The day has come, ang araw na pinakahihintay nang lahat. Lalo na sa dalawang pusong nag iibigan, na pinaghiwalay man ng nakakalumong trahedya ngunit sa huli ay muling pinagtagpo. Ganun nga siguro kasarap ang pagmamahalan sinubok man ng panahon ay nanatiling dalisay at wagas.
The weather is perfect, napakaaliwalas ng panahon kaya naman tamang tama lang ang mga sunflower na nakahanay sa aisle at sa mga mahahabang upuan. Nag mistulang little sunflower farm ang loob ng lumang simbahan sa Batangas. Even the guests and sponsors have a touch of yellow to their suits and dresses that they're wearing.
Madami na din media sa labas ng simbahan na umaantabay upang masilip man lang sa napaka pribadong kasalan ng dalawa mula sa pinakamayaman angkan sa bansa. Wala kasi silang pinahintulutang media na mag coverage sa kasalang maituturing wedding of the year.
Austine is so handsome to his blue tuxedo, at
lalo pa ito naging mas gwapo dahil sa mga matatamis nitong ngiti at ang nangungusap na mga mata dahil sa labis na kaligayahan. Naroon na iyong napapatawa ito habang inaantabayanan ang pag bukas ng simbahan na bubungad ang pinakamamahal na babae at ang paglingon mula sa kanyang likuran kung saan nandoon ang kanilang munting anghel na karga karga ng kanyang ina. Nakasuot ito ng puting tuxedo, at sa halos dalawang buwan gulang nito ay makikitaan na ng kakaibang charisma, masasabi na niyang maraming babaeng maghahabol dito sa pagbibinata nito.
"Relax son, you're sweating, ang lakas ng aircon dito pero pinagpapawisan ka." nakangiting saad ng kanyang ama habang nakatayo sa tabi niya."Naku bunso mamaya niyan himatayin ka pa sa araw ng kasal mo." biro ni Robbie sa kapatid.
"Kuya naman." sagot niya. "That wouldn't happen."
"Siguraduhin mo lang." birong muli ni Robbie.
Maya maya pa lumapit sa kanila ang wedding organizer at pinapag ready na ang lahat. Kumpleto na ang mga abay mula sa pamilya ng Del Fierro at pamilya nila. Best man niya ang kanyang kuya Robbie, ang kanyang naging kaibigan sa Amerika na galing sa mayaman angkan sa Norte at ang pinsan ni Erie na si Van Luther Del Fierro ay kanyang mga abay. Ang babaeng mga abay naman ay mula na sa pamilya ng Del Fierro at ang dalawang kaibigan ni Erie na si Isang at Grace.
All of the sudden biglang natahimik ang lahat ng bumukas na ang pinto ng simbahan at pumasok ang pinakamagandang bride suot nag napaka eleganteng wedding dress.
BINABASA MO ANG
You're Still My Man
RomanceYOU'RE STILL MY MAN A Broken Man Series BOOK ONE Do you believe in destiny? That you were born to be fated to someone else? This is a story of two young lovers who will prove to us that even in all circumstances life had thrown to them they'll found...