Austine wouldn't like to disappoint his brother's expectations, and thats the biggest challenge to him and to his marriage life.
Simula nang pansamantalang ipinagkatiwala sa kanya ang kanilang mga negosyo ay naging balakid na iyon upang makasama niya ang kanyang asawa at anak.
Ngayon niya na appreciate ang sobrang hirap na ibinuhos ng kapatid sa pagpapalakad ng kanilang negosyo. At hindi man lang nila itong narinigan nang anuman reklamo.
Hindi tuloy niya maisip kung paano nito pagkakasyahin ang oras sa sandaling ito ay magkaroon na ng sariling pamilya.
Tulad ngayon na nasa opisina pa rin siya sa dis oras na ng gabi. May kailangan pa kasi siyang tapusin na mga papeles at hindi na pwedeng ipagpabukas pa.
Maya maya ay nagulantang siya sa pagtunog ng telepeno. Hindi ito kalakasan ngunit nangibabaw ang tunog nito sa tahimik na opisina.
Napamura siya nang makitang ang asawa na ang tumatawag kaya naman mabilis niya itong sinagot.
"Hi babe." malambing na bati niya sa asawa.
"Alam mo ba kung anong oras na? Kasi kung balak mo riyan matulog magpapadala na ako ng kumot at unan diyan!" pabungad na arangkada ni Erie.
Napatayo siya sa upuan at mabilis na inayos ang mga nagkalat na papeles na nasa mesa habang kausap pa rin ang asawa.
"I'm sorry babe, ito pauwi na. Huwag ka nang magalit please." mas lalo pa niyang nilambingan ang boses.
Narinig niyang napabuntunghinga ang asawa at parang nakikini kinita niyang palakad lakad ito sa kanilang silid.
"Austine Charles! Pag wala ka pa rito ng isang oras sa labas ka matutulog! Nakakaintindihan ba tayo?" matapang nitong saad.
Mabilis siyang lumakad palabas ng opisina at muntik pa siyang matumba nang matisod siya sa upuan.
"Shit!" napamura siya sa sakit.
"Ako ba minumura mo? Aba Austine!" tumaas na ang boses ni Erie.
Napangiwi man sa sakit ay mabilis niyang sinaagot ang asawa.
"No babe! Bakit naman kita mumurahin. Natisod lang ako sa upuan." mapakumbabang saad niya.
"Magpapalusot ka pa! Umuwi ka na at napupuyat na ako sa kahihintay sa'yo! Hindi ako matulog na wala ka pa!" nagmamaldita na ang boses nito.
Mas lalo tuloy siyang nag alala. Iba kasi magalit ang kanyang asawa. Parang may sumasapi na kung ano rito pag galit kaya ayaw na ayaw niya itong naa upset man lang sa kanya.
"Eto na nga babe, huwag ka nang magalit." mas lalo pa niyang nilambingan ang boses.
Parang nae imagine niya ang nga magkasalubong nitong kilay.
"Hurry up! I'm so sleepy na!" nagmamakatol nang saad nito.
Halos takbuhin na niya ang pababa ng basement. Kailangan niyang makauwi na kung ayaw niyang matulog sa labas ng kanilang silid.
"Okay babe! Bye na! Magda drive na ako." paalam niya sa asawa saka mabilis na pumasok ng sasakyan.
Narinig nalang niya ang pagkawala sa linya ng asawa. Alam niyang seryosong inis na ito sa kanya.
Mabuti nalang walang traffic kaya halos forty minutes lang ay nasa labas na siya ng kanilang gate. Si Elton John kaagad ang napuna niyang nasa main door.
Pagkababa niya ay sinalubong kaagad siya nito.
"Austine! Naku! Kanina pang galit ang iyong asawa! Ano ba at lagi ka nalang late umuwi! Alam mo bang pinag iisipan ka na ni Erie na nambabae ka? Muntik na nga sumugod yon kanina, napigil lang namin ni Nana Concha."
![](https://img.wattpad.com/cover/51500205-288-k902136.jpg)
BINABASA MO ANG
You're Still My Man
RomanceYOU'RE STILL MY MAN A Broken Man Series BOOK ONE Do you believe in destiny? That you were born to be fated to someone else? This is a story of two young lovers who will prove to us that even in all circumstances life had thrown to them they'll found...