"He left me a bunch of money and a properties, and hindi ko maintindihan why they didn't used this para maoperahan si Nanay." tiningala niya si Austine habang nakatunghay ito sa itim na velvet box.
"Why two boxes? Para kanino itong isa?" tanong ni Austine habang iniikot ikot ang itim na velvet box, nagbabakasaling may pangalan nakalagay.
She sighed. "That's belongs to the real Ella Constantino. Tatay said, baka daw dumating ang time na bumalik ang tunay na Ella, hindi pa rin siya nawawalan nang pag asang buhay ito. At kung buhay nga siya kailangan ibigay ko sa kanya ang isang box na iyan. Naglalaman yan ng susi sa isang vault, tulad nang sa akin. And if after thirty years from now na hindi na magparamdam ang tunay na Ella, thats box will be owned with my first born child." saad niya habang iniulit basahin ang sulat.
Naawang ang bibig ni Austine. "And where Bernardo Constantino go?" nagugulumihan tanong ni Austine.
Napayakap siya sa sulat. "He told in this letter na hindi daw siya titigilan ng sindikato na hindi siya mapatay, magtatago daw siya hanggat kaya niya, but isipin ko na daw na siya ay patay na." napaluha na saad niya.
Napailing si Austine, hindi siya makapaniwala sa tinatakbo nang isipan ni Bernardo Constantino. "So what's your plan?"
Napabuntunghinga siya. "I'll conduct a search party sa totoong Ella, but hindi pa ngayon. After I'm giving birth doon ko uumpisahan ang paghahanap sa kanya. My top priority now is our baby." madamdaming saad niya.
Napangiti si Austine sa sinabi niya. "Thank you babe, hayaan mo pag okay na ang lahat, I'm going to help you to find the real Ella Constatino." masayang hinalikan siya ng binata sa kanyang noo.
Sumilay din ang masayang ngiti sa kanyang labi. "Thank you Austine, for always being there for me.
Tiningnan siya ng binata na may buong pagmamahal. "I love you so much Erie, lahat nang magpapasaya sa'yo ay pipilitin kong maibigay. You're my everything." masuyo siyang hinalikan ng binata.
"I love you too Austine. I'll do may best para masuklian ang lahat nang kabutihan mo sa akin." hinaplos niya ang gwapong mukha ng binata.
Ngumiti ang binata sa kanya. "You don't need to do anything basta just stay with me, safe and happy."
"I will Austine, I'll stay with you." at niyakap niya ang binata nang buong higpit upang iparamdam dito ang lubos na pagmamahal.
Pagkalipas ng dalawang araw ay pinayagan na si Ella na lumabas sa hospital, ngunit si Robbie ay mananatili pa roon ng isang linggo.
Masaya sila at nakauwi na din sa wakas si Erie ngunit kakailanganin pa rin nitong ang masusing pag iingat. Hindi pa rin pwede sa kanya ang mag gagalaw. Kung maglalakad man siya kailangan huwag papagurin ang sarili.
Si Austine naman ay bumalik na sa trabaho, kailangan siya sa opisina lalo pa na nasa hospital pa rin ang kapatid. Mabuti nalang may masipag na sekretarya ang kuya niya kaya napapadali ang kanyang trabaho.
Habang abala siya sa trabaho ay tumunog ang kanyang mobile phone. Napangiti siya nang makitang text messages ito mula kay Erie. Nagpapatawag sa kanya ang dalaga.
Isang ring palang ay sumagot na si Erie. "Austine, nagugutom ako, please I really want to eat the shopao of Binondo. Sige na please." naiiyak na sabi ng dalaga.
Napatawa si Austine sa naiiyak na kasintahan. "Don't cry, alright mamaya ibibili kita."
"But Austine, now na. Gutom na gutom na ako. I throw up, lahat ng kinain ko kanina. Bilis na!" gumagana na naman ang pagka bratty nito.
Napailing si Austine habang napapangiti. "I have a meeting in an hour, you drink some milk muna at pagkatapos ng meeting pupunta kaagad ako ng Binondo."
BINABASA MO ANG
You're Still My Man
RomansaYOU'RE STILL MY MAN A Broken Man Series BOOK ONE Do you believe in destiny? That you were born to be fated to someone else? This is a story of two young lovers who will prove to us that even in all circumstances life had thrown to them they'll found...