Hindi porke't nagmamahal ka, makalimutan mo din mahalin ang iyong sarili. Marami sa atin nakakaranas nang ganun. Ngunit tandaan nyo, paano ka magagawang mamahalin ng ibang tao, kung sarili mo nga hindi mo magawang mahalin.
--Heart'sEyesMaingat na lumabas si Erie sa kanilang mansyon, alam niya kasing nakabantay pa rin ang mga body guard na itinilaga ni Austine. Sa likuran bahagi siya dumaan papunta sa kabilang mansyon ng mga Charles kung saan doon siya dadaan upang makalabas ng subdivision.
Natagumpayan naman niya makalabas sa bakuran ng mga Charles, lakad takbo ang ginawa upang makalabas ng subdivision. Nang may dumaan na taxi ay kaagad siyang sumakay at nagpahatid sa dating inuupahang apartment.
Doon sila tumuloy pagka galing ng probinsya, sa dating landlady siya humingi ng tulong upang may matuluyan sila ng magulang habang makikipagsapalaran silang ipagamot ang ina.
At ang laking pasasalamat niya at hindi pa naman pala nagiba ang dati niyang apartment at nandon pa rin ang lahat ng kanyang mga gamit.
Pagkabayad ng taxi ay dali dali siyang pumasok ng kanyang apartment. Nagulat siya nang abutan ang kanyang tatay na may kausap na pitong kalalakihan, at mukhang seryoso ang pinag uusapan ng mga ito.
Sa unang tingin palang niya ay mukhang ang mga taong ito ay hindi gagawa ng mabuti. Nanindig ang kanyang balahibo ng mapansin niyang mataman siyang tinititigan nang pinaka pinuno ng grupo. Parang kinikilala ang kanyang mukha.
Nagulat pa siya ng magsalita ang kanyang tatay.
"Ella, puntahan mo muna ang iyong nanay, kanina pang naghahanap sa'yo yon.
"Sige po tatay." mabilis siyang tumalima ngunit nakuha pa niyang muling titigan ang mga kausap ng ama.
Naabutan niya ang kanyang ina na nakatanaw sa bintana, mukhang may malalim itong iniisip. Napansin niya na sobra na nga ang kapayatan nito, nakakatakot man isipin, pero nakakaramdan na siya na mukhang bilang na rin talaga ang araw na ilalagi ng kanyang ina dito sa mundo.
"Nanay..." mahinang tawag niya dito habang dahan dahan na isinasara ang pintuan ng silid.
Lumingon naman ito sa kanya at tinapunan siya ng pinakamatamis na ngiti.
"Anak, nandiyan ka na pala. Bakit ngayon ka lang?" tanong ng nanay Eka niya.
Umupo siya sa tabi nito at hinawakan ang buto't balat ng kamay.
"Nag overtime po ako Nanay, siya nga po pala, mamaya dadalhin ka namin ni tatay sa hospital. May nakita na po akong makakatulong sa atin sa pagpapagamot mo." masayang balita niya ina inahan.
Ang totoo ay hindi na niya kailangan ang tulong ng ibang tao, may dala siyang malaking pera, hawak niya ang sariling bank book na naglalaman ng sampung milyon at kanyang mga alahas. Sa tingin niya sobra sobra pa itong pangpagamot sa ina.
"Talaga anak? Kung ganun gagaling na ako?" natatawang sagot ng ina.
Niyakap niya ito nang mahigpit at pinipilit na huwag mapahikbi.
"Opo nanay, gagaling na po kayo. Gagayak na po tayo, hintayin lang natin si tatay at may mga kausap pa po sa baba." lumapit siya sa kanyang cabinet at pumili ng damit na magkakasya sa ina.
"Anak, halika muna dito." nahahapong tawag nito sa kanya.
Dala ang napiling kulay rosas na bestida ay muling tumabi siya sa ina.
"Nanay." may pag aalalang sambit niya.
"Anak, alam mo bang mahal na mahal ka namin ng tatay mo?" mahinang tanong ng ina.
Mabilis naman siyang tumango at mataman tinitigan ang ina.
"Opo naman, Nanay." mabilis na sagot niya.
BINABASA MO ANG
You're Still My Man
RomanceYOU'RE STILL MY MAN A Broken Man Series BOOK ONE Do you believe in destiny? That you were born to be fated to someone else? This is a story of two young lovers who will prove to us that even in all circumstances life had thrown to them they'll found...