CHAPTER THIRTY TWO

841 26 0
                                    

"Minsan kailangan mo din tumalikod sa pangako, kung ang pangakong yon ay isa nalang salitang wala ng tibay."
--langpaya

Nagising si Erie na masakit ang buo niyang katawan, ang kanyang pisngi na namamaga ay hindi niya gaanong maigalaw sa sobrang sakit, pati ang kanyang mga mata ay mahapdi, at malabo ang kanyang paningin.

Namulatan niya si Austine na nakayuko sa kanyang kama at natutulog. Nakaramdam siya ng habag sa kasintahan, simula nang magkita silang muli ay wala na itong ginawa kundi ang habulin siya, alagaan at patuloy na minamahal nang lubos kahit lumipas na ang ilang mga taon.

Hindi huminto ang kasintahan na mahalin siya kahit sa kabila nang kaalaman na patay na siya. Ininda nito nang labis ang kanyang pagkawala at nabuhay sa pagdurusa at pagsisi.

Ngayon niya lubos naintindihan na sa lahat nang nangyari si Austine ang mas naapektuhan. Hindi naging normal ang buhay nito simula nang siya'y mawala.

Napansin niya ang humpak nitong pisngi ngunit hindi iyon nakaapekto sa kagwapuhan nitong taglay. Makisig pa din ito at napakakinis ng mukha. Kung tutuusin napaka swerte niya at umibig ang suplado at gwapong lalaking ito sa katulad niyang bratty at maldita.

Kung realidad ang pag uusapan, talagang alangan siya dito, kung hindi nga siguro sila naging magkapitbahay, for sure hindi siya papansinin nito kahit ilang beses pa sila magkasalubong sa kalye.

Gwapo ito at may maamong mukha kaya marami nagkakandarapa ditong mga kaklase at schoolmate nila noon. Kaya nga dinaan niya sa pagtataray para wala makalapit dito. Bata pa sila alam niya na, na ito lang ang gusto niyang makasama habang buhay.

Marahan niyang hinaplos ang buhok nito habang nakatunghay dito. Napapangiti siya habang mataman tinitingnan ang kumikibot kibot nitong labi na para bang may kausap ito sa panaginip.

Nagulat pa siya ng bigla itong tumayo at tumingin kaagad sa kanya, na para bang takot na takot.

"Erie! Oh my God! Akala ko kung napaano ka na?" mabilis na niyakap siya nito nang sobrang higpit.

Napa 'ah' siya sa sobrang higpit nang yakap nito, kaya kaagad siya nitong binitiwan at sobrang nag aalala nang makita siyang nakangiwi.

"Masakit kasi ang buo kong katawan." paliwanag niya.

Napasabunot si Austine sa kanyang buhok. "Sorry babe, masakit pa ba?" tanong nito na may sobrang pag aalala.

Marahan siyang tumango. "Masakit, pero kaya ko naman." nginitian niya ang binata.

Malalim na napabuntunghinga ang binata at marahan tumabi sa kanya. "Are you hungry, what do you like to eat?" malambing na tanong nito.

Umiling lang siya at masuyong tinapunan ng tingin ang binata. "I'm sorry Austine, sa lahat lahat. Pangako hindi na ako magpapasaway, at makikinig na ako sa'yo, natatakot akong magkawalay tayong muli." madamdamin saad niya.

Hinawakan ni Austine ang kanyang kanan kamay at dinala sa labi nito at masuyong hinagkan. "Pangako, hindi na tayo maghihiwalay. I just want you to be safe kaya kita pinaghihigpitan, sana maintindihan mo yon." mahinang saad nito.

"I know now Austine, natakot talaga ako nang kunin ako ng mga lalaking yon, akala ko tuluyan na talaga tayong magkakahiwalay." napahikbi siya nang maalala ang sinapit niya sa kamay ng mga sindikato.

"Shhhh, babe. Tahan na, hindi na mauulit iyon. I'll make sure na hindi na muling malalagay sa kapahamakan ang iyong buhay." alo ng binata sa kanya.

Napangiti siya sa sinabi nito. "Paano mo naman magagawa iyon? Itatali mo ako sa iyong baywang?" biro niya sa kasintahan.

Natawa din si Austine. "Kung iyon ang paraan para hindi ka na muling malalagay sa kapahamakan ay gagawin ko." seryoso nitong sabi.

You're Still My  Man Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon