"Tunay nga makapangyarihan ang pag ibig at kaya nitong saklawan ang anuman pagsubok ng buhay. Kaya nitong tumanggap ng kung sino ka pa man at ano ka pa man.
--athenasevilla"Austine! Where's Erie? Where's my daughter?" nag aalalang tanong ni Donya Vironica.
Napalingon siya sa mag asawang Del Fierro at sa mga magulang na humahangos patungo sa kanyang kinauupuan sa labas ng emergency room.
Tumayo siya at hinarap ang mga ito.
"She's still inside! And it's frightened the hell of me." nag aalalang saad niya habang napapasabunot sa kanyang buhok.
At mula sa likuran ng mga magulang ay biglang sumulpot ang kanyang kuya Robbie.
"Everyone relax, lets settle first. We have a good doctors here, so I'm sure Erie is fine." mahinahon saad ni Robbie habang inaasistehan ang dalawang ginang na maupo.
Silang mga lalaki ay nanatiling nakatayo, siya naman ay paharap na naisandal ang ulo sa dingding na malapit sa pintuan ng emergency room, habang nakapikit ang mga mata at nanalangin sa kaligtasan ng kanyang mag ina.
"Bunso, are you alright?" tapik ni Robbie sa kanyang kanang braso.
Humarap siya dito, umiling at malalim na napabuntunghininga. Masyado ng dinadaga ang kanyang dibdib.
"I'm trying to be cool, but mamatay yata ako sa sobrang kaba, kuya." napapailing niyang sabi.
"It's just normal, lahat naman tayo nag aalala at kinakabahan. But, don't worry, we have a very best doctor for Erie kaya relax ka lang, okey?" pagkukunsola ni Robbie sa kanya.
Napailing siya nang maalala ang lahat na nangyari.
"I almost got a heart attack when I saw her lifeless! She passed out in the middle of the road, what if nasagasaan siya?" naaupset na saad niya habang nakaantabay ang mga mata sa pintuan ng emergency room.
"Huwag mo na yon isipin, let's concentrate on her recovery. Hindi ito magiging madali para kay Erie, lalo pa hindi pa rin siya nakaka alala." saad ni Robbie.
Magsasalita pa sana siya nang biglang bumukas ang pintuan ng emergency room at lumabas ang isang napakagandang doctor.
"Doctor Audrey, how's the patient!" mabilis na tanong ni Robbie.
"Is she okey?" tanong din ni Austine.
"How's my daughter?" naluluhang tanong ni Donya Vironica.
Napangiti ang doktora nang napansin nitong nasa gitna na siya ng anim na nag aalalang kapamilya.
"She's okey, but I have a good news, doon po tayo sa opisina ko." magiliw na saad ng doktora at mabilis itong lumakad pagawi sa kanyang opisina na nasa pang apat lang na silid mula sa emergency room.
Mabilis naman sila tumalima sa sinabi ng doktora. Walang pang dalawang minuto ay nakaupo na silang lahat sa harapan nito.
May inilabas itong folder mula sa drawer at saka sila hinarap.
"Okey guys, the patient is okey. Masyado lang siyang napagod at stress lately. The thing is, sa kalagayan niya ngayon ay bawal sa kanya ang lahat ng kahit anong klaseng stress at sobrang paggalaw. She's seven weeks pregnant, at mahina pa ang kapit ni baby kaya konting ingat lang po tayo sa kanya." magiliw na paliwanag ng doctor.
"Baby?" sabay sabay na tanong nang mga nasa harap, si Austine naman ay napabuga sa hangin sa sobrang pagpapasalamat na ligtas ang kanyang mag ina.
"She's pregnant, to whom?" nagugulat pa rin tanong ni Don Anton Del Fierro.
BINABASA MO ANG
You're Still My Man
RomanceYOU'RE STILL MY MAN A Broken Man Series BOOK ONE Do you believe in destiny? That you were born to be fated to someone else? This is a story of two young lovers who will prove to us that even in all circumstances life had thrown to them they'll found...