CHAPTER THIRTY NINE

873 27 2
                                    

Sa Charles Medical Center na nang mahimasmasan si Austine, kaagad itong napabalikwas nang maalala ang nangyari at mabilis inikot ang mga mata sa kabuoan ng silid.

"Li'l bro gising ka na pala, hinimatay ka pa talaga sa gitna ng panganganak ni Erie." tudyo ni Robbie, kagagaling lang nito sa labas ng silid.

"Si Erie, nasaan siya. Kumusta na siya?" tanong ni Austine saka mabilis na bumaba sa kama.

Tawang tawa pa rin si Robbie habang nakatingin sa kanya. "Relax bunso, mamaya mo himatayin ka pa ulit."

Sinimangutan ni Austine si Robbie. "Kuya, ano ba."

Mas lalong napahalakhak si Robbie. "Maupo ka nga muna." inabutan siya nito ng isang mainit init pang kape. "Don't worry, nakausap ko ang doctor niya, okay naman daw ang lagay ni Erie, wala tayong dapat ipag alala. Excited lang daw lumabas ng maaga ang pamangkin ko." paliwanang ni Robbie habang sumisimsim ng kape.

Lumagok lang ng dalawang beses si Austine at muling tumayo. "I want to see her." saad niya.

Napatango si Robbie. "Alright, let's go. Pero siguraduhin mo na hindi ka na hihimatayin ulit ha?" muling tudyo ni Robbie.

Muling ibinigay ni Austine ang kape sa kapatid saka mabilis na iniwan ito. "Ewan ko sa'yo kuya, balang araw maiintindihan ang nararamdaman ko."

Humabol si Robbie kay Austine. "You know Bunso, huwag kang mag alala may kasabay ka naman na muntik nang himatayin." malakas na tawa ni Robbie.

Lumingon si Austine kay Robbie. "Oh? Ikaw?"

Humalakhak si Robbie. "Si Marge, eh sa harap ka ba naman niya bumagsak!" saad nito habang kanda ihit sa tawa.

Napasabunot sa kanyang buhok si Austine. "Oh my, nakakahiya."

"Talagang nakakahiya." Humagalpak na tawa ni Robbie. "Pero don't worry about it, sinabihan ko na si Marge na huwag ipagsasabi." muling malakas na tawa ni Robbie.

"Kuya! Sarap mong dagukan." nakasimangot na saad ni Austin.

Tinaas ni Robbie ang kanyang dalawang kamay. "Okay, okay, hindi ko lang mapigilan tumawa." saad nito saka pumasok sa nakabukas ng elevator.

Naabutan nila ang mga magulang na masayang nagku kwentuhan, unlike sa dati nilang tagpo na puro takot ang nababalot sa kanila. Ngayon lahat excited sa bagong miyembro ng pamilya.

"Austine, are you okay na ba?" tanong ng ina ngunit halata naman pinipigilan nitong matawa.

Napailing si Austine saka hinarap ang lahat. "Guys, huwag na niyong pigilan tumawa."

Para bang hinihintay lang na magsalita siya, at kaagad sabay sabay naghalakhakan ang lahat.

"Sorry bunso, nakakatawa lang kasi talaga but you also got us worried." natatawa pa rin sabi ng kanyang ina.

"I'm fine Mom, pero si Erie? How was she?" nag aalalang tanong niya habang nakatingin sa delivery room.

Tumayo si Don Anton at tinapik ang kanyang balikat. "Don't worry Austine, okay lang si Erie ini assure naman kami ng kanyang doctor na wala tayong dapat ipag aalala." nakangiting saad ng Don.

Napalingon silang lahat nang bumukas ang pinto ng delivery room at lumabas ang doktor ni Erie at lumapit sa kanila.

"Everyone, you can all breath now, Miss Del Fierro is giving birth to a healthy baby boy." nakangiting saad ng doktora. "Austine, congratulation." masayang saad nito. "Pwede niyo ng puntahan sila after thirty minutes sa kanilang kwarto."

Napatili ang dalawang bagong lola at mahigpit na nagyakapan.

"Thank you Doc." masayang saad ni Austine. Pakiramdam niya muli siyang hihimatayin sa lubos na kaligayahan.

You're Still My  Man Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon