Sa bawat pag ikot ng ating buhay, may oras na tayo ay maghiwalay, puso'y lumaban man walang magagawa, saan pa, kailan pa muling mahahagkan. Nagkulang man sa atin itong sandali, alam ko na tayo ay magkikitang muli, hanggat may umaga pa na haharapin, ikaw lang ang mamahalin.
-Ikaw Lang Ang MamahalinGABI NA NANG HINATID NI AUSTINE ang kasintahan sa condo nito. Enenjoy nila ang buong araw na parang walang ano man pinagdaanang hirap. Nilibot nila ang kabuoan ng mansyon at ikinuwento ng binata ang panahon ng sila'y mga bata at hanggang sa dumating ang malagim na trahedyang nangyari.
Sinalubong sila ni Nana Lusing, at tuwang tuwa nang makita silang magkasama.
"Ginabi yata kayong dalawa?" bati ng matanda.
Nahihiyang ngumiti nalang si Ella, at tumingin kay Austine.
"Gusto mo bang mag dinner muna?" tanong ng dalaga.
Inakbayan naman ni Austine si Ella na parang wala si Nana Lusing sa harap nila.
"Hindi na, I'll go ahead, para makapagpahinga ka na. I know you're tired." makahulugang ngiting sabi ni Austine.
Napatango nalang si Ella at sumilay ang napakatamis na ngiti.
"Oh, sige. Good night, Ingat ka sa pagmamaneho." malambing na paalala niya sa kasintahan habang pagawi sila sa pintuan.
Nauna naman si Nana Lusing sa may pintuan para pag buksan ang amo.
"Good night Senyorito. Mag iingat kayo." pagpapa alala ng matanda habang binubuksan ang pintuan.
"Good night princess, Good night Nana Lusing." paalam ni Austine habang papalabas ng condominium.
Hinintay pa ni Ella na makasakay si Austine sa elevator bago pumasok sa condo. Parang nami miss kaagad niya ang binata.
"Pasok ka na Senyorita, hayaan mo bukas na bukas nandito na po uli yon. Wala pa rin po talagang nagbago sa inyo, tulad pa rin kayo ng dati na nais lagi ang magkasama." natutuwang kwento ng matanda.
Napapangiti nalang siya at agad na din pumasok sa kanyang silid pagkatapos magpaalam sa kasambahay na magpapahinga na siya.
Agad siyang naligo pagkapasok sa kanyang silid.Habang naliligo ay nakadama siya ng parang may nag iba sa kanya pagkatapos ng nangyari sa kanila ng kasintahan. Ngayon na siya nakakaramdam ng pagmumula ng pisngi habang tinitingnan ang kabuoan ng kanyang katawan sa salamin.
Kaagad niyang tinapos ang paliligo. At preskong nahiga sa kanyang kama. Ipinikit niya ang mga mata at hinayaan na tangayin ng antok. Ngunit napabakliwas siya ng tumunog ang kanyang basic cellphone. Kinuha kaagad niya ito sa kanyang bag at sinagot.
"Ella!" tawag ng lalaking nasa kabilang linya.
Napabangon siya ng madinig ang boses ng kanyang kinikilalang ama.
"Tatay! Nasaan po kayo ni Nanay?" malakas na tanong niya, na punong puno ng pag aalala.
Mahabang buntunghinga ang narinig niya sa ama.
"Nandito kami sa Hospital ng Bicol, anak. Medyo hindi na maganda ang lagay ng iyong ina. At nais ka niyang makita." malungkot na saad ng ama.
Kaagad nag desisyon si Ella na puntahan ang magulang.
"Sige po tatay. Pupuntahan ko po kayo." agad na sagot niya at dali daling gumayak.
Naglagay siya ng mga gamit sa isang katamtaman itim na travelling bag. At mabilis na lumabas ng kanyang silid na dala dala ang mga gamit. Kakatukin sana niya ang matandang kasambahay ng maisipan mag iwan nalang ng isang mensahe sa maliit na papel at idinikit sa pintuan nito.
BINABASA MO ANG
You're Still My Man
RomanceYOU'RE STILL MY MAN A Broken Man Series BOOK ONE Do you believe in destiny? That you were born to be fated to someone else? This is a story of two young lovers who will prove to us that even in all circumstances life had thrown to them they'll found...