CHAPTER THIRTY EIGHT

882 29 1
                                    

Like what he promised na ibibigay niya ang lahat nang makapagpapasaya kay Erie kaya he planned for a secret wedding proposal. He ordered their best staff of the creative department ng R@A  para mae set up ang isang parang sunflower farm sa kanilang pribadong lupa sa Tagaytay. Erie loved Sunflower kaya yon ang naisipan niyang tema ng wedding proposal.

And it took a week para magawa yon, at ito na ang araw na yon. Ang balak sana niya na yayain itong magpakasal pagkapanganak nito kaya lang ayaw niyang magkaroon ng agam agam ang kasintahan

Kaya maaga palang busy na ang lahat para masiguradong walang magiging problema. Ang kanilang dalawang chopper ay naka stand by na sa ere, at ang isa pang chopper ay magsusundo kay Erie galing sa R@A. Ang Kuya Robbie na ang inatasan niyang magsundo sa kasintahan.

"Boss Austine, naka set up na din po ang mga food. Pati mga lights po ready na din. Any further last instruction?" saad ng kanilang creative department head na si Digna.

Inikot muna ng kanyang mga mata ang lugar, nasa parang sunflower farm na nga sila at nasa gitna ang mesa ng mga paboritong  pagkain ni Erie. Lahat ng sunflower ay may mga ilaw kaya magiging napakaliwanag nang lugar pag nasindihan na ang mga iyon. Kung hindi lang delikado pa sa kasintahan ang malayong biyahe sa mismong sunflower plantation sa Amerika niya ito dadalhin.

"Thank you Digna, I guess wala na. You can all leave now." saad niya habang magiliw na nakangiti sa may late forties ng empleyado.

"You're welcome boss, pano aalis na po kami. Goodluck po." paalam nito saka mabilis na umalis.

Maya maya pa ay narinig na niya ang isa pang chopper na paparating kaya nagmamadali siyang tumungo sa isang malawak na bakanteng lupa na may pantay pantay na carabao grass kung saan magla landing ang chopper sakay si Erie.

Hawak ang remote control ng mga ilaw, lumingon muna siya sa paligid bago lumakad sa papa landing na chopper. Samantala ang dalawang chopper na naka stand by ay paikot ikot na lumilipad sa lugar habang iniilawan ang paligid. Papadilim na kaya medyo madilim na.

Nakita niyang inaalalayan ng isa pang staff na kasama sa chopper si Erie. Nakapaganda sa suot nitong puting bestida habang nililipad lipad ang laylayan. Napansin niyang ang pagtataka sa mukha sa ng kasintahan kaya nilapitan na niya ito.

"Babe...." saad niya habang akay ito palayo sa chopper, ngunit tinanguan niya muna ang piloto na pwede na itong umalis at balikan nalang muli sila.

Sinalubong naman kaagad siya nang mahigpit na yakap ni Erie. "What are we doing here?" tanong nito na puno nang pagtataka.

Hindi niya sinagot ang tanong ng kasintahan. They just walked closer to the made up flower farm, at nang malapit na sila ay pinindot niya ang remote control. Kasabay ng pagliwanag nang lugar ay bumasag sa katahimikan ng lugar ang isang malamyos na musika.

"Oh my God." gulat na gulat na saad ni Erie habang inikot ng paningin ang kabuoan ng lugar. Nagmukhang alitaptap ang mga ilaw na parang dumapo sa mga matitingkad na kulay ng sunflower. "They're beautiful." humahangang saad nito habang nakatakip ang dalawang kamay sa bibig.

"You're much beautiful than them." pabulong niyang sabi.

Napangiti si Erie. "Totoo?" hagikhik nito.

Inilahad niya ang kanyang kanan palad sa dalaga. "May I dance with you?"

"Of course, kaso baka hindi na ako marunong. It's been ages  the last time I dance." nag aalalang sagot ni Erie.

Masuyo niya itong hinalikan ang dalaga. "I'll help you to remember." bulong niya saka iginiya si Erie sa gitna ng makeshift dance floor.

"Then come help me to remember." bulong ng dalaga.

You're Still My  Man Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon