Masakit ang magmahal kung hindi man lang sinusuklian ang buong puso mong iniaalay.
---Heart'sEyes"Dapa!" sigaw ng isang lalaking sumulpot nalang bigla sa harapan nila at sabay na lumalaban nang putok sa mga sindikatong nakapalibot sa kanila.
Dumapa sila at kasabay noon ang paghagis nito ng mga tear gas sa mga sindikato. Napaubo silang magkapatid, ngunit mabilis silang inabutan ng tig iisang panyo ng estrangherong lalaki.
"Doon tayo!" matigas na saad nito sa kanila.
Mabilis silang tumayo magkapatid ngunit hindi siya sumunod kung saan pagawi ang estrangherong lalaki. At walang pakundangan tinakbo niya kung saan dako ang kasintahan.
"Wait Austine!" sigaw ni Robbie at humabol sa kanya.
Mabilis na humarang sa kanila ang estrangherong lalaki.
"Kung gusto niyo mailigtas si Miss Del Fierro sumunod kayo sa akin." matapang na saad nito.
Napatingin sila sa estrangherong lalaki, habang sinusubukan nilang kilalanin ito.
"Who are you?" matapang na tanong niya.
Tiningnan siya nito ng seryoso saka sa itinutok sa harapan niya at baril nito. Tinitigan niya din ito nang may pag aalinlangan. At sa tingin niya ang lalaking ito ay may mukhang hindi papahuli ng buhay.
"Hindi mo na dapat malaman." saad nito sabay putok ng baril na nakaumang sa kanya.
Nagulat siya ng may bumagsak na isang lalaki sa kanyang likuran at wala ng buhay.
Napatigagal siya sa nasaksihan, at sa palagay niya beterano ito sa larangan sa paghawak ng baril.
"Who are you?" muling tanong niya dito.
Umiling lang ito sabay talikod sa kanila.
"Let's go Austine." tapik sa kanya ni Robbie.
Tumango naman siya saka sumunod sa kapatid.
Sa dulong bahagi sila ng warehouse pumwesto, sa may pinakamadilim na bahagi. Mas lalong dumidilim habang papalapit na ang pagkagat nang dilim. Dinig pa din nila ang patuloy na palitan nang putok sa magkabilang panig.
"Pag putok ko tumakbo kayo at pilitin niyong mailigtas si Ella. Pakiusap siguraduhin niyong buhay siyang mailalabas dito." seryosong saad ng estrangherong lalaki.
Sabay silang napatingin sa lalaki, may nabuo kaagad sa kanilang isip kung sino ito.
"Bernardo Constantino!" may diin na saad ni Robbie.
Tiningnan sila nang saglit ng lalaki at saka mabilis na inilabas sa bag nito ang napakaraming bala.
"Kahit anong mangyari kailangan niyong mailabas ng buhay si Ella dito, ako na bahala para malaya kayong makalayo. May maliit na butas dyn sa bakod, sa likuran niyo at sa labas nang bakod may sasakyan ng naghihintay sa inyo. Huwag kayong lilingon, ang kailangan niyo lang gawin ang makalabas dito nang buhay." malamig na sabi ni Bernardo Constantino.
Napansin nila na may maganda pa din itong pangangatawan, ngunit mababanaag sa mukha nito ang pait at pighati sa kasalukuyan nangyayari sa buhay.
"Pangako lalabas kami dito ng buhay." agad na sagot niya.
Tumango naman si Bernardo. "Salamat, at pakiabot nang paghingi ko nang kapatawaran sa mag asawang Del Fierro, nais ko man personal na sabihin ito sa kanila ngunit baka hindi na yon mangyari. Austine alagaan mo ang anak ko. Patawad din sa naibigay namin pighati sa'yo. Alam kong maling mali ang ginawa namin mag asawa, pero hindi namin pinagsisihan ang mga araw na nakasama namin si Ella, ngunit ang mali ay mali kaya kailangan namin pagbayaran ang lahat ng aming nagawan kamalian." madamdamin saad ni Bernardo Constantino.
BINABASA MO ANG
You're Still My Man
RomantizmYOU'RE STILL MY MAN A Broken Man Series BOOK ONE Do you believe in destiny? That you were born to be fated to someone else? This is a story of two young lovers who will prove to us that even in all circumstances life had thrown to them they'll found...