Gaya ng inaaasahan kong di pagkibo ni Jungwoo sakin, nangyari yun nang hindi alam nila Nanay at ni Autumn. Natagalan niya ng tatlong araw na hindi ako kinakausap at umiiyak na ako ng palihim dahil dito.
Oa na ba? pero kasi feeling ko iniwan na ako ng lahat. Yung pakiramdam na wala lahat sakin pero pinipilit kong itago yung sama ng loob ko dahil ayokong may madamay o anuman.
Tatlong araw na din akong di lumalabas ng bahay at kumakain ng maayos. Ni pagtulog ko nga hindi na matino eh.
"Momma, are you okay?" naabutan ako ni Autumn na nasa bathroom floor habang umiiyak. Nagpunas ako ng luha saka siya tinawag sa tabi ko.
"Okay lang si Momma, baby." i told her.
Nahihilo na talaga ako at nanginginig ang kalamnan. Nagsusuka na nga ako eh kanina dala na din siguro ng di ko pagkain ng maayos.
"Hug nalang kita, Momma." she proposes at ngumiti ako sa kanya.
I let her hug me at hinalikan ko siya sa ulo.
Si Autumn nalang meron ako, and i need to be here for her.
Pagkatapos ko siyang yakapin ay bigla na naman akong nahilo kaya napasandal ako pader.
"Momma, ill call Lola ha?" she said as she run away. Pipigilan ko pa sana siya kaso nakatakbo naman na siya.
Pinilit ko ang tumayo kahit hirap na hirap na ako. Saka naman dumating si Daddy at hinawakan ako sa braso.
"Anak, bakit- anong nangyayari sayo? Namumutla ka." he said at sakto pumasok din si Nanay kasunod niya.
"Nahihilo ako, Dad." pag amin ko.
"Dalhin na natin siya sa hospital." Sabi ni Nanay at tumango naman ang tatay ko kaya wala na akong nagawa.
Hindi malalaman ni Jungwoo ito ngayon dahil maaga palang kanina nung umalis siya para samahan daw ang nanay niya sa hospital din dahil sched nito ng check up ngayon.
Sinabi niya yan kina Nanay kanina, at hindi sakin.
Ewan ko ba. Alam ko namang nanay niya yun, pero nag aalala pa ba siya sakin?
Sabagay hindi naman niya alam na nahihilo ako ngayon. Hindi niya yun kasalanan.
Pero bakit naiinis ako?
"Tara na." inalalayan ako ni Dad sa kotse at nagpaiwan nalang si Nanay dahil di pa daw gising si Bella. Though she wanted to come, sinabi kong pakibantayan nalang niya si Autumn.
Hindi naman kami natraffic kaya madali kaming nakarating sa hospital.
At nandito na naman yung familiar na feeling ko.At habang papasok kami sa hospital, ay may nakita akong familiar na mukha.
I saw Jeno. Kasama si Arielle na papasok din ng hospital.
Ewan. Nahihilo ako pero di ako puwedeng magkamali.
Hindi ko nalang pinansin iyon at baka totoong naghahallucinate lang ako.
YOU ARE READING
Overplay: The Last Season
Fanfiction"Prove to me that i was wrong, Jae." "And then what?" "Then, I'll let this game end."