CHAPTER ELEVEN

1K 33 8
                                    

Happy Reading: lanits95 alavie67 zeelzone HoneyIgnacio2 @mollypet thesimsaddict17

"Too often, the thing you want the most is the one thing you cannot have. Desires leave us heart broken, it wears us out. But as tough as wanting something can be, the people who suffer most, are those who don't know what they want."
-MyFirefly

NAPUNA ni Austine na naging tahimik na si Ella pagkatapos niya itong halikan. Hindi ito makatingin ng deretso sa kanya. Kaya napapangiti siyang inakbayan ito. Lalo siyang natuwa ng mapansin niyang pulang pulang ang pisngi ng dalaga. Halos hindi na ito humihinga ng normal at nakayuko nalang.

"Love, are you okey?" masuyo niyang tanong dito.

Nakayuko pa din ito habang tatango tango.

"O...o naman." matipid na sagot ng dalaga.

Lalo siyang napatawa ng pautal utal na sumagot si Ella.

"Come here, you didn't need to be shy to me. Look, ako lang to." masuyo niyang inamoy amoy ang buhok ng kasintahan.

Biglang napatuwid ng upo si Ella sa ginawa ni Austine. Kaya napausog ito papalayo sa binata.

"Gabi na, hindi ka pa ba uuwi?" mahinahon na tanong nito kay Austine, na malagkit pa din ang tingin sa dalaga.

"Inaantok ka na ba?" masuyo tanong ni Austine sa kasintahan.

Nahihiya man aminin ay napatango na din ito.

"Maaga pa kasi ako bukas kailangan ko ng matulog." tipid na sagot ni Ella, kahit sa totoo hindi pa naman talaga siya inaantok. Maghapon kaya sila natulog sa opisina nito, ngunit masyado na siyang naiilang sa nangyaring halikan kani kanina lang.

Ayaw man umalis ay napilitan ng tumayo si Austine.

"Good night love, lock the door. Alright?" mahigpit niyang niyakap ang kasintahan.

Tumango naman ang dalaga sa kanya.

"Good night, ingat sa pagda drive." paalala ni Ella ng nasa pintuan na si Austine.

"Sweet dream love. See you tomorrow." kinintalan niya muli ito ng halik sa noo bago lumabas ng bahay.

Nakasilip pa din ang dalaga habang papasakay siya ng kanyang sasakyan. Kinawayan niya muna ito bago umalis.

NAG AALALA mang iwan ang dalaga ay wala siyang nagawa kundi umuwi. Inalo nalang niya ang sarili na ligtas naman ang tinitirahan nito. Kaya napilitan nalang siyang umuwi at pinapanalangin na kinabukasan ay kaagad itong makita pag dilat palang ng kanyang mga mata.

Mag aala una na ng makarating siya ng kanilang mansyon. Nagtataka siya at maliwanag pa ang buong kabahayan. Kaya dali dali siyang umibis sa sasakyan pagka hinto nito.

Sinalubong kaagad siya ng nag aalalang si Elton John.

"Austine! Naku, saan ka ba galing? Kanina pa nag aalala sina Sir sa'yo, hindi mo naman daw sinasagot mga tawag nila." natatarantang tanong ng nag aalalang driver.

Nginitian niya ito at tinapik ng marahan sa braso.

"Kay Erie." masayang sabi niya. "Good night Elton John." paalam niya at tuloy tuloy n g pumasok sa loog ng kabahayan.

SINALUBONG kaagad siya ng kanyang mommy na kitang kita ang pag aalala sa mukha.

"My God Austine. Saan ka ba nang galing. Madaling araw na. Alam mo naman na hindi mo na masyadong kabisado ang lugar na to." tuloy tuloy sa pagsasalita ang kanyang Mommy.

You're Still My  Man Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon