"May mga bagay na dumarating na hindi natin inaasahan, nagdadala ito ng minsan pagbabago sa takbo ng ating buhay. At minsan ang pagbabagong ito ay nagiging masalimuot at nagdudulot ng pighati at pagkabigo. Hindi natin kayang kontrolin ngunit kaya natin harapin.
--MatapangPusoNapatunganga si Austine sa mga nabungaran, hindi siya makapaniwala na nasa harap niya ang mga taong matagal din niyang pinananabikan na muling makita.
Nasa harapan niya ang magulang ng babaeng kanyang itinatangi. Habang kausap ang kanyang mga magulang.
"Austine, anak! Humahangos ka? What happened?" nag aalalang tanong ng kanyang ina at tumingin sa kanyang likuran. "Something wrong?" sinisipat nito ang kanyang mukha na takang taka pa rin.
Kahit ang mga magulang ni Erie ay mariin din napatingin sa kanya. May halong pagtataka at pananabik habang nakatunghay sa kanya.
"I thought Erie was her, nakita ko kasing bukas ang mga ilaw dito." at dahan dahan siyang lumapit sa mga ito. Hindi niya maitago ang saya na muling masilayan ang mga ito. He truly missed them. They were like a real family to him, that's why it pains him when they decided to left the country.
Nginitian siya ng ubod ng tamis ni Donya Vironica. Del Fierro at mabilis siyang nilapitan nito.
"Austine, I'm glad to see you again." masayang bati nito sabay yakap sa kanya ng sobrang higpit. "Hindi ako makapaniwala nang sunduin kami ng mga tauhan ng daddy mo at ibalita sa amin na buhay ang aming prinsesa." biglang namalisbis ang luha ng ginang habang nakatingin sa kanya.
"Welcome back po Mommy Viron, Daddy Anton." masayang bati niya sa mag asawa.
"Austine." tumindig sa kanyang kinauupuan ang matipuno pa rin si Don Anton Del Fierro at mahigpit din siya nitong niyakap.
Tumayo din ang kanyang mga magulang, habang napapangiti sa masayang tagpo.
"Now let's continue our conversation over dinner, tuloy na tayo sa bahay." masayang anyaya ng kanyang ama.
"Naku, nakalimutan ko dinner time na pala, tara na sa bahay. At bukas na bukas din kumare, lahat ng inyong mga kasambahay papabalikin ko sa'yo" sambit din ng kanyang ina.
Namilog ang mata ni Donya Vironica, hindi niya akalain na nasa bahay ng mga Charles ang mga dating kasambahay.
"Oh my God, Betty! I didn't know na nasa sainyo sila. I'm so thankful, nang umalis kami masyado kaming tuliro at hindi namin naisip ang kapakanan ng aming mga kasambahay." malungkot na saad ni Donya Vironica.
"Don't worry, naiintindihan nila ang mga pinagdaanan nyo. Halina kayo, baka lumamig na ang pagkain." anyaya muli ng kanyang ina.
MASAGANANG HAPUNAN ang bumungad sa kanila, kaya pala may nakahain na kaagad na pagkain kaninang mag hapunan si Austine.
"Here kumare. I know it's your favorite." lahad ng kanyang ina ng relyenong bangus kay Donya Vironica.
"Wow! Thank you kumare." nakangiting itong kumuha ng kalahating relyeno.
Magkatabing nakaupo ang dalawang ginang samantala siya naman ay katabi ni Don Anton at ang daddy naman niya ay nakaupo sa kabisera.
Masayang silang nagkumustahan at nagbalitaan ng mga nangyari sa kanilang buhay ng mga nagdaan taon. Ngunit ng magawi kay Erie usapan biglang pumanglaw ang masayang hapunan.
"I'm sorry Daddy Anton, I should have carefully watched Erie. Hindi ko po talaga akalain na aalis siya nang ganun oras. Kung alam ko po sana hindi na ako umalis sa tabi niya." paghingi ng paumanhin ni Austine.
"You shouldn't apologize Austine, ang dami mo nang nagawa para sa anak namin." marahan tinapik nito ang kanyang balikat tanda nang pang uunawa. "Wala sa hustong pag iisip si Erie, kaya nagawa pa din niyang umalis sa kabila nang kaalaman na mag aalala ka. Mas inuna niya ang kapakanan ng kanyang mga kinikilalang magulang. It pains me, na hindi na kami ang kinikilala niyang magulang." malungkot na saad ni Don Anton.
BINABASA MO ANG
You're Still My Man
RomanceYOU'RE STILL MY MAN A Broken Man Series BOOK ONE Do you believe in destiny? That you were born to be fated to someone else? This is a story of two young lovers who will prove to us that even in all circumstances life had thrown to them they'll found...