Bleed.

80 8 4
                                    

Jeno's:








Dumating ang ikalimang araw ko sa kulungan. Hindi na ako nag eexpect pa na mailabas ako ng mga magulang ko. Si Mama naman halos dito na matulog sa presinto para lang makasama ako.







Natapos na nung isang araw pa ang first hearing sa kaso ko, at matindi ang laban sakin ng ebidensiya. Hindi nalang ako nagsasalita kasi di ko din alam kung talagang inosente ba ako o ano. Nawawalan na din talaga ako ng pag asa.








"Siguro Ma, pagbabayaran ko nalang talaga ang kasalanan ko. Nagawa ko man o hindi." i told her.






"No, Jeno. Lalabas ka dito okay?" she said pero diko siya tiningnan.









Handa na din akong mamatay, at harapin iyong Death Penalty na makukuha ko. Siguro nga destined akong mawala na sa mundong ito.











In a sudden, Arielle come over.







"Puwede bang maiwan niyo muna kami saglit?" I told my mother so she nodded, and she went off the visitor's area.





Naupo si Arielle sa tapat ko at may inilapag na photo paper sa mesa. Ultrasound image ng sanggol sa loob niya. Napansin kong medyo malaki na talaga yung umbok sa tiyan niya.







"May presscon kagabi. Tinatanong ng lahat kung sino ang ama ng batang ito at sinabi kong ikaw yun. Hindi ko itinanggi kahit na nasa kulungan ka ngayon kasi alam kong inosente ka." she said pero nagpilit lang ako ng ngiti.









I honestly dont feel anything about her and her baby. Our baby, rather. Diba dapat matuwa ako kasi hindi niya ako itinanggi pero bakit ganito ang nararamdaman ko?













"And also your legit father talked to me last night." she said kaya napatingin ako sa kanya ng diretso.





"Donghae?" that bastard.








Naaalala ko na naman. Ilang beses ko pa kaya mararanasan ng maloko ng mga tao sa paligid ko. Ang sabi nila inampon ako nun nung City Mayor pero ang talagang tatay ko ay itong kinakasama na ngayon ni Mama Hani. Pero bakit- hayst. Hindi ko pa sinasabi kay Mama ang tungkol sa pagkikita namin ni Donghae dahil baka magfreak out lang ulit ako dahil sa mga nalalaman ko.









Tsaka mahal ko ang nanay ko. Siya na lang ang meron ako. Hindi ko siya kayang mawala sakin, pero feeling ko madaming kasinungalingan pa ang di ko nahuhukay.








"Oo." she nodded. "Sabi niya, tutulong daw siyang mailabas ka dito para matuloy na kasal natin after kong mailabas ang baby natin." she said.








Na medyo nagpatindig ng balahibo ko. Why does it sounds like suffocating me as fuck?








Tumango tango lang ako.








"Kaya tiis tiis lang, Jeno. Kaya naman natin to eh." she said as she kissed me in my forehead.








Hindi rin nagtagal ay umalis na siya at si Mama ang bumalik ulit sa loob.








"Anak." she sat infront of me.






"I know, nakipagkita ka na kay Donghae." she said not looking at me.







Tahimik lang ako.






"Galit ka ba?" pang aamo niya.








Im too soft for my Mom. Hindi ko kayang magalit sa kanya.








"Hindi ako galit. Diba niligtas mo ako sa kanya? Ang kuwento niya plano niya daw talaga akong patayin pero pinili mong itago ako sa kanya. Anong dahilan ba at ayaw niya sakin na mabuhay?" i asked her.








Huminga siya ng malalim. "Nang dahil sa atin, iniwan siya ng girlfriend niya. Pati na ng kaibigan niya."






"Paano nangyari yun? I mean, ano ba kayo at .." i stopped a bit. "nabuo ako?"








Ngumiti siya ng mapakla. "Kapag nag aaway sila ng girlfriend niya laging ako ang tinatakbuhan niya. Ganun din ako, Pag nag aaway kami ng tatay Heechul mo dati, sa kanya ako tumatakbo. Hanggang sa may nangyari samin, natakot akong malaman niya. Pinilit kong itago sa kanya ang tungkol sayo, hindi ako nagpakita sa kanya nung nagbuntis ako sayo. Pero nalaman pa din niya lahat ng katotohanan at hinanap niya tayo. Ang sabi niya nun sakin ay bibigyan niya ako ng ilang weeks para ipaabort ka. Pero hindi ko yun ginawa. Nung ipinanganak kita, sinadya kong iwan ka sa hospital noon at abandonahin. Nagdarasal ako nun na hindi niya maiisip na sumugod sa nursery room sa buwang iyon at nagsinungaling ako sa kanya. Ang sabi ko ay ipinalaglag talaga kita at nagpapasalamat ako, naniwala siya. Pero nang maging modelo ka, hindi ko inaasahang magkukrus ang landas nating tatlo ulit. Kaya ayokong pumunta at makitira sa bahay niyo ng Dad mo, kasi baka madamay kayo. At ayokong natutulog ka sa apartment ko dahil baka bigla siyang sumulpot at paslangin ka." she explained.







Napatango lang ako habang pinapakinggan siya.







Bakit siya ganun kasama? Matapos niyang buntisin si Mama ganun lang gagawin niya? Siya pa ang may ganang magalit sa amin? Ginawa din naman niya yun ah.







Napakagago niya.








Ako ang papatay sa kanya pag ginalaw niya ang nanay ko.









"Wag ka na matatakot, Ma." i told her.





Tumango lang siya at ngumingiti.








Hindi nagtagal ay pinauwi ko na din siya. Baka kasi hinahanap na siya nung dalawa kong kapatid.






At habang nasa loob ako ng selda, ay napapaisip ako.








Ano ba talaga ang plano ng gagong yun at gusto niya akong ilabas?








"Boss." Lumapit si Officer sa pinto ko at may iniabot na picture sakin.








"May nagpapaabot lang." sabi nito saka na ito umalis.








Ano na naman ba to? Isa ulit itong photo paper na may picture ng isang lalaki at babae.









At alam ko kung sino sila.








"Jaemin." nakilala ko iyong babae at alam kong ako yung lalaki sa picture. Nakaakbay ang isa kong braso sa kanya at nakadikit ang mga labi niya sa labi ko. Tiningnan ko ang likod nito at may note rito.





"Kailangan mo ng malaman ang katotohanan, bata."









Reading the "bata" term, mukhang alam ko na kung sino ito.












Gago.

Overplay: The Last SeasonWhere stories live. Discover now