Papalapit palang sila ng mansyon pinagpapawisan na siya ng todong todo. From afar, nakikita niya ang dalawang mansyong magkatabi, ang isa maliwanag, mayayabong ang puno't halaman tanda ng may mga nakatira.Samantala ang isang mansyon ay kaydilim mahuhulaan mo na kaagad na ilan taon na din itong inabandona, kumupas na ang ganda nito, madadawag ang labas ng gate at kinakapitan na ito ng mga halamang gumagapang.
Matinding kaba, takot at pangungulila ng mapako ang kanyang paningin sa inabandonang mansyon. Sa ilan taon niyang hindi nasilayan ito ay sariwa pa din sa kanya ang mga masasayang alaala at ang matindang sakit sa pagkawala ng kanyang kasintahan.
Hanggang sa ngayon buhay na buhay pa rin ang bangungot ng kahapon. Akala niya sa kanyang paglayo ay maiibsan na ang sakit. Ngunit nagkamali siya, dahil hanggang sa ngayon ay mas naramdaman pa niya ang mas lubos na pangungulila sa dalaga.
Napagtanto niya na magpakalayo layo man siya mananatili ang sakit na dadalhin niya hanggang sa kanyang huling hininga. He will never find that happiness again. Sa pagkawala ni Erie tinangay na din nito ang kanyang kaligayahan.
"Sir Austine, nandito na po tayo." masayang inporma ni Elton John.
"Ohhh..." sagot niya habang sinasubunutan ng marahan ang kanyang buhok.
Ipinilig niya ang kanyang ulo habang nire rehistro sa utak na naka uwi na pala talaga siya, nasa Pilipinas na pala siya at kailangan niya ng harapin ang ala ala ng kahapon na napakatagal na niyang pilit na ibinabaon
"Aakyat na ako sa kwarto ko Elton John, huwag mo ng gisingin ang mga kasambahay hindi na ako maghahapunan." tinapunan niya ng simpleng ngiti si Elton John at dumiretso na kaagad siya sa kanyang silid.
PAGKABUKAS palang niya ng ilaw sa kanyang silid ay ginapangan na kaagad siya ng labis na kalungkutan. At sa sumpong taon niyang pagka wala, wala pa din pinagbago sa ayos ng kabuoan ng kanyang silid. Kung ano niya itong iniwan noon ganun pa din ito hanggang ngayon.
Napaupo siya sa kanyang kama habang iniikot ang kanyang patingin sa kabuoan ng silid. Nahagip kaagad ng kanyang paningin ang mga frame ng larawan na nakapatong sa kanyang study table.
Mataman niyang tinitigan ang mga ito at dahan dahang lumapit. Nanginginig pa ang kanyang kamay habang dinadampot ang larawan na kung saan nakaupo si Erie sa swing habang yakap yakap niya ito mula sa likuran. Kuha ito ng umaga bago mangyari ang malagim na trahedya.
Napapikit siya ng mariin at muling dahan dahan tinititigan ang larawan habang unti unti siyang napaupo sa sahig kasabay ng muling pagbabalik ng alaalang matagal na niyang tinatakasan
Nasa kanilang rest house sila sa Batangas noon. Nag bakasyon sila kasama ang pamilya ni Erie. Magandang bakasyonan ito kasi tanaw ang malawak na dagat mula sa rest house. May bagong nakaparada din na apat na pulang jet ski sa dalampasigan.
Mataman niya muli tinitigan ang larawan, ang masayang ngiti ng dalaga, maamong mukha nito. At parang nadidinig pa din niya ang matitinis na boses nito na sariwang sariwa pa din sa kanyang pandinig. Napapahagulhol habang buong higpit niyang niyayakap ang larawan.
"Austie, halika itulak mo ako! Bilis!" tawag sa kanya ni Erie habang naka upo sa kulay abong swing.
"Masusunod po Mahal na Prinsesa!" masayang sigaw niya at patalong bumaba sa punong mangga.
Lumapit siya sa likuran nito at imbes na itulak ay niyakap niya ng mahigpit ang dalaga mula sa likuran nito At tinukso tukso niyang hipan ang batok nito.
"Austine Charles! Tigilan mo yan!" natatawang nagpupumiglas at sabay tili ni Erie.
"Nope, not until you give me a kiss."bulong niya habang lalo pang hinihigpitan ang yakap.
"Austie, ikaw talaga. Nagbibiro ka na naman. Ang landi mo! Seventeen palang tayo oh! Kiss talaga?" marahan siyang kinurot nito sa kanyang braso.
"Please Princess?" pinapungay pa niyang lalo ang kanyang mga mata na tanda ng pagmamakaawa.
"Sige na nga!" nakalabing sagot ng dalaga.
Kaya naman mabilis niyang hinalikan sa labi ang dalaga at sabay click ng camerang hawak niya na kanina pang niya sekretong tinatago.
"Austine Charles! Siguraduhin mo lang na maganda ang kuha ko dyn. Kundi malalagot ka sa akin." pagbabanta ng dalaga
"Kahit saang anggulo naman maganda ka. Don't worry Babe. You always beautiful in my eyes." natatawang kindat nya sa kasintahan. "Halika na nga! Doon tayo sa dalampasigan." masuyo niyang hila kay Erie.
Masaya silang magkahawak kamay habang patakbo sa dalampasigan. Nilapitan kaagad nila ang mga bagong bagong biling jet ski at ininspeksyon ang mga ito.
"Austie! Ang ganda!" tili ni Erie at masayang inikotan ang isang jet ski.
"Oo nga, gusto mo sakay tayo?" pag e engganyo niya at pinihit konti ang isang jet ski na nasa harap ni Erie.
"Weeeh! Do you know how to drive this thing?" hinampas nito ng marahan sa kanan balikat ni Austine.
"Of course I do! Kaya nga pinabili namin to kay Daddy diba? Daddy teach me how to operate this ng nagbakasyon kami sa Bali." pagmamayabang pa ni Austine sabay hila ng jet ski sa dagat.
"Are you really sure na marunong ka?" natatawa sabi nito habang sinusundan si Austine hanggang sa may mababaw na bahagi ng dagat.
"Yes, halika na." iniabot ni Austine ang isang kamay niya kay Erie para makasampa ito sa jet ski.
"Okey."agad naman iniabot ni Erie ang kanyang kamay.
Nang makasampa na sa sa jet ski si Erie, kumapit ito ng mahigpit mula sa likuran ni Austine. Tuwang tuwa habang ina amoy amoy ang natural na amoy ng binata.
"Oh! by the way, here." may kinuha siya sa bulsa ng kanyang short at iniabot ito sa dalaga. Dalawang silver na bracelet na may palawit na Black Opal puso at may naka in grave na palayaw nila sa paikot ng bawat bracelet
"Wow! Ang ganda naman." namangmanghang sambit ni Erie.
"This bracelet with my name on it ay para sa'yo." kinuha niya ang bracelet at sinuot sa dalaga.
"Thank you Austie, ang ganda nito." habang itinaas ang kamay sa ere at mataman itong tiningnan. "Come, let me put it on your wrist too." kinuha ni Erie ang kaliwang kamay ni Austine at isuot ang bracelet.
"There, finally." tiningnan niya ang maamong mukha ng dalaga at dahan dahan itong kinintalan ng halik sa labi. "HAPPY 3RD ANNIVERSARY BABE." habang marahan hinahaplos ang mukha nito.
"Austine." napapaiyak na sabi ni Erie at yinakap ng mahigpit ang kasintahan
"Don't cry babe! Let's celebrate our anniversary kaya dapat masaya lang tayo." ninakawan pang muli ng isang matamis na halik si Erie bago pinaandar ang jet ski.
Mag e isang oras na silang nagdyi jet ski ng mapunta sila sa maalon na bahagi ng dagat. Ibinubwelta na sana ni Austine ang Jet ski pabalik ng biglang kumulog at kumidlat ng pagkalakas lakas dahilan mapatili ng malakas si Erie sa sobrang gulat. Kaya naman bigla siyang napabitaw kay Austine.
Sa pagbitaw ni Erie ay biglang may humampas sa kanila na malaking alon at tumimbuwang ang kanilang sinasakyan na Jet Ski. Magkahiwalay silang bumagsak sa dagat.
Habang nakikipagbuno siya sa isang dambuhalang alon ay isang malakas na kalabog ang marinig ni Austine mula sa kanyang likuran. At sa kanyang pag lingon ay laging gulat niya ng makitang hinampas ng alon ang jet ski at tumilapon ito mismo sa katawan ni Erie. At sa isang iglap nawala sa kanyang sa paningin ang pinakamamahal na kasintahan.
"Erie!!!!" malakas na sigaw ni Austine at mabilis na nag dive pailalim sa madilim na dagat para iligtas ang dalaga.
"Erie!!!" napabangon sigaw niya at malakas na napahagulgol! "Erie!!!" at dumagundong ang kanyang sigaw sa kabuoan ng mansyon.
***
You can follow my Wattpad account for more updates.
Maligayang Pagbabasa!
-HannaLuna
BINABASA MO ANG
You're Still My Man
RomanceYOU'RE STILL MY MAN A Broken Man Series BOOK ONE Do you believe in destiny? That you were born to be fated to someone else? This is a story of two young lovers who will prove to us that even in all circumstances life had thrown to them they'll found...