Inaalay ko po ang kabanatang ito para po sa inyo: lanits95 zeelzone alavie67 @mollypet
Ang karanasan mo ay ang magpapanday sa'yo upang mas maging matatag at matibay ka ngayon.
-matangpusoSobrang late na siya, ito ang unang beses na nahuli siya ng pag pasok sa trabaho. Kung hindi lang talaga sobrang mahalaga sa kanya ang bagay na yon ay ipagpapaliban niya ang paghahanap dito. Ngunit mas mahalaga ang bracelet na yon kaysa sa ano pa mang bagay.
Ang bracelet na yon ay simbolo ng kanyang katatagan upang harapin muli ang panibagong buhay. Doon siya muling nag umpisang gumuhit nang panibagong ala ala. Sabi nga ng kanyang Nanay Ika, paka ingatan daw niya ang bracelet na yon kasi yon lang raw ang naiiwan bakas nang kanyang kahapon.
Magdamag siyang nagkanda iyak sa paghahanap nito. Lahat ng posible niyang pag lagyan ay inisa isa na niya, pero nabigo siyang makita ito. Nakatulog siya habang umiiyak. Sobrang sakit nang kanyang kalooban ang isiping na maaaring hindi niya na ito muling pang makita.
Kalungkutan at kaba ang nagpapahirap sa kanya habang papasok siya sa trabaho. Matinding kalungkutan para kanyang naiwalang bracelet at matinding kaba para sa kanyang unang beses na nahuli sa trabaho. Kung kailan pa naman darating ang kanilang bagong boss saka pa niya nagawang magpa huli.
Sinalubong kaagad siya ng kanyang dalawang kaibigan bago pa man siya makapasok ng kanilang locker room.
Mas lalo siya kinabahan ng makita niyang ligalig ang mga ito.
"Diyos ko po Ella! Diba pinaalala ko pa sa'yo kahapon, na bawal kang ma late lalo na sa araw nato!" natatarantang saad ng matalik na kaibigang si Isang. "Hoy Grace! Ikaw na nga mag kwento dito sa loka loka nating kaibigan, kung ano ang nangyari kanina." sabay tapik kay Grace habang hinahatak siya nito papasok ng locker room.
"Halika nga dito babae ka! Alam mo ba na mahigit isang oras ka ng late? Nauna pa sa'yo pumasok ang may ari ng mall na'to!" naiinis na saad ni Grace.
"Pasensya na, may mahalaga kasi akong naiwala at nag halughog pa ako ng buong kabahayan para mahanap lang yon." naiiyak na niyang sabi.
"Loka, mamaya mo na ituloy ang iyak iyak na yan pagna sisante ka na. Nakakaloka ka Ella." nawiwindang pa din sabi ni Isang habang palakad lakad sa loob ng kanilang locker room.
"Alam mo ba na kay aga dumating ng bago nating amo! Madaling araw palang nandito na siya. At bago pa dumating ang karamihang empleyado naka pag ikot na siya sa buong gusali. Isn't he is truly amazing? Akalain mo sobrang gwapo na dedicated pa sa trabaho. Samantalang itong kaibigan natin na karaniwan empleyado lang nakuha pang magpa late." nanunudyong sabi sa kanya ni Grace, habang nakatingin sa kaibigan nilang si Isang na paroot paroon sa paglalakad sa kabuoan ng kanilang maliit na locker room.
"Paano nalang kung masisante ka?" sobrang pag aalalang saad ni Isang sa kanya.
"Isang, makikiusap ako sa bagong boss huwag lang ako masisante. Kaya huwag ka na muna mag alala okey?" tinanguan niya ito at sabay ngiti ng may paglalambing.
"Ay mabuti pa nga, at umpisahan mo na ang pakikiusap sa bagong boss para huwag kang ngang masisante. Walang magagawa ang human resources department kung nais ka sipain ng bagong amo. Kaya gura ka na. Makiusap ka na sa kanya. Kaya mo yan Ella" pagpapalakas ng loob na sabi ng kaibigang si Grace.
"Teka diba may trabaho kayo, eh bakit kayo nandito?" nagtatakang tanong niya sa dalawang malapit na kaibigan.
"Hindi ba pwedeng nag aalala kami sa'yo kaya kami nandito?" nagmamalditang sabi ni Grace.
"Hay naku Ella, tumakas lang din ako sa station ko. Nag dahilan ako sa supervisor namin na masakit ang tiyan ko. Kanina pa kasi kami nag aalala sa'yo lalo pa na mahigpit daw itong bagong boss kaya baka nga mamaya wala ka ng trabaho." nag aalala na naman saad ni Isang.
"Ella, basta maki usap ka nalang ng mabuti ha? Promise, tingin ko mabait naman si Sir Austine. Kaya pagbibigyan ka non." pagkokonsula sa kanya ni Grace.
"Sana nga." magkasabay na wika nila ni Isang,
"So paano, akyat ka na. Nasa opisina yata siya ni Sir Robbie. Pag pinagalitan ka, tingnan mo nalang ang super gwapo niyang mukha at mawawala na ang kaba mo at takot." pabirong sabi ni Grace.
"Totoo nga ang sabi sabi ng mga senior manager at supervisor na sobrang gwapo nga ni Sir Austine?" nababaghan tanong ni Isang.
"As in, ng maghulog yata ang Diyos ng sobrang ka gwapohan nasalo ni Sir Austine lahat." natatawang sabi ni Grace. "Ang ganda ng mga mata niya, ang tangos tangos ng ilong, mapupulang labi at may sobrang makinis na balat." kinikilig pang pagsasalaysay ni Grace.
"Nakita mo si Sir Austine?" tanong na din niya.
"Ay oo Ella, sa sobra mong late naisipan ko ng linisan ang sasakyan mo. Mabuti nalang ginagawa ko yon. Imagine, nagka usap pa kami." napahagikhik na sabi ni Grace.
"Ay, iba ka rin Grace ha? At bakit ka naman aber kakausapin ni Sir Austine?" nanunudyong tanong ni Isang.
"Eh, natural naman Isang na mag sign language ako habang nagtatanong siya. Kaloka to! Diba nga nag magandang loob na akong linisan ang VIP elevator kasi nga late na si Ella, ayun nabungaran ko silang pasakay ng elevator. Ayaw ko pa sanang pasakayin kaso yon driver nina Sir Robbie sinabi na si Sir Austine muna daw bagong boss natin." mahabang lintanya saad ni Grace.
"Salamat Grace sa abala, nakuha mo pa talagang linisan ang sasakyan ko, eh hindi na sakop ng trabaho mo yon." niyakap niya ang kaibigan bilang pasasalamat.
"Okey lang yon Ella, hindi ko naman natapos kasi nga papasakay na sina Sir Austine at nag umpisa na din kaming hanapin ka kaya hindi ko na natapos ang paglilinis." magiliw na ngiti ni Grace sa kanya.
"Group hug! Group hug!" biglang nakiyakap na din sa kanila si Isang.
Masaya silang lumabas sa locker room at nag kanya kanya sila ng puslit para maiwasang makasalubong ang kani kanilang supervisor, pag nagkataon kasi e tiyak lahat sila magkakaroon ng disiplinary notes.
Dumiretso na agad siya sa kanyang sasakyan. At tuloy tuloy na umakyat papuntang opisina ng kanilang bagong boss. Abot abot ang kaba niya ng makarating siya sa kanyang destinasyon.
Huminga muna siya ng malalim bago lumapit sa harap ng pintuan ng opisina. Kakatok na sana siya ng may marinig siya tumatangis. Kaya inilapat niya ang kanyang tainga sa mismong pintuan.
Napahawak siya bigla sa kanyang dibdib ng marinig niya ang pagtangis ng isang lalaki sa loob ng opisina. Parang tinusok tusok ang kanyang dibdib. At napalahikbi na din siya sa sobrang sakit na nararamdaman. Pakiramdam niya kilalang kilala niya ang boses na yon.
Hindi na niya namamalayan napapahagulhol na din pala siya. Hawak hawak ang kanyang dibdib napasalampak siya sa sahig.
Hindi na niya nakayanan ang sakit na nararamdaman lalo pa ng marinig niya itong sumisigaw at nagmamakaawa. Parang may sariling isip ang kanyang mga paa. Dahan dahan itong tumayo at wala sa loob na pinihit niyang pabukas ang nakapinid na pintuan.
Lalo siyang napahikbi ng makita niyang nakaluhod ang isang lalaki habang tumatangis. Masuyo niya itong nilapitan at lumuhod na din sa harapan nito.
Humihistro ang sobrang pagkagulat sa mukha nito ng mapatitig ito sa kanya. At parang nakakita ito ng multo sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. At sobra ang kanyang pagkagulat ng bigla bigla itong yumakap ng buong higpit kasabay ng sigaw ng pagtatangis.
"Erie! you came back!" tuloy tuloy na paghahagulhol nito.
Napayakap na din siya dito ng sobrang higpit, pakiramdam niya hindi banyaga ang ganun pakiramdam. She feel like home.
"Erie..." muling sambit nito bago ito mawalan ng malay.
***
You can follow my Wattpad account for more updates. Maligayang Pagbabasa!
-HannaLuna
BINABASA MO ANG
You're Still My Man
RomanceYOU'RE STILL MY MAN A Broken Man Series BOOK ONE Do you believe in destiny? That you were born to be fated to someone else? This is a story of two young lovers who will prove to us that even in all circumstances life had thrown to them they'll found...