CHAPTER TWELVE

1K 31 6
                                    

Maligayang pagbabasa at salamat sa patuloy na pagtatangkilik: lanits95 alavie67 HoneyIgnacio2 @mollypet zeelzone

Paano mo malalaman na mahal mo ang isang tao?

"Pag mahal mo ang isang tao, handa kang maghintay kahit gaano katagal. Hindi mo siya susukuan kahit siya pa ang umalis at siya pa ang unang bumitaw. You wait for her until she comes back to you. And fight for her until she's ready to love you again. Dahil ang tunay na nag mamahal hindi napapagod. Ang tunay na nag mamahal nag hihintay."
—Clark Medina
On The Wings Of Love

MAG A ALA SAIS na nang magising si Austine, pagmulat ng kanyang mata ay ang magandang mukha kaagad ng kasintahan ang natunghayan niya. Kay ganda pa din nito kahit na mababanaag ang hirap na pinagdaanan nito sa buhay. Hindi na ito ang may kaartehan dalaginding, kundi naging isang mahinhin at medyo hindi palakibong dalaga.

Kahit sa pananamit ay naging konserbatibo na ito kumpara sa dati na lahat yata ng usong damit na maiiksi ay isinusuot nito. Ang mga mamahalin alahas na palamuti sa katawan ay napalitan ng mumurahin relos. Ang kanyang bracelet na lang yata ang natirang mahalagang pag aari ng dalaga.

Habang tinititigan ito ay hindi maalis sa kanya ang maawa sa kalagayan ng dalaga. Kaya hindi na dapat pang nitong patuloy itong maranasan. Kaya mula sa araw na ito pinapangako niyang ibabalik niya ang lahat ng nawala dito. Ibabalik niya ito sa lugar kung saan ito nararapat. Lahat ng mga bagay na ipinagkait sa kanya ng nakalipas na taon at ibibigay niya sa kasintahan.

Napangiti siya ng mapansin dumilat na ito at medyo nagulat pa makitang nakatunghay siya dito.

"Sir," napapahiyang bulong ni Ella.

"Pssst..." tinakpan niya ang bibig nito ng kanyang hintuturo. "Austie... no more Sir." kindat niya dito sabay yakay ng mahigpit. "Good Morning Princess." pabulong na bati niya dito.

Hindi man komportable sa pagkakayakap niya ay nakuha pa din ni Ella batiin din siya nito.

"Good Morning, Austie."  malumanay na bati ng kasintahan.

Napatawa si Austine ng biglang may maalala, niluwagan niya ang pagkaka yakap at masuyo itong tinitigan.

"Before, I don't wanna like you to call me Austie. It's sounds so gay kasi, pero walang akong nagawa sa kakulitan mo, at ng lumaon nagustuhan ko din naman, lalo pang ikaw lang naman tumatawag sa akin ng Austie." natatawang pagku kwento niya.

"Maganda naman ah!" nakalabing saad ni Ella.

Napahalakhak siya sa tunuran nito, natutuwa siya at lumalabas ang dating pag uugali nito pag nasa tabi siya.

"And that's what you implied before. Yes, maganda talaga." pinitik niya ng marahan ang tungki ng ilong nito sabay tawa.

Napasimangot si Ella sabay bangon.

"Maghahanda na ako ng agahan." inirapan siya nito.

Hindi pa man nakakababa ng kama ay kaagad niya  itong niyakap mula sa likuran at hinagkan hagkan ang batok saka kiniliti sa tagiliran nito.

Nagpa igtad si Ella, sabay nagti titili,  ang tagiliran kasi nito ang pinaka sensitibong parte ng katawan ng kasitahan at alam na alam nya yon.

"Stop! Austie!" nagpapasag na tili ni Ella.

Lalo niya pang itinuloy ang pagkikiliti dito.

"Not until you give me a morning kiss." mahigpit pa din niyang yakap dito mula sa likuran.

You're Still My  Man Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon