"Life is passing day by day. Sa ayaw at sa gusto natin, tinatangay lang tayo ng alon ng buhay. We're all just little specs of confused dust in this endless universe."
-MyFireflyPASIPOL SIPOL si Elton John habang binabagtas nila ang daan papuntang bagong condominium ni Ella. Napansin niya kaagad ang pagiging tahimik ng dalaga samantala ang kanyang boss naman ay parang nasapian ng kung ano at kanina pang nakangiti, mga ngiting ngayon niya muling nasilayan pagkatapos na trahedyang nagpabago sa lahat. Bakas na bakas sa mukha ng amo ang sobrang kasiyahan.
Inihinto ni Elton John ang sasakyan sa harap mismo ng isang matayog na gusali. Ito na ang bagong tirahan ng nawalang heredera. Napansin niya na napakalapit lang pala ng condong ito sa R@A Commercial Center.
"Nandito na tayo Austine." masayang inporma niya sa amo.
Napatango naman si Austine at mabilis na umibis palabas ng sasakyan at binuksan ang pintuan para makakaba si Ella.
Pagkatapos lumabas sa sasakyan ng dalaga ay binalingan naman ni Austine ang driver.
"Elton John, umuwi ka na. Balikan mo nalang ako mamaya." pormal na saad niya sa driver saka tumalikod dito para harapin si Ella ngunit napalingon muli sa driver ng may maalala. "And please, pakisabi kay Dad na mag utos ng tao para kunin ang sasakyan ko sa rest house." paalala niya sa driver bago tumalikod para harapin muli si Ella.
Napatingin si Ella kay Austine ng mapansin na umalis na ang driver.
"Hindi ka pa uuwi?" nagtatakang tanong ni Ella.
Nagkibit balikat lang si Austine at tumuloy na sa loob ng condominium. Nagtataka man ay napasunod siya sa binata.
Binati kaagad si Austine at sumaludo pa ang mga guwardiya at iba pang empleyado ng condominium.
Napailing nalang si Ella sa pagkakataranta ng mga empleyadong madaanan nila habang naglalakad sila ni Austine pagawi ng elevator. Mahigpit pa din ang pagkakahawak ni Austine sa kanyang kamay.
Tuloy tuloy silang pumasok sa elevator, at agad pinindot ni Austine ang numero kung nasaan ang kanyang bagong tirahan.
Napatingin siya dito ng puno ang pagtataka.
"Paano mo nalaman kung anong unit number ang titirahan ko?" nilingon niya ang binata ng magkibit balikat muli ito sa kanyang katanungan.
Pag labas nila ng elevator, kaagad siyang iginiya ni Austine sa kaliwang bahagi ng palapag. Nagtataka pa rin ay sumunod na lamang siya dito. Huminto sila sa tapat ng pinakagitnang pinto, at tama siya ito nga ang kanyang bagong tirahan.
"Key, please." itinaas nito ang kamay para hingin ang susi sa kanya, at mabilis naman niya iniabot ito sa binata.
Kaagad naman sila naka pasok ng condominium, at napa 'oh' siya ng mabungaran nila ang napaka eleganteng living room, may malaking television na naka kabit sa dingding paharap sa malaking itim na sofa. Kompleto ito sa mga modernong kagamitan at sa tingin niya wala pang tumira dito, lahat kasi bago ang mga nasa paligid.
Kahit sa kusina ay kitang kita ang lahat ng mamahalin mga kagamitan. Kompleto ito sa lahat ng appliances at kahit ang fridge ay puno ng pagkain. Pati cupboard ay may mga maka stock na mga de latang pagkain. At kahit saan banda siya tumingin ay nalula siya sa sobrang ganda nito.
Nang dumako naman sila sa master's bedroom, halos lumuwa ang kanyang mga mata. Ang ayos ng silid ay parang isang maharlika ang matutulog. Ang king size na kama at pati mga built in cabinet ay magkaka terno ang kulay. Lahat ng kulay sa silid na ito ay pink at puti lang. Nagtatakang napapailing siya, sa pagkaka alam kasi niya lalaki ang nagmamay ari ng condominium na to.
BINABASA MO ANG
You're Still My Man
RomanceYOU'RE STILL MY MAN A Broken Man Series BOOK ONE Do you believe in destiny? That you were born to be fated to someone else? This is a story of two young lovers who will prove to us that even in all circumstances life had thrown to them they'll found...