Blood.

83 8 2
                                    

Narrator's:






Isang maaliwalas ng umaga. Walang bakas ng pag ulan o kahit na ano. Sakto lang ang lamig ng hangin sa labas at tanging ingay ng dumadaang sasakyan sa national road, sa labas ng compound.










"Princess, where are you?" patuloy ang paghahanap ni Donghae sa alaga nitong pusa habang hawak niya ang food holder nito, upang sana'y makapag agahan ito. Sandaling tumunog ang telepono niya kaya ibinaba niya ang hawak na pagkain ng alaga niya, saka niya sinagot ang tawag.




"Arielle?"
"Mr. Lee." sagot ng nasa kabilang linya.

"May plano na ba?" tanong niya.
"Meron. Gusto kong kunin mo ang bata." sagot ni Arielle kaya napangiti ang lalaki.

"Si Autumn? Prepare your 50k for this, baby." he smirked.

"Prepared na yun, just for you. Kokontakin kita ulit mamaya kung makukuha mo na iyong bata. Do something para makuha mo siya, nang mas malinis pa sa kulay ng balahibo ng pusa mo." sabi ni Arielle at napapatango lang si Donghae kahit na di ito nakikita ng kausap.

"Magagawan ko yun ng paraan." he smirked.

"Osige. Aasahan ko yan." Arielle said.
"Sige, bye."






Ibinaba niya ang telepono habang nag iisip ng plano. Nang biglang narinig niyang parang may kung anong bagay na bumagsak mula sa labas ng bahay niya.






"Aw!" isang musmos na tinig ang umalingawngaw kasunod ng paghuni ng alaga niyang pusa kaya napatayo si Donghae upang tingnan iyon.





Hindi palang siya nalakarating sa pinto ay narinig na niya ang munting mga tawa na mula sa bata na animo'y nakikiliti.




Nang makalapit siya ang nakita niyang nakaupo sa may pinto ang isang bata, madumi ang mga paang walang mga tsinelas habang nilalaro niya ang pusa. Ang pusa niyang si Princess.







"Meowww~" nang makita siya ng pusa ay nilingon siya nito. Pati din iyong bata ay napalingon habang may mga nakakaakit na ngiti sa labi nito, namumula ang mga pisngi at pati mga mata nito ay naglalarawan ng masayang awra na kahit na
pinagpapawisan ito ay naaamoy pa din ang strawberry scent mula sa buhok nito.






Doon palang, napatitig na si Donghae sa maamong mukha ng bata. Saka niya naalalang anak ito ng anak niyang si Jeno.







Hindi niya mawari ngunit ay parang nagkaroon ng kaunting kaguluhan sa naramdaman niya sa bata.






Tumayo si Autumn sabay pagpag sa tuhod niyang nadumihan.

"Ikaw yung bad guy na umaaway sa Momma ko kahapon." wika ng bata na nagpakunot ng noo ni Donghae.





"Hin-"

Kalaro ko yung pusa niyo! Ang cute cute niya kasi!" natutuwang wika nito na halos magsara na mga singkit nitong mata dahil sa kasingkitan. Napangiti ng unti unti si Donghae habang tinitingnan si Autumn.








"Hala- wag moko iwan mingming!" paghabol ni Autumn sa pusa ng tumakbo ito hanggang sa makarating ito sa mesa, at nakita nito ang food holder nito. Nagsimula na itong kumain at dahan dahan na itong lumapit sa mesa at pinanuod ang pusang kumain.




Sumunod si Donghae habang nakatitig sa kanya. Biglang naglakad ang bata papunta sa refrigerator kaya medyo nabahala si Donghae.






Overplay: The Last SeasonWhere stories live. Discover now