"Hey babe, wake up." marahang hinaplos ni Austine ang mukha ng kasintahan.
Nakatulog na ito sa paghihintay. Naawa siya sa kasintahan, alam niyang hirap ito sa pagbubuntis. Maputla pa rin ito at mahina ang katawan.
"Austine." biglang itong sumigla nang makita siya.
"Let's go downstairs, I already bought you a shopao." anyaya niya sa kasintahan.
Namilog ang mga mata nito. "Talaga? Wow! Halika ka na, I'm so hungry na kasi!" nagmamadali itong bumangon sa kama.
"Whoa babe, slowly. Let me carry you para hindi ka mapagod." yumuko siya at dahan dahan kinarga ang kasintahan.
Yumapos naman kaagad ang dalaga sa kanyang leeg at sumiksik sa kanyang dibdib.
"Ang bango mo." sininghot singhot pa siya nito. "Bakit ang bango mo ha?" tiningnan siya nito ng seryoso.
Nagulat naman siya sa expression ng dalaga at saka malutong na tumawa. "Babe, araw araw ito naman ang ginagamit kong pabango, I never change my perfume."
Umirap ito sa kanya. "Don't ever cheat on me Austine ha? Baka may pinopormahan ka doon sa opisina mo. Lagot ka talaga sa akin." banta nito.
Lalo siyang tumawa. "I won't do that, you know that. Ikaw talaga pinapatawa mo ako. Halika na nga." saad niya habang maingat na bumaba sa hagdanan.
Namilog ang mata ni Erie nang tumambad sa kanya ang sangkatutak na ibat ibang klaseng shopao. Kung titingnan para silang magpi feeding program sa dami ng shopao na nasa kanilang dining table.
"You bought all these? And why?" namamangha na tanong ni Erie.
Napakamot nalang sa ulo si Austine. "I forgot kasi the flavor that you like. Kaya binili ko nalang lahat ng flavor."
Napa oh si Erie. "Sa dami nito mukhang parang last supper ko na." natatawang saad nito.
"I'm sorry, I really forgot the flavor you prefered." pagpapaliwanag pa niya.
Biglang naluha ang dalaga. "Thank you Austine, this is really awesome!" manghang mangha ito sa mga shopao na nasa harapan.
Kaagad inisa isa ni Erie ang mga supot ng shopao. Kahit siya din naman ay namangha sa iba't ibang klase ng flavor nito.
"Oh my, lahat sila mukhang delicious. And they smell good too." at mabilis na pinigtas nito ang pagkakabuhol plastic.
Inagapan naman kaagad ni Austine ang kasintahan. Mukhang sabik na sabik ito lantakan ang mga shopao.
"Let me do it babe." saad niya, sabay binuksan ang isang supot at iniusog ito mismo sa harapan ni Erie.
Kaagad naman dumakot ang dalaga ng isang piraso at isinubo kaagad ito.
"This is so delicious, Austine. Try it." saad ng dalaga saka inabutan siya ng isang piraso.
Tama nga si Erie, masarap ito. Kahit yata hindi naglilihi maiibigan ang lasa nito.
"This is good." mas natakam siya ng malasan ito.
Tumawa si Erie habang ina appreciate niya ang lasa ng shopao.
"I told you, masarap talaga. Nakalimutan mo na kasi ang lasa, but me--I never forgot the taste, ito yata ang binigay mo sa akin at yon din ang unang ngumiti ka sa akin. Dati kasi you always make simangot. I don't know why laging kang nakabusangot noon." natatawang saad ni Erie.
Nilingon niya ang dalaga saka tumawa. "You're so makulit kasi dati, anyway makulit ka pa din naman ngayon. You never change, mas lalo ka nga naging mas makulit ngayon." tudyo ni Austine.
BINABASA MO ANG
You're Still My Man
RomanceYOU'RE STILL MY MAN A Broken Man Series BOOK ONE Do you believe in destiny? That you were born to be fated to someone else? This is a story of two young lovers who will prove to us that even in all circumstances life had thrown to them they'll found...