CHAPTER THIRTY SEVEN

802 26 0
                                    

Matulin lumipas ang mga araw na walang anuman kaguluhang nangyari. Naging busy ang lahat sa kani kanilang buhay. Ang kanyang kuya ay nakabalik na muli sa trabaho. Ang mag asawang Del Fierro ay nabuksan na muli ang dating negosyo.

Sila naman ni Erie ay naging abala sa pamimili ng mga gamit ng kanilang paparating na anghel. Kahit ang kanyang magulang  ay naging punong abala sa pag aayos ng  nursery at malugod naman itong pinagbigyan ni Erie.

Sa araw na ito at maaga siyang pumasok upang makauwi ng maaga. Pasipol sipol pa siya habang dumaan sa harap ng secretary ng kanyang kuya at napuna niya itong malungkot. Mababanaag sa mata nito ang katatapos palang na pag iyak.

"Hey, are you okay?" hinarap niya ito at mariin na tinitigan.

Nagulat pa ang secretary, mukhang hindi yata siya napuna dahil naging abala ito sa nararamdaman.

"Good Morning po Sir Austine. Ano po, okay lang po ako." nagtatarantang sagot nito.

Marahan siyang tumango ngunit hindi siya kumbinsido na okay ito. "Okay, if there's something happened don't hesitate to tell us. We will let you take a rest for a while."

Maagap naman itong sumagot. "Ay hindi po Sir Austine, okay lang po talaga ako."

Tumango muli siya saka tinalikuran ito saka pumasok sa loob ng opisina. Naabutan niya ang kanyang kuya na nakatulala habang hawak ang isang box ng chocolate at isang bouquet ng puting mga rosas na nakapatong sa mesa nito.

"Kuya..." tawag niya dito habang hinihila ang upuan sa nakalaang mesa para sa kanya.

Biglang nabitiwan ni Robbie ang hawak na chocolate. Para bang napaso ito. "Bunso, kanina ka pa?" tanong nito habang umayos nang upo.

"Just now, ano ba nangyayari sa inyo pareho kayo nakatulala ng secretary mo? May problema ba kayo?" naghihinalang tanong niya.

Napatikhim si Robbie. "Wala bunso, ano kasi." para itong hindi mapakali sa kung ano.

Mariin niyang tiningnan ang kanyang kuya at ang bulaklak na nasa harap nito. "Para kanino ba ang mga iyan." tukoy niya sa bulaklak at chocolate.

Ilang segundo muna bago ito sumagot. "Para kay..." nag aalangan nitong sabi.

Napatawa siya saka lumapit sa kanyang kuya at dinampot ang bulaklak at chocolate. "Really, Kuya? Let me handle this." saka niya ito tinalikuran.

Biglang napatayo ang kanyang kuya nahulaan yata ang kanyang gagawin. "Austine, stop! Wait!" sigaw nito ngunit hindi niya ito pinakinggan at tuloy tuloy siyang lumabas ng opisina.

Nagulat pa ang secretary ng kanyang kuya ng iabot niya ang kanyang mga hawak. "This is for you."

Nanlaki ang mata nito. "Para sa akin po?" nagtatakang tanong nito.

"Yes, pinabibigay ni Kuya." natatawang saad niya, ngayon nakuha na niya kung bakit malungkot ang secretary, iniisip nito na may ibang pagbibigyan ang kanyang kuya sa bulaklak at chocolate.

Napapailing siyang muling umupo sa kanyang mesa saka nilingon si Robbie na tulala pa rin. "Kuya, stop that... okay na. Tigilan mo yan baka mahipan ka ng hangin." tudyo niya dito.

Napabuga ito sa hangin saka ito ngumiti ng napakatamis. "Thanks Bunso."

Nahawaan yata siya ng kanyang kuya, maghapon kasi itong hindi mapagkit ang ngiti sa mukha. Kaya naman bago siya umuwi ay dumaan muna siya sa isang flower shop at bumili ng isa sa paboritong bulaklak ni Erie at bumili din siya ng strawberry leche plan. Balak niya surpresahin ito.

Dinatnan niyang walang katao tao sa mansyon, kundi ang mga katulong. "Nana Concha, sina Mommy?" tukoy niya sa magulang ni Erie.

"Gagabihin daw po, nasa dinner meeting po sila.

You're Still My  Man Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon