagkakawala ng malay niya.
Pumasok ako at nilapitan siya.
"Okay na si baby." i smiled at her.
"S-salamat naman kung ganun." she said lowly.
"Anong ginawa mo at bakit nagkaroon ka ng back injury?" i asked seriously.
Napahinga ito ng malalim sabay upo. "Hindi na kinaya ng curiousity ko ang nagaganap. Yung nakita kong cab kanina na lulan ang ama mo, nasa tapat nung kabilang bahay. I sneakily went inside at nakita kong kanya nga yung bahay at nakita ko din sa phone niya na tinawagan siya ni Arielle. Nag usap nga sila eh, narinig ko lahat ng pinag usapan. Tho it was so short and so unenough, ramdam kong tungkol yun kay Bella at may koneksyon silang dalawa." nanginginig nitong sabi sakin.
"So sinaktan ka niya?" i asked her. Tumango ito.
"Then, next time, wag mo na ulit itong gagawin. Mas mabuting sinabi mo sakin o kaya sa authorities para mas safe. Look, you are pregnant. Muntikan nang nawala ang baby mo sayo." i told her.
"Kapatid ko ang pinag uusapan dito, Jeno. Ayokong maghintay lang ng gagawin ng mga pulis dahil minsan wala naman silang pakialam sa nangyayari." she replied.
"Oo. Naiintindihan ko." sabi ko nalang saka ko siya niyakap.
"Pananagutin natin siya sa mga ginawa niya." i told her.
Hindi rin kami nagtagal ay iniuwi ko na siya sa kanila at nagpaalam ako kay Autumn. Ang ibinalita nila Sir Yoo ay wala pang updates tungkol sa kung nasaan si Bella pero may nakuha silang detalye nga na hawak ng gago kong ama iyong bata.
Umuwi ako para hanapin si Arielle. Pakiramdam ko kasi tama si Jaemin.
Pakiramdam ko may kinalaman siya sa pagkawala ng bata.
Nasalubong ko siya sa may gate ng bahay at natigilan ito ng makita ako.
"Jeno!" sinunggaban ako nito ng yakap pero iritableng inalis ko iyon na ikinagulat niya.
Or is she playing fooly of me?
"Nasaan si Bella?" i asked her out.
"B-bella? Teka bakit ganyan ang tanong mo?" nagmamaangan nitong tanong.
"Alam kong nasayo ang kapatid ni Jaemin. Alam kong magkasabwat kayo ng ama ko sa mga kalokohang ito. Ibalik niyo na yung bata. Ano ba kailangan niyo?" mahinahon ngunit seryoso kong wika.
"Ang lakas din ng loob mong pagbintangan ako ha? Matapos mo akong iwan para sa Jaemin na yun tapos ibibintang mo sakin dahil nawawala ang kapatid niya? What the actual fuck are you trying to say, Jeno?" nagiba na ang tono ng pananalita nito.
YOU ARE READING
Overplay: The Last Season
Fanfiction"Prove to me that i was wrong, Jae." "And then what?" "Then, I'll let this game end."