Dumating ang kinabukasan, umaga, at puro takot at kaba ang nararamdaman ko sa mga panahong ito.
Ang nasa plano ni Jeno ay susunod sila sakin at may device silang nilagay sa may tenga ko para marinig nila ang pag uusapan namin ni Arielle.
Oo, di ko matutupad ang usapan namin ni Arielle. Natatakot ako, alam kong galit na galit yun sakin. Baka madisgrasya ako pati ng baby ko.
"Anak, mag iingat ka okay? Ipagpipray kita." Mom cried at tumango lang ako.
I drive the car alone, papunta sa sinabing lokasyon ni Arielle. Hindi naman ako nawala at nakarating din ako doon.
Pagkarating ko ay ilang beses kong inusal na sana ay hindi ako mapahamak.
Im not afraid for myself. Im afraid for my baby. At kay Bella.
Nasa malapit palang ako ay sinalubong na ako ng maraming lalaki na lahat ay may dalang baril. Natakot ako at natigilan siyempre.
"Hold your fire down, guys. Bisita natin siya." bumungad ang nakangising pagmumukha ni Donghae at nakatitig lang ako sa kanya.
"Are you scared?" he chuckled at tumulo lang ang luha ko as some of their men started courting me inside the building.
Lalo lang lumala ang takot ko habang papasok kami. Until i heard through that device in my ear, Jeno's voice saying, "You'll be okay, baby."
Huminga ako ng malalim.
I know, i can do this.
"Sinasabi na nga ba at di mo ako bibiguin." Bumungad si Arielle with her men, at nakita ko nasa malapit na kulungan ang kapatid ko na umiiyak, namumutla, namamayat na, at may nakapaligid na malalaking aso na handang lumapang talaga sa kanya once na tumakas siya.
"Bella .." i mumbled lowly while tears continued to flow down from my cheeks.
"Gaya ng pinangako ko, ibibigay ko si Bella sa isang kondisyon." she said at siya na ang tiningnan ko.
"Ano yun?" i sobbed.
"Put me down using your fist." she said as she stepped in.
Hinahamon ba niya ako ng one on one fight? Matatalo ako!
"Kung ayaw mo, ipapalapa na talaga namin ang kapati-"
"N-no! Tinatanggap ko ang hamon mo. Please." i said at nagkatinginan sila ni Donghae.
Alam ko na ang plano ni Arielle. Alam kong tatalunin niya ako gamit ng pananakit sa tiyan ko. Alam kong alam niyang eto ngayon ang kahinaan ko.
"Jaemin, i need you to calm your heart down. Parating na kami at gumawa ka ng paraan kung puwede na wag munang magsimula ang pagtutuos niyo." i heard Jeno from the device.
"Good." Arielle said.
Gaya ng sinabi ni Jeno, ay nag isip ako ng paraan.
"Pero puwede ko bang yakapin muna ang kapatid ko? Please. Miss na miss ko na siya." i cried. At nagtinginan sila nj Donghae.
Then, she nodded at one man beside her saka ito naglakad palapit sa kulungan at kinuha ang kapatid ko.
"Ate!" she cried running into me. Sinalubong ko din siya ng yakap habang umiiyak.
"Okay ka lang ha? Lalabas ka na mamaya." hinaplos ko ang buhok niya at umiiyak lang ito.
"Tama na ang drama!" Arielle shouted as she stepped in.
Patayo na din sana ako pero napaupo din ako bigla kasabay ng pagyakap ko kay Bella nang biglang may sumabog sa malapitan.
"Bullsh!t!" i heard Donghae cursed before kong marealize na hindi nila ginawa ang pagsabog na iyon.
Kasunod nito ang pag alingawngaw ng baril, at siren sounds ng police mobiles, at naramdaman ko ang paglapit samin ng dalawang tao.
Nakilala ko si Jeno at si Paul at itinayo nila kami.
"Mga pulis ito! Itaas niyo ang inyong mga kamay at napapaligiran na namin kayo!" sigaw ng isang boses at nakita ko kong paano nila hinuli sila Arielle at ang mga tao niya.
"Teka, bitawan niyo ako! Jaemin, magbabayad ka! Napakadaya mo!" i heard Arielle yelled at hindi ko na siya nilingon pa dahil niyakap ako ni Jeno habang umiiyak pa din ako.
"Tama na ang kasamaan mo, Arielle." Paul stated at lalo lang namutla si Arielle.
"Magbabayad kayo!" she shouted pero wala na siyang nagawa nang nahuli na sila ng mga pulis lahat.
After that, i turned to Paul at nagpunas ng luha. "Bakit ka pa nagpakita dito?"
"Dahil alam kong ipapahamak ka niya. Kilala ko siya." he said.
Saka naman may dumating na pulis at pinosasan si Paul.
"Teka, kailangan pa ba siyang makulong?" i asked the police.
"Pinaiimbestigahan pa po ang tungkol sa kanya." the policeman smiled at tinanguan lang ako ni Paul saka na sila nauna.
"Tapos na ang lahat, Jaemin." Jeno hugged me again. Niyakap ko din siya pabalik.
"Wala nang makakapigil satin. Magsasama na tayo." he cupped my cheeks and i nodded at him.
"Sir Jeno!" napalingon kami sa tumawag at napag alaman naming isa itong police officer.
"Bakit?" Jeno asked.
"Nakatakas po ang inyong ama. Maliban naman sa kanya ay wala nang nakawala." he said at nagulat kami pareho ni Jeno.
Nagkatinginan kaming dalawa.
"Atleast do a thing kung paano siya mahahanap okay?" mahinahon na wika ni Jeno at tumango ang pulis bago ito umalis.
Jeno picked Bella up at niyakap ulit ako.
"Uuwi na tayo, baby. Wag ka nang umiyak." Jeno told her at tumango tango lang ang kapatid ko dahil mukhang natatakot pa ito.
Muli lang akong nabahala kahit na makukulong na si Arielle.
Alam kong malaking threat si Sir Donghae. Alam kong delikado pa din siya.
Kailan ba matatapos ang gulong to?
YOU ARE READING
Overplay: The Last Season
Fanfiction"Prove to me that i was wrong, Jae." "And then what?" "Then, I'll let this game end."