Narrator's:
"Ilang beses kitang binalaan, Arielle! Wag mong gagalawin si Jaemin, ilang ulit kong sinabi yan sayo. Pero di ka nakinig sakin!" may halong galit sa tono ng pananalita ni Jeno habang ang babae ay umiiyak, at nagmamakaawa.
"Para mo nang awa, Jeno. Huwag mo akong iiwan. Please? Bakit ba ayaw mo akong paniwalaan? Kasalanan ng babaeng iyon kung bakit nawala ang baby ko sakin." paliwanag nito habang umiiyak.
"Puwede ba?! Hindi yun magagawa ni Jaemin, dahil alam kong ikaw ang nagsimula nang panggugulo na yun!" balik sigaw ni Jeno rito.
"Kaya ikaw din ang may kasalanan kung bakit nawala sayo yung bata. Hindi ka man lang naawa sa dinadala mo, Arielle? Napakairresponsable mo!" dugtong pa nito na lalo lang nagpaiyak sa babae.
"H-hindi ko ginusto yun, please lang. Please wag mo naman akong iwan dahil lang dun. Please Jeno. Hindi ko kaya." nagmamakaawa pa din ito.
"Sa tingin mo ay may dahilan pa para magstay ako sa relasyon na to, Arielle? Alam mo na hindi kita maha-"
"Mahal kita, Jeno. Kailangan kita. Kung aalis ka edi dapat patayin mo nalang ako." bigla itong lumuhod na ikinagitla ni Jeno.
"Huwag mo akong iwan. Huwag." pagtangis pa nito.
"Bitawan mo nga ako! Wala na tayo, Arielle! Wala na akong responsibilidad sayo! Humanap ka ng lalaking tatanggap sa kasakiman at kasamaan mo!" Jeno pushed her slightly away saka ito umalis ng tuluyan ng bahay na iyon.
Galit na galit si Jeno dahil sa nangyari sa bata. Kahit naman na wala siyang nararamdaman dito ay masakit pa din para sa kanya na nawala ang inosenteng bata dahil sa taglay na kasamaan ng ina nito na nagdadala sa kanya.
At nasasaktan siya dahil nga sa tatay niyang muntik din siyang pinaslang noon. Galit na galit siya sa tuwing may mga musmos na namamatay, walang kalaban laban at kahit walang kaalam alam.
Umiiyak pa din si Arielle hanggang sa dumating si Donghae na nakangisi.
"What a scene. Feeling ko isa akong direktor kanina habang pinapanuod ang scene preview niyo ni Jeno." he laughed.
"Tumahimik ka! Wala kang naitutulong!" sigaw nito pero tumawa lang ang lalaki.
"Hindi mo na mapipigilan ang tadhana, Arielle." nagpunta ito sa harap ni Arielle at nanlilisik ang mga mata ng babae sa kanya.
"Kapag nalaman nilang lahat ang mga pinaggagawa mo, lalo ka lang kakamuhian ni Jeno." he told her smirking at lalo lang nanggigil ang babae sa kanya.
"Hindi yun mangyayari!" she yelled angrily.
But the man laughed again.
"Kaya kung ako sayo, gumawa ka na ng move na ikakatahimik nila." may inabot itong baril kay Arielle at napatingin dito si Arielle, saka sa kanya.
"Patayin mo silang dalawa para happily ever after na talaga." he said evilly bago ito umalis.
•••••••••
Jaemin's:
YOU ARE READING
Overplay: The Last Season
Fanfiction"Prove to me that i was wrong, Jae." "And then what?" "Then, I'll let this game end."