Gaya ng plano namin ni Jeno, kumuha nga kami ng copy nung footage ng nasa cctv namin at idineretso yun sa police station. Malaking tulong yun sa paghahanap wika nila at nakilala nga nila si Donghae doon.
"Sana matigil na kasamaan niya." wika ni Jeno habang pauwi na kami mula sa station.
Papasok na kami nun sa gate ng may makita akong cab sa tapat ng katabi na bahay ng bahay namin. Nakilala ko yun at alam kong nakita ko yun kanina.
"Jeno?" he looked at me after he heard me calling for him.
"Si Autumn nasa loob ng kuwarto. Diretso ka lang dun ha? May gagawin lang ako saglit." i smiled at him.
"Osige." medyo nag aalangan nitong sabi bago pumasok ng bahay.
Nang makapasok ito ay nagmasid muna ako sa buong lugar. Nang mapansin kong walang ibang tao ay dahan dahan akong lumapit sa tapat ng bahay na yun at pinagmasdan ang harapan ng bahay. Simple lang yung bahay at mukhang walang cameras gaya samin, pero pinili kong di dumaan sa gate nila papasok doon.
Dumaan ako sa maliit na eskinita sa gilid nun at hinanap ang posibleng exit door sa likod ng bahay. Alam kong ganun lahat ng bahay dito sa village, kasi ganun din sa bahay.
Nakita kong bukas ito pero di ako agad pumasok dahil natatakot ako baka may taong nagmamasid mula sa loob.
Pero nang mapansin kong walang katao tao sa malapit ay dahan dahan akong pumasok dito and i found myself entering a kitchen room.
Napatago ako muna sa gilid ng pinto dahil bukas ang ilaw pero walang naririnig na kung sino.
Pero nang mapansin kong tahimik talaga sa loob ay nagsimula na akong maglakad, maglibot sa buong bahay.
Napabunot ako sa isang kutsilyo sa tabi at hinawakan ko iyon gamit ang isa kong kamay na nakaposisyon sa likod ko.
Nakapasok ako sa isang kuwartong nakapatay ang ilaw at mukhang ito ay isang dining hall. Patuloy lang ako sa pagmamasid, pero wala akong makitang kahit na anong bagay na nagbibigay ng detalye sakin kung kay Donghae nga ang bahay na to.
Until i saw a door, with his picture in a frame, na nakabitin sa pintong iyon.
Confirmed.
Posible kayang nandito din si Bella?
Kailangan kong libutin ang buong bahay. Pero kailangan ko ding mag ingat.
Nagpapatuloy ako sa paglalakad hanggang sa may narinig akong ingay mula sa isang cellphone malapit sakin. I saw a phone, in a one living room nearby, at nilapitan ko iyon agad.
Nakita ko ang picture at pangalan ni Arielle na nasa Caller ID, at napatitig ako doon.
Hanggang sa may narinig akong ingay mula sa kabilang kuwarto, na mukhang ingay ng paparating na tao kaya napatakbo ako sa likod ng couch sa malapit at doon nagtago.
"Oof." i accidentaly hit my own tummy pagkasalampak ko sa sahig at napatapik ako sa bibig ko para maiwasan ang kung anumang ingay na puwede kong mailabas.
"Arielle girl." i heard how a guy voice rang saka nito sinundan ang isang nakakapangilabot na tawa. Naramdaman ko ang mabigat na pag upo nito sa couch na pinagtataguan ko kaya humigpit ang hawak ko sa kutsilyo.
"Sinasabi ko naman sayo, malinis ako magtrabaho. Nasa sayo na lang yun kung magpapabuko ka diba?" pangalawang tugon nito sa kausap sa telepono.
Feeling ko pinag uusapan nila ang tungkol kay Bella. Hindi talaga ako puwedeng magkamali sa nakita ko nun sa footage. Siya yun at wala nang iba.
"Matalino talaga iyong Jaemin na yun, Arielle. Hindi na ako magtataka kung isang araw malaman niya lahat ng ginawa mo." he laughed again talking through his phone.
"Pero dibale na ako ng bahala sa kanya. Wag ka nang mag alala." he continued at naramdaman kong tumayo siya sa upuan at naglakad ito kaya medyo napaatras ako upang umiwas sa posible niyang puntahan.
"At mukhang nandito siya ngayon." he said that made my breath grow bigger.
Aksidenteng nasandalan ko yung couch at nayugyog iyon. Saktong nagpakita din siya sa kabilang dulo at oo nakita nga niya ako.
He smirked at me as he put his phone away.
Hinawakan niya bigla ang mga paa ko at nagsimula na akong magpanic.
"Ang galing mo namang nakapasok dito." he said at pinilit ko ang magpumiglas pero nahawakan niya ako hanggang sa tuhod at dahil sa sobrang takot at panic ko ay napaupo ako ng tuluyan sabay saksak ng kutsilyo sa right shoulder niya.
"AAAAAAH!" he shouted at dun na ako nakawala.
"S-sorry but i have to do this!" i said sabay tayo at takbo.
"Hindi mo ako matatakasan!" he shouted sabay bato ng isang mabigat na bagay na dahilan upang matumba ako sa may pintuan.
Nakita kong isa itong babasaging flower vase at sa sobrang sakit ng impact nun ay nararamdaman ko ang bigat sa natamaang parte nito sa likod ko.
I heard him laughed na palapit sakin, habang hawak ang dumudugong sugat nito, at may hawak na baril.
Na nakatutok sakin ng direkta.
Napalunok ako sa sobrang takot but i remained silent looking at him.
"Kahit sino naman kasi maganda trato ko eh wag lang ako gagaguhin. Pero paano ba yan, Jaemin? Eto na ba ang dulo ng pagpapakasaya mo?" he smirked down at me.
Tumulo ang luha ko habang papikit na ang mata ko, waiting for him to shoot me off.
But then,
"A-ack!" may isang figure ng isang tao sa likod niya ang pumalo sa may leeg niya ng isang tubo na dahilan ng pagbagsak nito sa sahig.
"Tumakbo ka na!" that guy in black mask with familiar eyes shouted at lumakas ang kabog ng dibdib ko habang pinipilit ang tumayo at tumakbo paalis ng bahay na yun.
Nagawa ko pang lumingon sa lalaking iyon bago ako natumba sa mismong tapat ng bahay namin dahil sa biglang pagsakit ng tiyan at puson ko.
"Jaemin!" narinig ko ang boses ni Jeno at hindi din nagtagal ay naramdaman kong iniuupo na niya ako.
My tears started to flow nang maramdaman ko ang mainit na likidong dumadaloy mula sa inner thighs ko na dahilan ng pagkabalisa ko ng hindi oras.
"J-jeno .." i mumbled lowly.
"N-no way!" he yelled as he knew what i am trying to tell him.
Ang baby ko!
YOU ARE READING
Overplay: The Last Season
Fanfiction"Prove to me that i was wrong, Jae." "And then what?" "Then, I'll let this game end."