"Masarap magmahal ng taong maraming iniisip para mahalin ka at walang iniisip para iwanan ka."
-MatapangPusoNAPABALIKWAS SI AUSTINE habang nakadapang natutulog. Napansin niyang patuloy na tumutunog ang kanyang mobile phone. Inabot niya ito sa side table at mabilis na sinagot ng makitang si Nanang Lusing ang tumatawag. Bigla siyang nakaramdam nang sobrang kaba. Nag aalala kaagad siya para kay Erie.
Tumingin siya sa wall clock na nakasabit sa dingding ng kanyang kwarto upang malaman kung anong oras na, nakita niyang mag a alas sais palang ng umaga. Mas lalong tumindi ang kanyang pag aalala sa napaka agang tawag ng kasambahay.
"Magandang Umaga, Nang Lusing." simpleng bati niya.
Ngunit napaupo siya ng tuwid ng marinig niya ang boses nito na sobrang nag aalala.
"Senyorito! Umalis po si Senyorita Erie habang tulog po ako! Hindi ko po mawari ang saktong oras ng kanyang pag alis! Nag iwan naman po ng mensahe na pupuntahan daw po ang kanyang mga magulang!" natatarantang inporma ng matanda.
Kaagad siyang napatayo at patakbong pumasok sa banyo upang mag toothbrush.
"Nang! Ano pa ang sinabi ni Erie?" natatarantang tanong niya.
Narinig niyang ang malalim na buntunghininga ng kasambahay.
"Wala na po Senyorito." nag aalalang sagot ng matanda.
"Sige Nang, I'll be there soon." at mabilis na pinatay ang tawag.
Kaagad nagbihis si Austine at lumabas ng mansyon ng hindi na nagpa alam sa mga magulang. Sinalubong siya ni Elton John, sabay bukas sa pintuan ng passenger seat.
"Hurry up! Elton John! Erie's gone again!" saad niya at mabilis na pumasok sa kotse.
Kaagad naman pinasibad ni Elton John ang sasakyan, sabay tingin sa kanya.
"Saan tayo Austine?" tanong ni Elton John.
"R@A Tower, kailangan kong makausap si Nanang Lusing at ang mga body guard niya.
Tango lang sinagot ni Elton John at mas lalo pang pinabilis ang kanilang takbo. Habang nasa sasakyan ay biglang tumunog ang kanyang mobile phone.
"Sir Austine! Pasensiya na po! Hindi po namin napansin na umalis si Miss Erie. Na check na po namin ang CCTV at sinadya po niyang magtago sa paglabas ng building. Sa employees exit po siya dumaan!" inporma ni Santos sabay ng pormal na paghingi ng paumanhin.
Napapailing nalang si Austine.
"Meet me at CCTV room." pormal siyang sabi sabay patay ng kanyang mobile phone.
Pagdating sa R@A Tower mabilis niyang tinungo ang CCTV room. Naabutan niya ang dalawang body guard at ang head security ng building na nakatunghay sa mga monitor.
"Sir!" sabay sabay bati sa kanya ng tatlo, saka binigyan siya ng daan upang makaupo sa harap ng mga monitor kung saan makikita ang iba't ibang anggulong kuha sa paglabas ni Erie ng gusali.
"Pagka alis ko umalis ka agad siya!" dumagundong sa loob ng silid ang kanyang nag aalalang boses.
"Pasensiya na talaga Sir, hindi po talaga namin akalain na aalis si Miss Erie ng ganun oras." paghingi muli ng paumanhin ni Santos.
Tumango tango nalang siya.
"Follow her tracks! Find her! Gawin nyo ang lahat para mahanap siya. Then update me!" matigas na boses na utos niya at mabilis na lumabas ng silid.
Kaagad siyang sinalubong ni Nanang Lusing pagbukas niya ng pintuan. May sarili siyang susi sa condong ito kaya malaya siyang makakapasok anuman oras.
BINABASA MO ANG
You're Still My Man
RomanceYOU'RE STILL MY MAN A Broken Man Series BOOK ONE Do you believe in destiny? That you were born to be fated to someone else? This is a story of two young lovers who will prove to us that even in all circumstances life had thrown to them they'll found...