Maligayang pagbabasa, lanits95 alavie67 zeelzone HoneyIgnacio2 @mollypet
Pumanaw ka man, pumanaw man ako, ngunit ang pag ibig ko sa'yo ay mananatiling buo. Makalimot ka man, ngunit sa puso mo mananahan ang pag ibig ko, na magsisilbing gabay upang muli mong makita ang daan pabalik sa buhay ko.
-Heart'sEyes"Ella! Hoy! Okey ka lang ba?" Ang mahinang pagtawag ni Isang ang muling nakapagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.
Sa maikling sandali na naglakbay ang kanyang isip sa banyagang kapaligiran at sa isang imahe na ngayon lang unti unti lumilinaw ang katauhan.
Ang mukha ng taong matagal na niyang pinangungulilaan sa hindi niya alam ang kadahilanan.
Bigla siyang napatititig sa katabing amo. Pinakatitigan itong mabuti at napaawang ang kanyang labi nang mapansin ang pagkakahawig nito sa batang lalaking nasilip ng kanyang isip.
At ang mesteryosong lalaki sa kanyang panaginip ay nabubuo na rin niya ang katauhan habang mariin niyang tinititigan si Austine.
Hindi pa man niya nakikita nang malinaw ang mukha ng mesteryosong lalaki ay hindi naman mapasubalian ang eksaktong pagkakatulad nito kay Austine.
"Are you okey, Princess?" mahinang tanong nito sa kanya. At naramdaman niya ang malambot nitong kamay na humahaplos sa mukha niya.
Parang may kung ano sa kanyang tainga ng madinig ang paraan ng pagtawag nito sa kanya.
Ipinilig pilig niya ng konti ang kanyang ulo ng nakakaramdam siya ng parang may malalakas na hangin na pumapasok sa kanyang ilong at tainga.Napadaing siya ng sa pakiramdam niya ay para siyang nalulunod, kaya nagpakawag kawag siya sa harap mismo ni Austine.
Parang napagdaanan na niya ang ganitong pangyayari!
Isang mahigpit na yakap na may halong seguridad ang nagpa payapa sa kanyang nararamdaman.
"Erie, listen... relax, I'm here. Nothing happen to you anymore. Relax Princess." buong pagmamahal na bulong ni Austine sa kanya. Sa mga salita nito ay unti unti napanatag ang kanyang kalooban.
Dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata nang maramdaman niyang maayos na uli ang kanyang paghinga. Sinalubong siya ng sobrang pag aalala sa mukha ng mga kaibigan. Pati yong mga kumakain sa canteen ay halos nakamasid na sa kanila.
Mabilis niyang naitulak si Austine sa pagkakayakap nito sa kanya ng makita niyang halos nakatunghay sa kanila ang mga mapanuring mga mata ng kapwa empleyado.
Napayuko siya sa sobrang pagkahiya. Saka huminga ng malalim at muli tinitigan ang mga kaibigan at si Austine.
Lalong namula ang kanyang mukha ng mapansin niya ang nakakaaliw na ngiti ni Elton John. Aliw na aliw ito na parang nanonood lamang ng paboritong teleserye.
"Mauna na po ako sa inyo, Sir Austine." Paalam niya at mabilis na tumayo saka patakbong lumabas sa canteen.
Mabilis din tumayo si Austine, kasunod nito si Elton John na hinabol si Ella. Naiwan nakatunganga ang ang dalawang kaibigan na lubos ang nagtataka at hindi makapaniwala sa kanilang mga nasaksihan.
Tumuloy siya sa kanyang elevator, at sumandal siya sa dulong bahagi nito. Kumawala siya ng malalim na paghinga at sinimulan niyang muli e proseso ang mga nasilip na mga pangyayari sa kanyang isip.
Naisip niya na hindi ito maari, at hindi ito normal o nagkataon lang, kaya nasisigurado niyang may kaugnayan ito sa kanyang nalimot na nakaraan. Kaya napag desisyonan niyang umuwi at bisitahin ang mga kinikilalang magulang na naninirahan sa probinsya.
BINABASA MO ANG
You're Still My Man
RomanceYOU'RE STILL MY MAN A Broken Man Series BOOK ONE Do you believe in destiny? That you were born to be fated to someone else? This is a story of two young lovers who will prove to us that even in all circumstances life had thrown to them they'll found...