"Anak, nawawala si Bella!" bungad ni Nanay sakin pagkagising ko nang mga alas diyes ng umaga. Naalarma ako agad at napatanong ako kung totoo ba yun at mangiyak ngiyak na tumango ang Nanay.
"Teka, alam na ba ni Dad to?" nagpapanic kong tanong.
"Oo, nak. Nagpunta na siyang police station para ireport yun. Nandito lang siya kanina, ewan ko bakit nawawala na siya. Naglibot na kami sa buong village pero wala anak ang kapatid mo." my Nanay cried. Niyakap ko siya at pati ako ay naiiyak na din sa takot.
"Momma?" nakasunod pala si Autumn kaya kinuha ko siya at niyakap. "Wag kang lalabas ng bahay okay? Nawawala si atita Bella." i told her.
Biglang nagring ang phone ko at nakita kong si Jeno iyon kaya sinagot ko na ito agad.
"Nalaman ko ang tungkol sa kapatid mo. Sasamahan ko ang Dad mo sa paghahanap okay?" he said.
"Sige, salamat Jeno." i replied.
"Nay, sasamahan ni Jeno si Dad." i told Nanay pagkababa ko ng tawag.
Tumango lang ito at nagpipigil pa din ng iyak.
"Nay, kalma okay? Mahahanap nila si Bella." i told her at tumango lang ulit ito.
"Dalhin niyo siya sa kuwarto niya saglit." I told the maids at sumunod naman sila.
"Anak, sa kuwarto ka lang ha? Dadalhan kita ng breakfast mo doon ha?" i told her at tumango din ito saka na umakyat ng hagdan.
Nagpunta ako sa may entrance door at nakita ko ang isang barbie doll ni Bella na nasa bermuda grass, malapit sa gate at nilapitan ko yun saka ko pinulot.
Nilingon ko iyong mataas na part ng balkonahe sa second floor ng bahay kung saan naroon ang isang live cctv camera at napaisip ako ng paraan.
"There." i mumbled at napatakbo ako sa isang kuwarto kung saan naroon nakaconnect sa isang computer ang lahat ng cctv camera sa bahay. I turned it on at pinagmasdan ang mga nasasagap nitong kaganapan. Then, i clicked into history button at hinanap ko ang camera 1 na nakalocate sa harap ng bahay, simula 5am hanggang 9am.
Natagalan sa pagload ito at nang lumabas na ito ay pinanuod ko na agad. Medyo natagalan ako sa panunuod until i saw how Bella went out of the door, na naglaro pa sa may damuhan habang hawak niya iyong doll niya. Until someone showed up in the gate at bigla niyang sinunggaban si Bella at nakatulog ito agad matapos niyang may itinakip na panyo sa bibig nito. At binuhat niya iyon palabas ng gate namin.
"Damn it." i cursed under my breath.
Pinatay ko iyong computer bago ako lumabas ng kuwarto na yun at dumiretso ng kusina. I prepared Autumn's breakfast saka ako umakyat sa kuwarto namin at pinakain siya.
"Gaya ng sinabi ko kanina, wag kang lalabas ng bahay okay? Aalis lang ako at babalik din ako agad okay?" i told Autumn at tumango ito habang kumakain.
Nagkakalkal ako ng damit sa cabinet ko nang biglang may nahulog mula sa isang jacket na aksidente kong naisama sa hinihila ko. And it was a phone. An old familiar phone.
"Kay jungwoo ito noon." i mumbled lowly. Pinulot ko iyon at swinitch on. Nakita ko ang picture namin ni Jungwoo sa wallpaper at napangiti ako ng mapakla.
YOU ARE READING
Overplay: The Last Season
Fanfiction"Prove to me that i was wrong, Jae." "And then what?" "Then, I'll let this game end."