CHAPTER THIRTY ONE

839 30 11
                                    

"Kailan man hindi naging sapat ang relasyon na pinagbuklod lamang nang mapanlinlang na pagmamahal."
--RJSevilla

Nasa basement na ng R@AC Commercial Center ang mga medics mula sa CMC nang dumating sila kaya mas napadali malapatan paunang lunas sina Robbie at Erie.

Inilipad kaagad sila papunta ng CMC hospital, parehas nasa delikadong lagay sina Robbie at Erie kaya naman halos panawan na nang ulirat si Austine sa sobrang pag aalala.

Lumipas na ang isang oras wala pa rin lumalabas na kahit isang doktor para man lang mag update sa kalagayan ni Robbie at Erie.

Nakakamatay ang katahimikan na kahit ang kanilang magulang na kanina ay halos mapuno ng iyakan sa labas ng operating room ng dumating sila, ngunit ngayon kahit ang kanilang paghinga ay hindi maririnig.

Nakatayo si Austine sa  may pintuan ng operating room habang nakasandal sa malamig na pader, sa pader siya humihiram nang konting lakas, pakiramdam niya unti unti nauubos ang natitirang lakas habang tumatagal ang kanilang paghihintay.

"Boss Austine!" tawag ng isang nag aalalang boses.

Napatayo siya nang tuwid at napatitig sa sekretarya nang kanyang kuya na patakbong lumapit sa kanya.

"Marge," bati niya dito.

Huminga muna ng malalim ang sekretarya bago nagsalitang muli. "Kumusta na po si Boss Robbie?" maluha luhang tanong nito.

Bigla siyang naawa sa sekretarya at nasa mukha nito ang sobrang pag aalala sa katunayan namumutla ito sa sobrang kaba.

"Still in the operating room." mahinang boses na saad niya.

Hindi na napigilan ng sekretarya ang kinikimkim na pag aalala, tahimik itong naiyak habang tumabi sa kanya. Sumandal na din ito sa pader na parang tulad niya ay nanghihiram din ng konting lakas sa malamig na pader.

Tahimik silang lahat habang nagpapakiramdaman, lahat ayaw magsalita sa takot na hindi maganda ang kanilang masabi at pare parehas sila magka nervous breakdown.

Kaya lahat sila nagitla ng unang bumukas ang emergency room at lumabas ang doktor ni Erie na maalwaan ang mukha habang ngumingiti sa kanila.

"Hi guys." bati ng doktora.

Lahat sila napatayo nang lumapit sa kanila ang doktora.

"Doc, kumusta sila?" nag aalalang tanong ni Austine.

Kahit ang mag asawang Del Fierro at kanyang mga magulang ay mataman nakaabang sa sasabihin ng doktora.

"Well, pwede na kayong lahat makahinga nang maluwag, ligtas po si baby at si mommy. More rest and no stress pa rin ang kailangan ni Miss Del Fierro, nanghihina pa siya kaya hayaan po muna natin siyang makatulog. Maya maya po ipapadala ko na siya sa kanyang silid. Sige po, pag may katanungan pa po kayo nasa office lang po ako." nilingon nito ang kanilang mga magulang bago umalis.

Lahat sila nakahinga nang maluwag sa sinabi ng doktora, kaya nang tumalikod na ito ay nagkangitian sila.

Ang secretary ng kanyang kuya ang parang hindi na nakayanan na maghintay pang muli ng ilang minuto upang malaman ang kalagayan ni Robbie.

"Si boss Robbie, bakit wala pa pong lumalabas sa operating room." nag aalalang sabi ni Marge, na nasa tabi pa din ng pintuan ng operating room.

"Let's wait for more minute, I'm positive na malulusutan ito ni kuya." tinapunan niya ito nang ngiti upang kahit papaano mabawasan ang pag aalala nito.

Tipid na nginitian siya ng sekretarya, mukha yatang biglang nahiya sa hindi napigilan bugso nang damdamin.

Napalingon sila nang bumukas ang operating room, at isang may katandaan doktor ang lumabas. Ngumiti ito nang pamansin ang mag asawang Charles.

You're Still My  Man Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon