May mga pagkakataon na ang inaakala natin katapusan ay ang pag uumpisa pa lang pala ng bagong kabanata.
-Athena AllivesNamamahay yata siya, kaya napagpasyahan nalang niya na maagang pumasok sa opisina. Hindi niya yata kaya pang tumagal sa loob ng kanyang kwarto. Parang kinakapos siya ng pang hinga habang nakikita niya ang mga bagay na may kaugnayan kay Erie.
Pagkatapos niyang maligo ay tinawagan na niya si Elton John upang ipaalam na maaga silang paparoon sa main branch ng R@A Commercial Center. Nais din niya kasing libutin ang kabuoan ng commercial center habang walang pang gaanong tao.
Nakaabang na kaagad si Elton John paglabas niya ng kabahayan.
"Magandang umaga Austine. Madaling araw palang. Napakaaga pa yata natin sa opisina. Hindi ka man lang yata naka idlip." may pag aalalang sambit ni Elton habang binubuksan ang likuran pintuan ng itim na BMW.
"Namamahay yata ako. Hindi ako dalawin ng antok. Mabuti na rin yon mapaaga tayo, para malibot ko muna ang kaubuan ng R@A habang wala pang gaanong tao." maikling paliwanag niya ng komportable na siyang nakaupo sa likuran bahagi ng sasakyan.
Wala pang isang oras nakaparada na ang sasakyan nila sa nakareserbang parking space sa basement ng gusali.
Kaagad silang umakyat sa opisina ng kanyang kuya Robbie na magiging pansamantala niyang opisina. Nagustuhan naman niya ang ayos nito kaya lumabas na rin kaagad sila upang isa isang libutin ang bawat palapag ng gusali.
Napadako sila sa canteen ng kanilang manggagawa. Maluwag at malinis naman ito at wala siyang nakikitang magiging problema. At sa kasalukuyan ay naamoy kaagad niya ang mababangong nilulutong pagkain.
Pinuntahan din nila ang mga tindahan sa loob ng R@A at maayos naman ang itsura ng bawat botique. At huli niyang pinuntahan ay ang security area, makabago ang gamit dito at mukha naman organisado at disiplinado ang mga guwardiyang nangangalaga ng katiwasagan at kaligtasan ng bawat tao sa loob ng gusali.
Matapos ang paglilibot ay napagpasyahan na nilang bumalik na ng opisina para maumpisahan na kaagad ang kanyang pansamantalang trabaho, ayaw niyang sayangin ang maikling oras na ilalagi niya sa kanilang kompanya. Gusto niyang bumawi sa kanyang kapatid at magulang kahit man lang sa ganitong paraan.
Papasakay na sila ng elevator ng may mapansin siyang tao sa loob nito. Kaya napatingin siya kay Elton John. Naunawaan naman kaagad ng driver ang nais niya ipahiwatig.
"Magandang araw Miss, maaari na ba kaming sumakay dito?" magiliw na tanong ni Elton John.
Kaagad naman silang napansin ng naglilinis na dalaga.
"Ay sige po! Sige po!" sabay labas ng tagalinis at nabighani kaagad ng matunghayan ang napa gwapong mukha ni Austine. "Ang pogi niyo po!" hindi napigilan papuri ng tagalinis.
"Thank you Grace." simpleng sagot ni Austine habang nakatitig sa identification card na nakasabit sa leeg ng dalaga.
"Pasensiya na po Sir. Nakaka starstruck naman po kasi kapogian niyo. Pero po Sir, mawalang galang na po, kasi baka po pala hindi kayo pwedeng sumakay sa elevator na ito. Kasi bukod sa may ari lang po ang pupwedeng gumagamit nito eh wala pa din po pala si Ella dito." paliwanag ng tagalinis.
"Ella? Sino si Ella? At bakit kailangan namin maghintay pa sa kanya?" nababaghan tanong ni Austine.
"Kasi po Sir, si Ella po ang piloto ng sasakyan na ito. At siya lang po binigyan ng pahintulot ni Sir Robbie sa kung sino lang po maaaring makakasakay po dito." paliwanag ng taga linis habang humahangang naka tingin pa din kay Austine.
"Grace, ganito kasi yon." agaw pansin na sambit ng kanyang driver. "Siya si Sir Austine niyo, ang inyong bagong boss. Siya muna hahalili sa kanyang kuya Robbie." pagpapaliwanag ni Elton John.
![](https://img.wattpad.com/cover/51500205-288-k902136.jpg)
BINABASA MO ANG
You're Still My Man
RomansaYOU'RE STILL MY MAN A Broken Man Series BOOK ONE Do you believe in destiny? That you were born to be fated to someone else? This is a story of two young lovers who will prove to us that even in all circumstances life had thrown to them they'll found...