CHAPTER TWENTY

848 35 4
                                    

Ang pagsuko ay hindi batayan na hindi mo na mahal ang isang tao, minsan kailangan mo din sumuko upang magkaroon ng pagkakataon makita ang halaga ng pag ibig mo.
--Langpaya

Mahigit isang buwan na hindi nila mahanap si Ella, lahat ng hospital sa kalakhang Maynila at karatig lalawigan ay naikot na ng kanyang mga tauhan ngunit bigo pa din silang mahanap ang kasintahan. Kahit si Austine ay halos buong araw ginugugol ang paghahanap dito. Ngunit para itong naglahong bula, walang naiwang kahit konting bakas nito.

Halos mabaliw na si Austine sa paghahanap. Napabayaan na din niya ang kanyang trabaho, kaya napabalik ng maaga si Robbie sa trabaho. Naiintindihan naman ng nakakatandang kapatid ang kanyang pinagdadaanan. Minsan nga kasa kasama niya pa ito sa paghahanap.

Binalikan nila ang bahay nito sa probinsya, ngunit wala ito doon at kahit ang kaibigan at nanliligaw na si Dalton ay wala din alam kung nasaan ang dalaga. Kaya naman pati ito ay naghahanap na din. Kulang na nga na ipanawagan nila ito sa radyo, dyaryo at telebisyon. Ngunit hindi niya magawa sa takot na lalong mapahamak ang kasintahan.

Ngayon niya lubos na naintindihan kung bakit pinili ng mga magulang ng kasintahan na ipaubaya sa mga taong eksperto sa paghahanap, sa kadahilanan mas lalong manganganip ang buhay nito sa mga nakapaligid lang na mga kriminal at naghihintay lang ng pagkakataong na may mabibiktima. At hindi malayong mangyari yon kay Erie. Sa estado nito sa buhay, mag aagawan ang sinuman kriminal sa makukuhang pakinabang dito.

Wala naman bale kung magbayad sila nang malaking halaga, ang kinakatakutan nila ay ang mapahamak ito sa kamay ng mga kriminal sa pagpo proseso kung paano ito mapagkakakitaan. Sa ganun pagkakataon malaya ang mga kriminal na maka pag demand sa anuman nilang gusto. At hindi niya yata makakaya kung magpagsamantalahan ang kahinaan nito, maganda ang kasintahan kaya malaki ang tsansang may maakit dito at may manamantala.

Sa mahigit isang buwan nitong pag alis, halos hindi na makatulog ng maayos si Austine. Dala dala niya ang takot sa dibdib na hindi na muli pang makita ang kasintahan. Palagi siyang tuliro at nagiging mainitin na ang kanyang ulo. Pagod, gutom at antok ang kasa kasama niya upang malampasan ang isang araw.

"Austine, kumain ka muna." anyaya sa kanya ni Robbie.

Nasa opisina sila ngayon, habang naghihintay sa mga bagong ahenteng uupahan nila para maghanap kay Erie. Dadamihan na nila ang bilang ng maghahanap para mapadaling makita ang kasintahan.

Tinapunan niya ng tingin ang kanyang kuya habang nilalapag ang mga pagkain inorder para sa pananghalian.

"Thank you Kuya, but I'm not yet hungry." malungkot na saad niya habang napasandal sa itim na couch ng opisina.

Umuling iling lang si Robbie.

"No, Austine. You need to eat kung gusto mo pang abutan kang buhay ni Erie. Makikita natin siyang muli, so you need to be healthy. Paano nalang if kakailanganin ka niya, tapos wala kang lakas upang matulungan siya. Think about it Bunso. So please eat." malumanay pero may diin na sabi ng nakakatandang kapatid.

Wala na siyang nagawa kundi pagbigyan ang kanyang kuya Robbie, tama ito kailangan niyang maging malakas. Kailangan niyang maging handa sa anuman tulong na kakailanganin ng kasintahan. Kaya mabilis siyang kumain. Wala silang imikan habang kumakain. Halos maubos nila ang mga nakahaing pagkain.

Katatapos lang nilang kumain ng kumatok si Marge ang sekretarya ni Robbie.

"Sir Robbie, nandito na po mga bisita nyo. Pinatuloy ko na po sila sa conference room." pag e inporma ng sekretarya habang inuumpisahan nitong imisin ang kanilang pinagkainan.

"Thanks Marge. Hayaan mo na ang mga iyan dyn. Tumawag ka nalang ng canteen staff. You need to come with us." saway ni Robbie.

Napansin ni Austine na malagkit ang tingin ng kanyang kuya sa sekretarya nito. Ngunit parang hindi naman ito napapansin ni Marge. Napangiti nalang siya ng tipid, mukhang walang kaalam alam ang sekretarya na may lihim na pagtatangi ang boss nito.

You're Still My  Man Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon