Huwag kang malulumbay sa bawat pagsapit ng dapit hapon, sapagkat palaging may bukang liwayway para sa panibagong araw na dala ay pag asa ng masayang araw.
-Heart'sEyesMABILIS NA LUMABAS ng conference room si Austine kasunod ang sekretaryang si Marge. Iniwan niya kasi si Ella na nag iisa sa opisina. Nais niya sana itong isama sa meeting kanina ngunit tumanggi ito at hindi daw nararapat na nandon ang dalaga. Kaya binilinan nalang niya ito na hintayin siya sa opisina.
Halos liparin na niya ang opisina, hindi niya alam kung bakit kanina pa siya hindi mapakali. Simula ng magkita muli sila ay binalak na niyang hindi ito ihiwalay sa paningin niya. Mas panatag kasi ang loob niya pag nasa tabi niya lang ang kasintahan. Masyado na siyang nagka phobia at paranoid sa pagkawala nito ng ilang taon.
Pagkapasok niya sa opisina hinanap kaagad niya ito, ngunit wala ito sa couch na pinag iwanan niya kanina. Kaya patakbo siyang pumasok sa silid tulugan ng opisina sa pag aakalang tulog ito doon, ngunit sa pag silip niya ay walang Erie siyang nakita.
Papalabas palang siya ng silid tulugan upang tingnan kung nasa comfort room ito ng biglang tumunog ang kanyang mobile phone. Nang tingnan niya ang tumatawag ay biglang kinabahan kaagad siya.
"Santos! Si Miss Del Fierro, nasaan siya?!" malakas na boses na tanong niya. Pati litid ng leeg niya ay masyado ng tensyonado. Ramdam niya na may nangyayaring hindi maganda.
Lalo siyang biglang kinabahan ng madinig niya ang mga tunog ng sasakyan.
"Sir! Si Miss Erie po sumama doon sa lalaki. Nagmamadali po silang sumakay ng taxi! Paalam niya lang po na magla lunch siya sa canteen ngunit nagulat nalang po kami ng bigla po siyang lumabas ng building. Hindi po namin naabutan, nakasakay po kaagad sila ng taxi. Pero po boss, nakasunod po kami sa sinasakyan nila." nag aalalang may halong kaba na sagot ni Santos, ang isa sa itinalaga niyang bodyguard ni Ella.
Biglang sumulak ang dugo niya sa mga sinasabi ng bodyguard. Lalo pa ng may nabanggit itong na may kasamang lalaki ang kasintahan
"Follow her! Kahit saan man siya magpunta. Ayaw ko makawala siya paningin nyo! Text me if saan na ang location nyo. Susundan ko kayo!" natatarantang at nag aalalang utos niya.
"Boss! pagawing South po ang taxi na sinasakyan nina Miss Erie!" inporma ng bodyguard.
Halos takbuhin na niya ang pupunta ng basement kung nasaan nakaparada ang kanyang sasakyan.
"Marge! Inform my father that we have an emergency. Please told him that I need his help. Umalis si Erie na may kasamang di ko kilalang lalaki." mabilis na utos niya sa sekretarya pagkatapat niya sa mesa nito sa labas ng kanyang opisina.
"Yes Sir!" mabilis na sagot nito sabay hawak ng telepono upang tawagan ang Big Boss.
Napapamura na siya sa sobrang kaba habang nasa loob ng elevator papunta ng basement, at halos masira na niya ang pintuan ng sasakyan sa pagmamadali niyang mabuksan ito.
Kaagad niyang pinatakbo ang sasakyan pagawi ng South habang sini set ang GPS, hindi na kasi niya gaano ka kabisado ang daan palabas ng Maynila.
Isinukbit niya kaagad sa kanyang tainga ang bluetooth headset at kaagad tinawagan ang bodyguard.
"Santos! Asan na kayo!" tensyonadong tanong niya.
"Boss, parteng Alabang na po kami, nasusundan naman po namin sila kaso medyo may kalayuan ang distansya nila sa amin. Susubukan po namin na makalapit sa kanila." pormal na sabi ng bodyguard ngunit nababanaag din ang kaba sa boses nito.
Napabuntunghinga siya sa lubos na pagsisi at kung bakit iniwan niya pa ito mag isa sa opisina.
"Alright, just follow them." may diin pa din utos niya. "Anyway, the guy na kasama niya, namukhaan nyo ba?" nag iigting na tanong nya.
BINABASA MO ANG
You're Still My Man
RomansaYOU'RE STILL MY MAN A Broken Man Series BOOK ONE Do you believe in destiny? That you were born to be fated to someone else? This is a story of two young lovers who will prove to us that even in all circumstances life had thrown to them they'll found...