"Hindi kasalanan ng pag ibig kung may lumuluha at nabibigo. May mga tao lang talagang mapaglaro at dinudungisan ang kalinisan at kadakilaan nito."
--matapangpuso"Kuya! dapa!" mabilis niyang pinaputukan ang tatlong lalaking humahabol sa kanila.
Kaagad naman sumunod si Robbie at nakipagpalitan din ng putok. Wala pang dalawang minuto napatumba nila ang mga ito.
"Are you okay bunso?" nag aalalang tanong ni Robbie habang tumatayo.
"Okay lang ako Kuya. Bilisan natin!" sabay abot ng kanyang kanan kamay para tuluyan nang makatayo si Robbie.
Tinakbo nila ang pader na pagitan lang nang dalawang mansyon. Naabutan nilang tinutulungan paampatin nang isa sa kanilang kasambahay ang sugatan guwardiya.
"Austine!" salubong sa kanya ni Nana Concha.
Nabuhayan siya nang loob nang makita ang dating yaya. Ngunit nagulat siya nang bigla itong napahagulhol.
"Nana! Si Erie!" nag aalalang tanong niya at kaagad
lumapit sa dating yaya.Mahigpit itong napayakap sa kanya habang patuloy na umiiyak.
"Dinala siya ng mga kalalakihan at wala akong nagawa. Sorry Austine." patuloy na iyak nito.
"Wala kang kasalanan Nana, I'm glad that you're safe." hinaplos haplos niya ang likuran nito upang lumuwag ang pakiramdam kahit papaano. "Go to your room Nana, magpahinga po muna kayo doon." iginiya niya ito pagawi sa silid nito nang tumunog ang kanyang mobile phone. "I need to get this call." saad niya sa dating yaya at sininyasan si Elton John na ihatid ang matanda sa silid nito.
"Boss Austine! Hinahabol namin ang kumuha kay Miss Del Fierro. Sorry boss, na out numbered kami kaya nakalusot sila. Pero hindi po namin hahayaan na tuluyan nilang matangay si Ma'am!" seryosong saad ni Santos.
Dinig niya sa background ang palitan nang mga putok, mga busina ng sasakyan, at mga langitngit ng gulong.
"Saan ang location niyo?" tanong niya na halos pasigaw.
"Papuntang Tagaytay ang direksyon binabagtas namin boss." kaagad na sagot ni Santos.
Napapakunot ang noo ni Robbie habang nataman nakikinig sa kanila.
"Alright, susundan namin kayo and please huwag niyong hahayaan mawala sila sa paningin niyo." seryosong pakiusap niya at mabilis na pinatay ang tawag saka hinarap si Robbie. "Kuya, patungong Tagaytay ang tumangay kay Erie!"
"Okay, but we need to call your Ninong Galvez first, we need their back up at hindi natin kakayanin ang mga pusakal na yon ng tayo tayo lang." seryosong saad nito habang mataman tinitingnan ang sugatan guwardiya na patuloy na nilalapatan nang lunas.
Nilapitan niya ang sugatang guwardiya. "Manong just hold on, the medics are on their way na para madala ka sa hospital."
"Thank you sir." sagot din nito kahit halos hindi na maipinta ang mukha sa sobrang sakit.
Makatapos tawagan ang kanyan ninong at ipaalam dito ang location ng mga pusakal na tumangay ka Erie, sinabi din ng General na nasa labas na ng mansyon ng mga Del Fierro ang pinadala niyang tulong.
Tama nga ang kanyang ninong nang makita nila ang mga tauhan nito na nakikipagpalitan ng putok sa mga naiwan pang kasamahan ng sindikato.
Siniguro muna nilang safe bago maingat na lumabas patungo sa kanilang sasakyan na iniwan sa kabilang kanto.
"Kuya, I'm so scared. What if..." kinakahan saad niya habang binubuksan ang driver seat ng kanyang sasakyan.
Napahinto si Robbie sa pagbukas ng driver seat.
BINABASA MO ANG
You're Still My Man
RomanceYOU'RE STILL MY MAN A Broken Man Series BOOK ONE Do you believe in destiny? That you were born to be fated to someone else? This is a story of two young lovers who will prove to us that even in all circumstances life had thrown to them they'll found...