EPILOGUE

1.3K 39 28
                                    

Contented and peaceful, thats what Austine needs to be thankful. For the past few months they were together, their life was full of fun. Mas lalong naging makulay ang kanilang buhay sa pagdating nang kanilang munting anghel.

Ang anak, ang tuluyan bumura sa sakit na dala ng malungkot na kahapon. Hindi niya sukat akalain na sasaya pa siya ng ganito at higit sa lahat ang madudugtungan pa ang maputol nilang pagmamahalan at makabuo ng sarili nilang pamilya.

Umaapaw ang biyayang natatanggap nila at isa na roon ang biniyayaan sila ng mga mapagmahal na magulang na laging nandyn sa kanila upang umagapay. At ngayon nga sa anak naman nila ang pinagtutuunan ng mga ito ng lubos na atensyon at pag aalaga.

Kaya hindi naging mahirap sa kanilang mag asawa ang pag aalaga sa anak dahil nandyn ang kani kanilang magulang, naroon na yon halos gabi nalang nila nakakapiling ang anak dahil nagpapalitan ang magkabilang lolo at lola sa pag aalaga dito, isama pa ang kanyang Kuya Robbie na sa kabila ng pagod sa trabaho ang pamangkin kaagad inaagapan pagdating ng mansyon.

Hinayaan na muna nila ang mga bagong lolo at lola sa kanilang apo, habang abala sila sa pag aasikaso sa pinapagawa nilang bahay na dalawang bloke lang ang layo sa mansyon ng kani kanilang magulang. Noong una tutol ang mga ito na bumukod pa sila ngunit sinabi nila na kailangan matutong silang itaguyod ang sariling pamilya.

Naunawaan naman yon ng mga magulang, ngunit hindi pa rin mawala sa mga ito na hindi mangialam, eto nga lahat yata ng kanilang bagong kagamitan ay regalo ng kani kanilang magulang. Pinagtatawanan na nga lang siya ni Erie pag napapatunganga siya at walang magawa pag dumarating ang mga regalo ng mga ito.

Ngunit ang mas ang kinakatuwa niya, simula ng isilang ang kanilang anak naging focus si Erie sa kanilang mag ama. Sila ang naging sentro ng buhay nito, napaka maalaga sa kanila ng kanyang asawa kaya naman ibinabalik din niya ang lahat ng effort at pagod nito.

Sinisiguro niyang lagi silang may quality time, nilalabas niya ito, kumakain sila sa mga paborito nitong restaurant, nanonood ng sine, sinasamahan sa pag sa shopping at once a month na out of town.

Masaya siya at nakikita niyang masaya din ang pinakamamahal na asawa at handa niyang tuparin habang buhay ang pangako niyang paligayahin ang babaeng kanyang itinatangi.

"Good night Gabriel." masuyo niyang hinalikan sa noo ang tulog na tulog na anak. Marahil napagod ito sa buong araw na naging sentrol ng atensyon sa lahat ng kanilang bisita.

Naging abala sila sa buong araw dahil sabay nilang pinabinyagan ang anak at blessing ng kanilang bagong bahay. Kay saya nilang mag asawa at dumalo ang lahat ng tao na naging parte sa panahon ng kanilang kalungkutan.

Ginawa nilang ninong ng anak ang kanyang kuya Robbie at si Dalton, ang mga ninang naman ay sina Isang at Grace. Wala ng iba pang taong nararapat na tumayong pangalawang magulang ng kanilang anak kundi ang mga taong nandyn sa kanila anu't anuman ang mangyari.

Nang masigurong tulog na ang anak ay lumabas siya sa silid nito. Dala marahil ng pagod kaya hindi pa rin siya makatulog kaya naisipin niya munang magpahangin sa pinagawa niyang hardin. Nasa kanan bahagi ito ng mansyon at sa gitna nito ay may puting lanai. Mga sunflower, rosas at orchids mga nakatanim dito.

"Austine... bakit gising ka pa?" tanong ni Elton John habang umupo sa harap niya.

Napatawa siya sa tanong ng kaibigan driver, isinama niya ito sa paglipat pati na rin si Nana Concha ang kanyang dating yaya at anim pang kasambahay mula sa kanilang mga magulang.

"Ikaw bakit gising ka pa?" balik tanong niya.

"Nag double check lang sa mga guardiya, at sinigurado ko munang maayos na nakaalis ang mga nag catering kanina." nakangiting sagot ni Elton John.

You're Still My  Man Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon