Hindi madaling makalimot ang pusong wagas na nagmamahal.
-Athena SevillaSa napakahabang panahon, ngayon lang muli siya nakaramdam ng kapanatagan at katiwasayan sa kanyang puso. Pakiramdam niya sa hinaba haba ng kanyang itinakbo ay nakarating din siya sa kanyang destinasyon. Kay sarap sa pakiramdam na nawala ang sobrang bigat na dinadala niya sa napakahabang panahon. Kay sarap pala lumaya sa tanikala ng sakit at pait ng kahapon.
Napabalikwas siya ng bangon at agad agad niyang inilibot ang kanyang paningin sa kabuoan ng silid. May hinahanap ang kanyang mga mata. Gusto niyang siguraduhin na hindi panaginip ang lahat. Gusto niyang siguraduhin na nakabalik na nga ang pinakamamahal na kasintahan na kaytagal niya na rin pinangulilaan at pinangarap na muli itong makita at makasama.
Agad siyang dinaluhan ni Elton John ng makita na siyang gising.
"Austine! Okey ka lang ba? Kumusta na pakiramdam mo?" nag aalalang tanong ni Elton John.
Hindi niya inintindi ang mga tanong ni Elton John. Iniikot niya pa rin ang kanyang mata sa kabuoan ng silid. Napansin kaagad niya na nasa isang silid siya sa loob ng opisina ng kanyang kuya Robbie.
Matagal na ang silid na ito, panahon pa ng kanilang Daddy, ng ito pa ang nagpapalakad sa kanilang mga negosyo.
"Si Erie? Asan si Erie, Elton John?" malakas ang boses na tanong niya na kahit hilong hilo pa ay pinipilit niyang bumangon sa higaan.
"Austine, huwag ka muna diyan gumalaw. Mahabagin Diyos, baka ako pa ang himatayin sa mga nasasaksihan ko ngayon. Teka, relax ka lang muna ha?" pakiusap ni Elton John habang iniaabot ang isang bottled water.
Hindi niya tinanggap ang tubig na inialok ni Elton John, ang nais niya ngayon ay makita kaagad ang kasintahan.
"Si Erie, gusto ko siyang makita. Dalhin mo ako sa kanya!" desperadong pakiusap niya kay Elton John habang pinipilit na bumaba sa kama.
"Austine, sabi ng doctor na tumingin sa'yo kanina, over fatigue ka at kulang na kulang ka sa tulog kaya ka nawalan ng malay at isama mo pa ang emotional breakdown. Kaya kung ayaw mo himatayin muli, kumalma ka. Okey? Paano mo makakausap si Erie kung mawawalan ka muli ng malay." pagpapaliwanag at pag aalo ni Elton John.
"Just let me see Erie, please Elton John." pakiusap muli niya. Ngunit bigla siyang napabalik ng higaan ng makaramdam muli ng matinding hilo.
"Nasa labas lang siya ng silid. Kaya kumalma ka muna Austine at makinig ka muna sa akin." pakiusap na muli sa kanya ni Elton John. "Ganito kasi yon, huwag ka mabibigla ha?" tiningnan siya ni Elton John ng may paaalala. "Si Erie, hindi ka niya kilala. Ikaw o ako ay hindi niya kilala at malamang wala siyang natatandaan na ano man may kaugnayan sa'yo. At hindi Erie ang pangalan niya kundi si Ella Constantino, Austine." mahabang paliwanag ni Elton John habang tinititigan kung ano ang magiging reakyon ng pinakabatang amo.
"No! Hindi totoo yan! Hindi maaari yan!" malakas na sambit nito at biglang bumaba sa higaan at pasuray suray na lumabas ng silid.
Nakita kaagad niya ang dalaga na nakaupo habang nakakatitig sa dako ng silid.
Sinalubong kaagad siya ng tingin ng pinakamamahal na kasintahan kaya dere deretso siyang lumapit dito. Nakatingin lang ito sa kanya na may halong pagtataka. Hindi niya nababanag ang ano man rekognasyon nito sa kanya. Kaya wala sabi sabing mahigpit niya itong niyakap.
"Erie... salamat at bumalik ka. Where have you been through all this years?" masuyo nitong bulong habang napapahikbi muli.
Naramdaman niya ang pagninigas nito ng katawan, tanda na hindi ito komportable sa mga sinasabi niya kaya niluwagan niya ang kanyang yakap at tinitigan ito ng buong pag suyo.
BINABASA MO ANG
You're Still My Man
RomanceYOU'RE STILL MY MAN A Broken Man Series BOOK ONE Do you believe in destiny? That you were born to be fated to someone else? This is a story of two young lovers who will prove to us that even in all circumstances life had thrown to them they'll found...