Jaemin's:
Maaga palang ay umalis na ako ng bahay para bisitahin iyong puntod ni Jungwoo. Matagal na din, halos mag iisang buwan na din simula nang maganap ang trahedyang ikinasawi niya.
Isasama ko dapat si Autumn kaso ay tulog pa ito at sinabi ni Nanay na siya nalang magbabantay muna sa bata. Hindi na ako dapat aalis kaso ay may lakad na naman kami bukas para sa pag uwi namin ng New York, at baka diko na mabisita si Jungwoo nito.
Sana lang talaga ay malaman na kung sino ang pumatay sa kanila ni Luke.
Nakarating ako sa East Point Cemetery at hinanap ang nakalagakan sa magpinsan. May dala akong mga bulaklak at mga kandila din para sa kanila.
Hindi rin ako nagtagal doon ay naglalakad ako paalis doon. Hindi ako naghintay ng cab dahil ayoko munang makarating sa bahay agad.
Gusto ko munang mapag isa.
Sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko, feeling ko wala na akong pahinga. Lagi na akong napapagod. Nalulungkot. Umiiyak.
Hindi ko ba alam kung kakayanin kong mag isa to. I mean, i'm pregnant at may anak pa akong isa. Nung pumunta ako ng New York, im with my parents pero pagkapanganak ko kay Autumn nun, iniwan nila ako kay Jungwoo.
Ngayon, wala na si Jungwoo. Kakayanin ko ulit kaya yung ganitong sitwasyon ng buhay ko?
Hindi ko napansing nakalayo na pala ako sa sementeryo at feeling ko nawawala na ako.
Pero diretso lang akong naglalakad hanggang sa mapadpad ako sa isang pamilyar na lugar.
Napansin ko ang ilang sirang parte ng bakod at bukas na kahoy na lagusan papasok sa flower farm na ito.
Pumasok ako doon at napansin ang bakanteng lupang taniman doon.
Kitang kita ko ang malalaking pagbabago sa mistulang rose farm na ito dati. Punong puno na ito ng ligaw na damo at wala ni isang rosas ang nabuhay ang natatanaw ngayon.
I feel so sad and i badly wanted to cry. Dito nagpropose sakin nun si Jeno, at dito din kami ikinasal.
Katulad ng pagsasama namin, naglaho na din ang mga rosas na naging saksi sa pinakamahahalagang pangyayari sa buhay ko.
Napahikbi na ako sa sobrang kalungkutan nang may marinig ako.
"Jaemin .." napalingon ako agad at nakita ko si Jeno, na naging dahilan ng pagtigil ko sa pag iyak, at pagbilis ng tibok ng puso ko.
"J-jeno ." i mumbled.
Lumapit ito na tila di maipinta ang mukha sa di malaman na dahilan.
"Bakit ka nandito?" i asked while wiping away my tears.
"Pinabebenta kasi ni Arielle yung lupa na to. Sabi ng isa naming tauhan, may nakita daw silang tao na gusto atang bumili nito kaya pumunta ako ngayon dito." he said. "Eh ikaw? Bakit ka nandito?"
Bruha yung babaeng iyon. Sa pagkakaalam ko, kay Jeno ang lupain na to. Ano yun, kinurakot na din niya?!
"Maganda kasi ang lupa na to. Ibebenta mo ba sakin kung sakali? Gusto ko sanang kunin." i lied.
YOU ARE READING
Overplay: The Last Season
Fanfiction"Prove to me that i was wrong, Jae." "And then what?" "Then, I'll let this game end."