"Kahit nagmamahal tayo huwag natin kalimutan na magtira ng para sa sarili. After all, our main obligation and responsibilities of being a human is to treasure first, our precious life.
--Hanna LunaSa araw din yon ay iniuwi si Erie ng magulang sa sariling mansyon. Everybody was so happy, ang mga kasambahay nang mga ito na pinabalik ng kanyang mommy ay sinasulubong ang prinsesa nang masaganang hapunan.
Kasama ang kanilang magulang at kanyang kuya Robbie ay masaya nilang pinagsaluhan ang masaganang hapunan.
Pagkatapos ng hapunan ay nagyaya si Erie na magpahingin sa veranda. Naupo sila sa isang metal na upuan sa gitna ng veranda habang nakatanaw sa harapan ng mansyon, maaliwas ang paligid at kay liwanag ng buwan.
"Austine," mahinang sambit ni Erie sa kanyang pangalan. "Kanina on our way home, naalala ko na ang lahat na mga nangyari, all of them." napapabuntunghingang saad ni Erie.
Bigla siyang napatingin sa kasintahan na may pag aalala. "Lahat lahat?" paninigurong tanong niya.
Tumango naman ang dalaga. "Yes, all of them, and my second parents, I need to see them. Gusto ko silang tulungan, kailangan nila ang tulong ko but I got worried sa maaaring isipin nina Mommy at Daddy.
Tiningnan mabuti ni Austine ang kasintahan at hindi si Erie ang kanyang nakikita ang nasa harapan niya ay ang simpleng babae na hindi maarte at may kagaslawan, kundi ang mahinhin na si Ella.
"So, what are you going to do about it, na hindi masasaktan sina Mommy." mahinang boses na tanong niya.
"Gusto ko silang puntahan, nag aalala ako sa kalagayan ni Nanay. She's dying, Austine. Isang buwan nalang ilalagi niya sa mundong ito." nakayukong saad ni Erie.
Napatingin si Austine sa maliwanag na kalangitan. Nararamdaman niya, na hindi man maamin ng kasintahan ay mas ninanais nitong umuwi sa piling ng pangalawang magulang.
"I wanna go home Austine." napapahikbing saad ni Erie.
Napalikwas siya ng tingin dito, at hindi niya inaasahan ang narinig dito.
"Erie, this is your home! Did you hear, yourself? My God, ito ang totoo mong tahanan! You're parents had been mourning you for the past seven years, samantala yang kinikilala mong magulang ay itinago ka nang napakatagal na panahon, at hindi nila inisip na may pamilyang naghahanap sa'yo, at nag aalala. And me, alam mo din ba kung anong hirap at sakit ang pinagdaanan ko nang mawala ka? Erie, sa pitong taon na yon, gabi gabi, hindi ako pinapatulog ng trahedyang nangyari sa'yo. Samantala yan mga kumupkop sa'yo, ay gabi gabing mahimbing ang tulog. They stole the years na dapat magkasama tayo, they stole the right of your real parents. Now tell me, are they a good person, as what you think they are?" naluluhang saad ni Austine.
Hinawakan ni Erie ang kanyang mga kamay at tiningnan siya ng may pagmamakaawa.
"I just want to see them and help them Austine, at gusto ko makasama si Nanay sa mga natitira niyang araw.
Nagpapailing iling si Austine.
"I love you so much Erie, at alam mong ibibigay ko ang lahat lahat na kaya kong ibigay, but sorry I couldn't help you with this, ayaw ko masaktan sina Mommy Viron." inalis niya ang pagkakahawak nito sa kanya at tumayo. "I'm tired, I'll go ahead." maikling paalam niya at kaagad tinalikuran ang dalaga.
Mabilis niyang nilisan ang mansyon, sa likuran bahagi siya dumaan upang walang makapuna sa kanya. Ayaw niyang mahalata siya ng mga magulang na sumama ang kanyang loob sa dalaga.
Naiintindihan naman niya ang sitwasyon ng kasintahan, ngunit hindi maatim ng puso niya na may kahati na siya sa buhay nito, bukod sa totoong magulang at ngayon mas binibigyan pa nito ng pansin ang mga taong nagnakaw ng ilang taon, na dapat sana kapiling niya ang kasintahan
BINABASA MO ANG
You're Still My Man
Любовные романыYOU'RE STILL MY MAN A Broken Man Series BOOK ONE Do you believe in destiny? That you were born to be fated to someone else? This is a story of two young lovers who will prove to us that even in all circumstances life had thrown to them they'll found...