"Kung nasaktan ka man nang dating pag ibig, huwag kang matakot buksan muli ang iyong puso. Kung may pag ibig na mapaglaro mayron naman din pag ibig na tapat at totoo."
--langpayaDumating kaagad ang mga bodyguard bago pa makababa si Austine. Nagtaka ang mga ito nang makita sa kanya ang lubos na pag aalala.
"Boss! Nawawala naman po ba si Miss Del Fierro?" nag aalalang tanong ni Santos.
Umiling siya. "May nakapasok sa silid ni Miss Del Fierro na walang nakapunakahit sino sa mga tao dito!" saad niya at sininyasan ang dalawang bodyguard na umupo.
"Paano po mangyayari yon boss. Nakapagtataka po, kung mapapansin natin masyadong mataas ang pader sa kabuon ng mansyon." saad pa ni Santos.
"Pero walang mahirap sa mga kriminal para gumawa ng krimen." dagdag ni Manahan.
Mataman niyang tiningnan ang dalawang bodyguard na nasa harap.
"Santos, ipaalam mo sa mga kasamahan niyo na kailangan may naka pwestong magbantay sa likuran bahagi ng mansyon. Total may sariling guwardya ang mga Del Fierro na naka pwesto unahan, sa likuran kayo at dito sa pintuan mag concentrate sa pagbabantay." seryoso niyang sabi.
Tumango naman ang dalawang bodyguard. "Boss, ang gagawin nalang po namin ay dalawa ang magbabantay sa likod at isa dito sa pintuan. Every ten hours po kami magrerelyebo." seryosoyong saad ni Santos.
"That's much better, pasensya na kayo at mas nadagdagan ang oras ng inyong trabaho. Kayo lang ang most trusted bodyguard ni Daddy kaya sa inyo ko ipinagkakatiwala ang kaligtasan ni Miss Del Fierro." saad niya habang nakatanaw sa main door ng mansyon. Iniisip niyang kung gaano katibay ang lock nito.
Napangiti naman ang dalawang bodyguard. "Napakabait po ng pamilya niyo sa amin kaya po magsisilbi kami sa inyo ng buong katapatan" masayang saad ni Manahan.
"Tama po yon boss. Kaya po hanggang gusto niyo kaming mag trabaho sa inyo, mananatili po kami." dagdag ni Santos.
"Mabuti naman kung ganun. Now, let's survey kung saan at paano nakapasok ang taong yon sa loob ng silid ni Miss Del Fierro." saad niya, sabay tayo.
Una nilang pinuntahan ang mismong harap ng bintana ni Erie, nakakita pa sila ng ilan pang mga yapak. Tumuloy sila sa likuran at laking gulat nila ng mga mga lubid na nakalatay sa pader.
"Ibig sabihin boss hindi lang isang tao ang pumasok sa silid ni Miss Del Fierro, kung pagbabasehan sa lubid na nandito." saad ni Santos.
Mabilis na lumakad si Manahan sa punong mangga nang may mapuna itong isang maliit na supot.
"Boss, tela ito at isang chemical para sa agaran pampatulog." binulatlat nito ang mga laman sa harapan ni Austine.
Nagulat siya sa mga nakita. "Ibig sabihin lang nito na seryoso silang kidnapin si Erie." mataman saad niya.
Tumango ang dalawang bodyguard habang sinisiyasat ang kabuoan likuran ng mansyon. "Boss mas maganda siguro kung magdadagdag tayo ng mga ilaw dito." suhestyon ni Santos.
"Sige, magpapatawag kaagad ako ng electrician." sang ayon ni Austine.
Makatapos sila maglibot ay naikasa na nila kung paano ang mahigpit na pagbabantay sa mansyon. Tiwala siya sa mga bodyguard na kaya nitong protektahan si Erie.
Hindi naman kasi basta bastang bodyguard ang mga ito, bihasa kasi ang mga ito sa combat fighting, mga ex-military ang mga ito na rekomendado ng kanyang ninong.
Tinawagan din niya si Roman Rodrigo upang ipakita ang mga bakas ng yapak. Nais niyang malaman ang ekspertong pananaw nito sa pangyayari.
Matapos mae ayos ang lahat at masigurong may maayos na sistema na sa pagbabantay, ay ipinaalam niya sa dating yaya na pwede na nitong ipagpatuloy ang mga ginagawa at iwanan nalang si Delia kay Erie.
BINABASA MO ANG
You're Still My Man
RomanceYOU'RE STILL MY MAN A Broken Man Series BOOK ONE Do you believe in destiny? That you were born to be fated to someone else? This is a story of two young lovers who will prove to us that even in all circumstances life had thrown to them they'll found...