It was six pm na nang maka uwi si Austine, kaya pinagpasyahan niyang puntahan muna ang kasintahan. Sa tapat ng mansyon ng mga Del Fierro na siya nagpababa kay Elton John. Dala dala ang bulaklak at supot ng kakanin na bigay ni Dalton ay pumasok siya sa mataas na gate ng mansyon.
"Good evening po sir Austine." bati sa kanya nang nakatalagang guardiya.
Tinanguan niya lang ito saka dere deretsong pumasok ng mansyon. Naabutan niya ang mag asawang Del Fierro na nag uusap sa magarbong sala.
"Austine." bati sa kanya ni Donya Vironica.
"Good Evening po Dad, Mom." bati niya sa mag asawa. "I'm just going to give these to Erie." paalam niya.
The couple just smiled at him.
"Go ahead iho." sagot ni Don Anton.
Hinalikan muna niya sa pisngi ang Donya bago umakyat ng silid ni Erie.
Inabutan niyang nanonood ang kasintahan ng television. Sumilay ang maganda nitong ngiti nang makita siya.
"Hi babe." bati niya sabay halik sa labi nito.
Napadako ang tingin ni Erie sa dala dala ni Austine.
"You bought me a flowers." saad ng dalaga habang mataman tinitingnan ang mga bulaklak.
Napailing si Austine. "They're not mine, galing ang mga ito kay Dalton. Dumaan siya sa R@A hinahanap ka at gusto ka raw makita at makausap." iniabot niya ang mga bulaklak sa kasintahan. "Ang this too." at iniabot din niya ang supot ng mga kakanin.
Napaawang ang bibig ng dalaga. "He just came all the way here para sa mga bulaklak at kakanin?" tanong niya.
Umupo si Austine sa tabi ng kasintahan. "Maybe more than that, baka may kailangan siya sa'yo."
"Oh," napaawang muli ang kanyang bibig.
Austine stared at her seriously. "Call him."
"Are you sure? Hindi ka magseselos." tudyo ni Erie.
Napakibit balikat nalang si Austine. "No, why should I, unless na you're going to flirt with him." nakataas ang kilay na sagot niya."
"Of course not. Austine, he is just a friend. Oo, nanliligaw siya kay Ella not with Erie. Erie have Austine already." nakangusong saad ni Erie habang kinukuha ang kanyang mobile phone na nasa side table.
Tumayo naman si Austine. "I'll leave you, so you can have a privacy, magbibihis muna ako." paalam ni Austine, humalik muna ito sa labi ng dalaga bago lumabas ng silid.
ERIE SAT UP STRAIGHT, then she dialed Dalton's mobile number. Kabisado naman niya ang number ng binata at ito lang naman tinatawagan niya dati. Isang ring palang sumagot na kaagad ito.
"Hello, sino ito?" tanong ng binata, sa medyo masungit ang tono.
Napangiti si Erie, alam niya pag ganito ang tono na binata either pagod ito or galit.
"Tonton, ano ba naman tonong yan." nagsusungit sungitan na saad ni Erie.
Napatda ang binata ng mapagtanto kung sino ang tumatawag. "Ella! Ikaw talagang babae ka, alam mo bang alalang alala ako sa'yo?" seryodong saad nito.
"Sorry Tonton ha? Ang dami kasing nangyari. Mahirap ng isa isahin ko pa sa'yo. Sa ngayon okay naman ako kaya huwag ka nang mag alala." masuyong saad niya.
"Pwede ba naman na hindi ako mag alala sa'yo. Sabi mo nga ang dami daming nangyari, alam ko na din nangyari sa Nanay mo. Siya nga pala, kahapon pinuntahan ako ng tatay mo kaya ako napaluwas. Ella, iniiwan niya sa akin ang bahay niyo at bukirin dito. Hindi naman ako pumayag, pero sabi ng tatay ibinibigay na raw niya sa akin ang mga yon. Hindi ko kayang tanggapin ang mga yon, hindi maari ang ganun." nagugulumihan na saad ni Dalton, dinig niya ang malalim na pangbuntunghinga nito.
BINABASA MO ANG
You're Still My Man
RomanceYOU'RE STILL MY MAN A Broken Man Series BOOK ONE Do you believe in destiny? That you were born to be fated to someone else? This is a story of two young lovers who will prove to us that even in all circumstances life had thrown to them they'll found...