CHAPTER THIRTEEN

924 29 2
                                    

Ang tunay na nagmamahal kayang tanggapin ang mga kakulangan at buong katauhan ng taong iniibig. Hindi hadlang ang anuman sa pag ibig na tapat at dalisay.
-MatapangPuso

MATAPOS ang masarap na agahan ay inimbita muna sila ng Mommy ni Austine na manatili pa ng sandali. Maluwat naman siyang pumayag, pakiramdam kasi niya at home na home siya sa pamamahay na ito. At habang naghahanda si Austine para sa pagpasok siya naman ay kausap ang magulang nito sa sala.

Maya maya ay biglang tumayo ang Nanay ni Austine at iniabot ang kanang kamay nito sa kanya. Namamangha man ay iniabot din niya ang kamay dito.

"Come, Erie... I'll show you something." Akay ng ina ni Austine sa kanya. "Sweetheart, would you like to join with us? May ipapakita lang ako sa mamanugangin natin." ngumiti sa asawa.

Umiling ang tatay ni Austine.

"I'm waiting for Austine, I have something to discuss with him. Mag girl bonding muna kayo. Alam ko na miss niyo ang isa't isa." pabirong sabi nito.

Napangiti na din siya sa pagbibiro nito, nagpaalam muna siya bago sumunod sa nanay ni Austine.

Dinala siya ng Ginang sa ikalawang palapag ng mansyon na may malaking kwarto. Namangha siya sa nabungaran. Napaawang ang kanyang mga labi sa dami ng damit na nakasabit, mga sapatos na nakapatong sa mga cabinet at mga mamahalin bags na nasa magkasunod sunod na rack na sinasabitan ng mga ito.

"From now on, kailangan mo nang umpisahang bumalik sa dati mong buhay. And let's start with this." iniabot sa kanya ng Ginang ang isang beige na dress na sa tingin nya ay hanggang tuhod.

Napatingin siya sa Ginang at sa damit.

"Sorry po, pwede po bang huwag ko na pong isuot yan? Nakakaalangan po kasi at hindi po ako sanay magsuot ng ganyang kagarang damit." tipid niyang ngiti sabay paghingi ng paumanhin.

Napangiti lang sa kanya ang Ginang.

"Halika, isuot mo na. Alam ko bagay yan sa'yo."  iginiya siya ng Ginang sa isang dressing room.

Wala na siyang nagawa kundi isukat. Kaya mabilis niyang isinuot ito at medyo nahihiya pang lumabas ng dressing room.

"Look! Ang ganda ganda mo!" natutuwang sabi ng Ginang sabay iginawi siya sa isang wall size mirror.

Mabini niyang tiningnan ang sarili sa salamin. At napangiti sa Ginang.

"Ang ganda po kasi ng damit." nahihiyang pag amin niya.

Napatawa nalang sa kanya ang ginang.

"Halika, put this on." sabay abot sa kanya ng isang mamahalin itim na sapatos.

Napa "oh" siya pagkakita ng sapatos, ito yon malimit niya lang nakikita sa magazine na sinusuot ng mga sikat na modelo at mayayamang babae

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napa "oh" siya pagkakita ng sapatos, ito yon malimit niya lang nakikita sa magazine na sinusuot ng mga sikat na modelo at mayayamang babae.

Dahan dahan niyang isinuot ang sapatos. Kay lambot sa paa at nakapagtataka sukat na sukat ito sa kanya.

You're Still My  Man Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon