CHAPTER TEN

1.1K 34 3
                                    

Huwag mong sukuan ang pagmamahal, pag sumuko ka para na rin itinapon mo ang natitirang pag asa para lumigaya. Kung dalisay ang pag ibig na ito ay marapat lang na ipaglaban mo.
-Athena Sevilla

NAALIMPUNGATAN si Ella ng maramdamang hindi niya maigalaw ang kanyang buong katawan. Naramdaman niyang may nakayapos sa kanya na ubod ng higpit, at para bang ayaw siyang pakawalan. Kaya unti unti niyang iminulat ang kanyang mga mata.

At laking gulat niya na ang napakagawapong mukha ni Austine ang mamulatan niya. Muntik na siyang napatili ngunit naudlot ito nang maakit ang kanyang mga mata na tingnan ang maamong mukha ng binata.

Pinakatitigan niya ito mula sa labing mamula mula, matangos na ilong at sobrang kinis na mukha. Hindi niya napigilan damhim ang makinis nitong balat.

Pag dantay palang ng mga daliri niya ay namangha agad siya sa lambot ng mukha nito. Kay payapa ng tulog ng binata na parang sanggol lang na nagbaba taas ang paghinga. Parang ngayon lang uli ito nagkaroon ng payapang tulog.

Kaysarap pa sanang pag masdan ito, ngunit naisip niya na baka bigla itong magising, at ayaw niya sa ganitong sitwasyon siyang makita ng binata, na ini inspeksyon nya ito habang natutulog. Kaya dahan dahan niyang inalis ang pagkakayakap nito sa kanya.

Laking pasasalamat niya ng niluwagan nito ang mahigpit na yakap. Kaya maingat siyang umibis sa kama upang hindi maestorbo ang tulog nito at mabilis na lumabas ng kwarto.

Pagkalabas niya ng kwarto, patakbong lumabas siya ng opisina. Naisip niya na kaagad puntahan si Marge, ang pansamantalang sekretarya ng kayang bagong amo. Nais niya magpaliwanag dito baka naman kasi may mali itong maisip sa kanila ni Austine.

Ngunit paglabas niya ay wala na ito sa kanyang pwesto. Kaya napatingin siya sa isang orasan na nakasabit sa dingding. Laking gulat niya ng makitang alas diyes na pala ng gabi. Hindi niya malubos maisip na ganun katagal ang kanyang itinulog.

Sumakay na kaagad siya sa kanyang elevator at nagpasyang umuwi, kaagad siyang dumaan sa kanilang locker room upang kunin ang kanyang bag. Pagkakuha ay agad na siyang lumabas ng gusali. Napabuntunghininga siya sa kanyang nakita, sobrang lakas ng ulan at mangilan ngilan nalang ang taong naglalakad sa kalye. Mabuti nalang ay may dala siyang payong sa kanyang bag.

Pagkabukas ng payong ay mabilis niyang rumagasa sa ulan. Nahihintakutan man ay tinapangan niya kanyang loob. Agad agad siyang lumakad papuntang paradaran ng mga jeep.

Napasinghap siya sa gulat ng biglang kumulog ng napakalas. Muntikan pa niyang mabitiwan ang payong ng hampasin ito ng malakas na hangin. Basang basa na siya sa ilang minuto pa lang na lakad papunta sa paradahan.

Palinga linga siya sa mga nadadaanan, ng mapansin niya ang dalawang lalaki na may kalakihan ang katawan at ang mga ito ay mukhang nakasunod sa kanya. Nagulat siya ng nakadako ang mga tingin nito sa kanya.

Kaya nahintakutan siya ng todo na kahit sa tingin niya ay hindi naman mukhang mga rapist o kawatan ang mga ito at mukhang mga desente naman. Pero naisip pa rin niya na sa panahon ngayon ay maaayos na ang pagmumukha ng mga kriminal.

Dahil sa hindi napigilan takot ay bigla siyang tumakbo ng napakatulin. Mabuti nalang at sanay siyang makipaghabulan sa kababatang si Dalton.

Si Dalton ang naging matalik niyang kaibigan na nagtiyaga sa kanyang magturo ng mga nakalimutan mga bagay. At ang pagtakbo ng mabilis ay isa yon sa natutunan niya dito. Bigla niya tuloy na miss ang kababata.

Para siyang nabunutan ng tinik ng marating niya ang paradahan ng jeep. At nagkataon naman na may natira pang isang bakanteng upuan. Agad siyang pumasok sa jeep at pagka upo ay agad hinanap ng tingin ang dalawang lalaking nakasunod sa kanya.

You're Still My  Man Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon