Maligayang pagbabasa, lanits95 HoneyIgnacio2 alavie67 zeelzone @mollypet
Napaka makapangyarihan ng pag ibig, kaya nitong saklawan ang mga bagay na inaakala natin imposibleng mangyayari."
-langpayaPatakbong lumabas ng opisina si Ella. Hindi nya lubos maisip ang mga sinasabi ng kanyang bagong amo. Ngunit ng makita niya itong lumuluha ay mas dobleng sakit ang kanyang nararamdaman.
Hindi nya maipaliwanag ang saya ng makita ang maamo at gwapo nitong mukha ngunit ang kanyang puso ay nasasaktan tuwing nasisilayan niya ang lungkot sa mga mata nito.
Agad agad siyang sumakay sa kanyang elevator. Nais niya muna makalanghap ng sariwang hangin. Para kasi siyang kinakapos sa paghinga. Hindi nya maintindihan ang kasalukuyan nararamdam.
Para siyang nauupos na kandila. Sari saring emosyon ang sumasakop sa kanya. Masaya na may halong lungkot, natatakot at nag aalala, nagtatanong ang kanyang isip, mga katunungan na nais nyang masagot.
Nanghihina man ay naisip pa din niya ang mga kaibigan. Tanghali na, maaaring hinihintay na siya ng mga ito para sabay sabay silang mananghalian. At ngayon gusto nya makita ang mga ito para mapanatag ang kanyang damdamin.
Pag kasama nya kasi ang dalawang kaibigan, parang kay gaan ng kanyang pakiramdam. Kaya ng mga ito na siya'y pangitiin kahit ano pang bigat ang nararamdaman ng kanyang kalooban.
Pagpasok niya palang sa canteen ay nahagip na kaagad ng kanyang paningin ang mga kaibigan na nakaupo sa dulong bahagi ng canteen.
Kinawayan din kaagad siya ng mga ito ng makita siya. Habang papalapit siya hindi nakatakas sa kanyang mga mata ang pag aalala sa mukha ng mga kaibigan.
"Diyos ko Ella, kanina ka pa namin hinihintay. Ano ba talaga ang nangyayari. Kanina gusto akong kausapin ni Sir Austine. Pagpasok naman namin, nandon ka sumisigaw kasi nawalan malay ang amo natin. Tapos ayaw ka pa paalisin ng alalay ni Sir Austine. Bakit? Ano ginawa mo sa amo natin?" nag aalalang tanong ni Grace.
"Hindi ko rin alam ang nangyayari Grace. Basta hinimatay nalang siya sa harapan ko." malumanay na sagot niya.
"Sigurado ka na wala kang ginawa kay Sir Austine? Kilala kita Ella, baka naman ipinaglalaban mo na naman yan mga prinsipyo mo at umabot kayo ni Sir ng madugong labanan." pananantiyang sabad ni Isang habang tinititigan siya ng mariin.
"Isang naman, madugo talaga. Promise wala akong ginawa." paniniguro niya.
"Eh, bakit ka nga hindi kaagad pinalabas ng alalay ni Sir Austine?" tanong muli ni Isang.
"Oo nga, bakit kailangan e hold ka nila don sa opisina ng higit tatlong oras?" segundang tanong ni Grace.
Tiningnan nalang niya ang dalawang kaibigan sabay umiling iling siya. Ayaw muna niya sabihin sa mga ito ang totoong nangyari. Ayaw niya na pag uusapan ng mga ito ang ganun kaselan bagay lalo pa na napagkakamalan siya na kasintahan ng bagong amo.
"Wala naman, pinabantayan lang sa akin si Sir Austine nong alalay niya. At saka may mga tinatanong din sa akin yong alalay ni Sir Austine." simpleng sagot niya.
"At bakit ikaw pinapabantay? Aber? Asan sekretarya ni Boss Robbie?" nakataas ang kilay na tanong ni Isang.
"Nandon daw kay Sir Robbie, may mga pinapaasikaso daw mga papeles. Mamaya pa daw ang balik." malumanay na sagot niya. "Teka hindi pa ba tayo kakain?" balik tanong niya sa dalawang kaibigan.
![](https://img.wattpad.com/cover/51500205-288-k902136.jpg)
BINABASA MO ANG
You're Still My Man
RomanceYOU'RE STILL MY MAN A Broken Man Series BOOK ONE Do you believe in destiny? That you were born to be fated to someone else? This is a story of two young lovers who will prove to us that even in all circumstances life had thrown to them they'll found...